You are on page 1of 26

PAKSA 1-INTRODUKSYON

SA PAMAMAHAYAG
PANIMULA:
• Ang kaibahan ng isang manunulat ng panitikan at isang
mamamahayag ay ang katotohanang ang isang pampanitikan
manunulat ay nakakulong sa kanyang silid at pinapagana ang
kanyang imahinasyon sa pagsusulat samantalang ang isang
mamahayag ay lumalabas.
• Maaaring hindi kayo naging mamamahayag subalit
makapagsasanay kayo ng mga kabataang mamamahayag
kapag kayo’y mga guro na.
NILALALAMAN NG PAHAYAGANG
PAMPAARALAN
PAGSULAT NG BALITA – Ang pagsulat ng balita ay anumang
ulat,pasalita o pasulat ukol sa mga pangyayaring hindi
karaniwan,napapanahon,makatawag pansin at kawilihan ng
mambabasa,nakakaganyak at nakalilibang,totoo,bagay na
kaganapan lamang o natuklasan sa unang pagkakataon.
SANGKAP NG BALITA
• Napapanahon
• Kalapitan
• Kahalagahan
• Katanyagan
. di-karaniwan,Pambihira
. Pamukaw-damdamin o kawilihan
• Drama
• Pag-unlad o Pagsulong
• Hayop
• Mga bilang
MGA KATANGIAN NG BALITA
• KAWASTUHAN-Tumutukoy ito sa tamang impormasyon tulad ng
mga pahayag,pangalan,petsa at iba pa.
• TIMBANG-Tumutukoy ito sa tamang diin at pagtatampok.
• WALANG KINIKILINGAN O OBHETIBO-Tumutukoy ito sa pag-iwas sa
pagbibigay ng opinion sa pagbabalita at pagbibigay ng dalawang panig
sa isang kontobersyal na isyu.
• KAIKLIAN AT KALINAWAN-Tumutukoy ito sa pag-uulat na payak at
tiyak.
• KASARIWAAN- Tumutukoy ito sa pagbibigay-diin sa pinakabagong ang
gulo sa isang balita o panyayari.
• PAMATNUBAY NG BALITA-Ang panimula ng isang balita ay tinatawag
na pamatnubay.ito ang pinakamahalagang bahagi ng isang balita dahil
MGA URI NG BALITA

Ayon sa pagtalakay sa paksa


Ayon sa pagkakasunod-sunod
Ayon sa anyo
Ayon sa nilalaman
Mga tanging uri
PAGSULAT NG BALITA
• Pag-aralang mabuti ang mga nakalap na impormasyon.
• Ayosin ang mga nakalap na impormasyon mula sa pinakamahalagang
detalye patungo sa di-gaanong mahalaga o iyong tinatawag na baligtad na
piramide.
• Bumuo ng angkop na panimula o pamatnubay ng balita.
• Tiyaking ang pamatnubay ay may kaisahan o umaakma sa katawan.
• Magsama lamang ng isang pangunahing ideya o pantulong na ideya sa isang
talata.
• Sumulat lamang ng maikling talata
• Tiyaking ang mga talata ay magkaugnay
MGA BAHAGI NG EDITORYAL

• PANIMULA- News peg (batayang balita),isyu,paninindigan


• KATAWAN-Mga dahilan at patunay ng argumento
• WAKAS- Kongklusyon,hamon
Natatanging
Lathalain

Ang natatanging lathalian ay ulat ng mga


pangyayaring namasid, nasaksihan o
nasaliksik na nakasulat sa kawili-wiling
paraan.
Mga Patnubay sa
Pagsulat
Walang tiyak na haba
Maaaring sulatin sa kahit anong panauhan
May sari-saring istilo
Lagyan ng pantaong anggulo
Gawin makatawag pansin ang panimula
Maging mapagmasid
Magbigay ng detalye at konkretong paglalarawan
Magbigay ng halimbawa
Lakipan ng salaysay
Ingatan maging himig-editoryal
Gamitin ang usapan o mga tuwiran at di-tuwirang sabi
MGA URI NG
NATATANGING
LATHALAIN
LATHALAING
NAGPAPABATID
(INFORMATIVE
FEATURE)
LATHALAING
PABALITA (NEWS
FEATURE)

PANGKATAUHANG
LATHALAING
DAGLI
(CHARACTER
SKETCH)
LATHALAING
PANGKASAYSAYAN
(HISTORICAL
FEATURE)
LATHALAING
PANSARILING
KARANASAN
(PERSONAL
EXPERIENCE OR
ADVENTURE)
LATHALAING
PAKIKIPANAYAM
(FEATURE
INTERVIEW)
LATHALAING
PANLIBANG
(ENTERTAINMENT
FEATURE)
PAG-UULO(HEADLINE)

Ang pag-uulo ay may dalawang


layunin:
- makatawag pansin ng mambabasa
- masabi kung tungkol saan ang
artikulo.
Sa pagsulat ng ulo ng balita, ang
detalye ay kinukuha sa panimulang
talata.
Mga mungkahing hakbang sa pagbuo
ng ulo ng balita

1. Piliin ang mahalagang balita


2. Bumuo ng maikling pangungusap
mula rito
3. Maaaring palitan ang mga salita ng
kasingkahulugan nito kung hindi
magkasya ang orihinal na salita sa
espasyong inilaan dito.
Mga Uri ng Ulo
1. Banner - Ulo ng pinakamahalagang
balita.
2. Deck o Bank - Pangalawang pangulo na
nasa ibaba ng pinakaulo na nasusulat sa
mas maliit na letra.
3. Flush Left - Pantay sa kaliwa.
4. Tagline or Kicker - Pananda ng
pinakaulo na inilalagay sa itaas nito.
5. Downstyle - lahat ay nasa maliit na
letra, maliban sa unang letra ng unang
salita at unang letra ng mga pangalang
pantangi.
BANNER
DECK O BANK
FLUSH LEFT
TAGLINE O
KICKER
DOWNSTYLE

You might also like