Kalayaan Ang kalayaan ay likas sa pagiging tao. Kung saan ang isang tao ay maaaring maging malaya mula sa mga pagbabawal o pamimilit ng iba.
Ang tao ay kumikilos ayon sa kaniyang
pagpapasya at sariling plano sa halip ng pagpapasya ng iba o sa ilalim ng pangongontrol nila. Likas sa Tao Likas sa bawat tao na malayang mag-isip, magpasiya, mangarap, mag-asal, magmahal, magalit, at kumilos.
Ang kalayaan ng loob ay isang kapangyarihan ng
tao upang makapili siya na sumunod o hindi sa mga mabuting gawa. Mapanagutang Kalayaan Ang kalayaan ay dapat na magamit nang may pananagutan.
Kinakailangang isaalang-alang ang pananagutan
mo hindi lamang sa sarili kundi sa lahat na maaaring maapektuhan ng iyong pasiya o aksiyon, mabuti man o masama. Kalayaan at Pananagutan
Sa bawat kalayaan na tinatamasa natin ay may kaakibat itong pananagutan sa ating
kapwa. Kaya’t habang lumalawak ang ating mga kalayaan at kakayahan, ay lumalaki rin ang pananagutan na ating kakaharapin sa bawat kalayaang ating tinatamasa. Pagmamahal at Paglilingkod Ang kalayaan ay nararapat na gabayan ng pagmamahal at pag unawa sa kapwa sapagkat ang kakayahang ito na likas sa tao ay nararapat na gamitin ayon sa kabutihan ng lahat at hindi lamang dahil sa pansariling interes. Efren Penaflorida
Isang pilipino na gumamit ng kaniyang kalayaan
sa paggawa ng kabutihan para sa kapwa. Nagmahal siya sa ng mga mahihirap na bata sa pamamagitan ng pagsisimula ng Pushcart Classroom. Criz “Kesz” Valdez
Isang 13 gulang na batang Pilipino. Pinili ni
Kesz na gamitin ang kanyang kalayaan sa pagtulong sa mga bata sa lansangan. Hindi rin niyang inaasahang gagawaran siya ng “International Children’s Peace Prize “ Noong 2012. "Ang kalayaan ay ang kalooban na maging responsable sa ating sarili." Friedrich Nietzsche (1844 - 1900), Makatang Aleman at Pilosopo