You are on page 1of 14

Mga Pilipinong Nagtanggol

sa Bansa Laban sa mga


Espanyol
Pagpapahalaga sa Pagtatanggol ng mga Pilipino
Laban sa Kolonyalismong Espanyol.
1. Kamalayan sa kasaysayan ng ating bansa.
Mahalaga na malaman natin ang mga
pangyayaring pagtatanggol noon laban sa
pananakop ng mga Espanyol sa ating bansa
dahil malaki ang kaugnayan nito sa
kasalukuyang panahon partikular sa aspeto ng
kultura, paniniwala o relihiyon, ekonomiya at
pulitika.
2. Tingalain bilang huwarang
Pilipino. Ang mga unang Pilipinong
nagtanggol sa bansa ay itinuturing na
bayani ng ating bansa dahil sa
kanilang naiambag sa pagkamit ng
kalayaan ng Pilipinas. Isapuso ang mga
kabayanihan ginawa nila sa ating
bansa.
3. Pagsusulong ng karapatan. Ang bawat Pilipino
ay may kakayahang ipaglaban ang karapatan at
kalayaan sa tamang paraan. Hindi lamang sa dahas
nakukuha ang ating ipinaglalaban. Bukas na ang
puso’t isipan ng mga Pilipino na mas epektibo ang
iba’t ibang paraan sa pagsusulong ng karapatan.
Tandaan lamang na sa pagtatanggol sa bawat
karapatan ay laging may kaakibat na
responsibilidad.
Ilarawan sa iyong sariling salita ang pagtatanggol sa
bansa na ginawa ng sumusunod na Pilipino laban sa
Kolonyalismong Espanyol. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
1. Lakandula

2. Magat Salamat

3. Francisco Dagohoy

4. Diego Silang

5. Apolinario Dela Cruz


Maglagay ng tatlong (3) kahalagahan ng
pagtatanggol ng mga bayaning Pilipino laban sa
kolonyalismong Espanyol? Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.

You might also like