You are on page 1of 13

PRESENTASYO

N AT
PAGLALATHAL
A NG
PANANALIKSIK
MGA
PINAKAMAHAHALAGANG
KASANAYANG
PAMPAGKATUTO (MELCS):
1. Nagagamit ang mga katuwirang lohikal at ugnayan ng mga
idea sa pagsulat ng isang pananaliksik (F11WG-IVgh-92); at
2. Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon
ang paksa. (F11WG-IVgh-92).
MGA TIYAK NA LAYUNIN:

1. Natutukoy ang halaga ng pagsasapubliko ng pananaliksik gaya ng


publikasyon at paglahok sa colloquium;
2. Naisasagawa ang ilang hakbang sa publikasyon ng pananaliksik at
pagpapasa nito sa refereed journal;
3. Nakapagtatalakay ng naging resulta at pagsusuri ng pananaliksik sa
isang lecture-forum;
4. Narerebisa ang pananaliksik batay sa kahingian ng editor ng refereed
journal.
KAHALAGAHAN NG PAGLALATHALA AT PRESENTASYON NG
PANANALIKSIK
Kasing halaga ng pagbuo ng
pananaliksik ang pagbabahagi nito sa
pamamagitan ng paglalathala o
presentasyon. Hindi kompleto ang
proseso ng pananaliksik kung wala ito.
May dakilang layunin ito na pataasin
ang antas ng kaalaman at kamalayan ng
mga taong pinag-uukulan ng
pananaliksik.
AKADEMIKONG
PUBLIKASYON
Hindi kompleto ang anomang pananaliksik na walang publikasyon.
Maaaring ilathala ang pananaliksik, buod, pinaikling bersiyon o isang bahagi nito sa
pahayagan o pamahayagang pangkampus, conference proceedings, monograph,
aklat o sa refereed research journals.
Ang pinakatanggap at balidong paraan sa akademikong publikasyon ay mapasama
sa isang refereed research journal sa anomang larangan ang inyong pananaliksik.
Ito ay dahil sa dumadaan ang refereed journals sa tinatawag na peer review. Ang
peer review ay isang proseso kung saan ang mga manuskrito o artikulo ay dumaraan
sa screening o serye ng ebalwasyon bago mailimbag sa mga journal.
AKADEMIKONG
PUBLIKASYON
Narito ang inisyal na mga hakbang kung paano makapaglalathala sa isang research
journal.
AKADEMIKONG
PUBLIKASYON
Narito ang isang
halimbawa ng
panawagan para sa
kontribusyon ng papel-
pananaliksik. Ito ay mula
sa HASAAN Journal,
Opisyal na Journal ng
Unibersidad ng Santo
Tomas na nakuha mula
sa mga patalastas ng
panitikan.ph
(http://www.panitikan.co
m.ph/content/panawagan
-para-sa-hasaan-
journalng-ust).
MGA HAKBANG SA
PAGLALATHALA SA ISANG
RESEARCH JOURNAL
Pumili ng angkop na journal para sa iyong pananaliksik.

Basahin ang mga pamantayan ng journal at magbasa ng mga back-issue.

Rebisahin ang pananaliksik batay sa pamantayan ng journal.

Ipabasa at iparebyu ang artikulo sa iba at muling rebisahin.

Ipasa sa journal ang pananaliksik at hintayin ang feedback


PRESENTASYON NG
PANANALIKSIK
Ang isa pang pamamaraan ng pagbabahagi ng pananaliksik ay ang presentasyon nito
sa mga lokal, pambansa, at pandaigdigang kumperensiya. Isa sa mga mahalagang
linangin sa loob at labas ng akademya ang maunlad na pagpapalitan ng kaalaman sa
pamamagitan ng mga pampublikong gawain tulad ng simposyum, forum,
kumperensiya, at iba pa.
Sa pamamagitan nito ay nalilinang ang kagustuhan ng mga miyembro ng akademya na
maghanap ng mas mataas na antas ng kaalaman at uri ng pag-iisip.
Sa pamamagitan din nito, nagiging makabuluhan at napapanahon ang kaalaman ng
mga guro at mag-aaral at nadadala ito sa loob ng silid-aralan. Sa kabuuan ay nailulugar
din nito ang silbi ng akademya sa lipunan.
Magdagdag sa kaalaman ng tagapakinig
tungkol sa paksa ng pananaliksik.

Mag-ulat tungkol sa progreso ng


LAYUNIN pananaliksik.

NG Manghikayat na tanggapin ang resulta ng


PRESENT pananaliksik.

ASYON Magmungkahi ng iba pang direksiyon sa


pagsisiyasat tungkol sa paksa.

Mag-udyok ng isang partikular na aksiyon


mula sa tagapakinig.
MGA HAKBANG AT GABAY SA
PAG-ORGANISA NG
ISANG FORUM O COLLOQUIUM
SA PANANALIKSIK Hikayatin ang mga
mag-aaral, guro, at iba
Linawin ang katangian Hikayatin ang buong
pang bahagi ng
ng forum at kung ano klase na magbahagi ng Iplano ang petsa ng
akademikong
ang mga paksang mga pananaliksik na forum.
komunidad na manood
tatalakayin dito. ginawa sa klase.
at aktibong lumahok sa
forum.

Maglaan ng sapat na
Itakda kung sino-sino
oras para sa mga Bumuo ng mga komite
ang magiging moderator
komento, reaksiyon, at para sa mas madulas na
at reaktor sa bawat
tanong na padadaluyin pagdaloy ng aktibidad.
papel na tatalakayin.
ng moderator.
MGA GABAY SA REBISYON
1. Panatilihin lamang ang mahahalagang punto ng pananaliksik. Lahat ba ng ideya
ay may kinalaman sa pangunahing tesis ng papel? May mga ideya bang walang
kinalaman sa paksa o tesis ng pag-aaral? Kung mayroon man, kailangan mo bang
baguhin ang tesis ng pag-aaral o alisin na lamang ang ideya?

2. Pakinisin ang gamit ng wika sa kabuuan ng papel-pananaliksik. May mga


malabong ideya at pangungusap ba dahil sa hindi maayos na gamit ng wika? Basahin
nang malakas ang iyong papel at pakinggan kung may hindi akmang mga salita at
malabong ideya. Alisin ang mga salitang may malabong kahulugan at maling paggamit.
MGA GABAY SA REBISYON
3. Alisin ang mga pagkakamaling gramatikal. May mga pagkakamali ba sa
gramatika, pagbabantas, at pagbaybay? Kung may pagkakamali, tiyakin ang maayos
na pagtatala ng mga ito, at kung hindi tiyak sa tamang gamit, maaaring komunsulta sa
mga dalubhasa sa wika.

4. Baguhin ang punto de bista mula sa pagiging mananaliksik tungong


mambabasa. Magkunwang binabasa mo ang pananaliksik ng ibang tao. Ano sa
tingin mo ang mga punto ng kalakasan at kahinaan ng papel? Bakit? Ano sa tingin mo
ang mga magagawa upang mapabuti pa ang iba’t ibang bahagi ng papel? Madali bang
maunawaan ang kabuuan ng pananaliksik?

You might also like