bawat pangkat o tribu sa bansa sa pagtuturo at pang-araw- araw na pamumuhay. Ayon sa datos ng CPH noong 2000, may humigit kumulang 150 na wika at diyalekto sa bansa. Tagalog ang nangungunang wika na ginagamit ng 5.4 milyong sambayanan; pangalawa ang Cebuano/Bisaya/Boholano sa 3.6 milyong sambahayan; pangatlo ang Ilocano sa 1.4 milyong sambayahan; pang- apat ng Hiligaynon/Ilonggo sa 1.1 milyong sambahayan. Maliban sa mga nabanggit, ang iba pang wika at diyalektong bumubuo sa sampung pinakamagiting wika sa bansa ay ang sumusunod : Bikol, Waray, Kapampangan, Pangasinan o Panggalatok, Maguindanao, at Tausug. Ang pinagbatayan sa estadistikang ito ay ang CPH noong 2000 sapagkat ang datos mula sa CPH ng 2010 kaugnay ng wika at diyalekto ay hindi pa nailalathala. Masasabing hindi perpekto dahil narin sa katagalan ng panahon kung kailan isinasagawa ang census subalit mahalaga pa rin ang datos na ito dahil sa ipinahihiwatig nito ang kalagayan ng mga wika at diyalekto sa ating bansa. Ano nga ba ang Wika? Isa sa napakahalagang instrumento ng komunikasyon ay ang Wika. Mula sa pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo, at tuntunin ay nabubuo ang mga salitang nakapagpapahayag ng kahulugan o kaisipan. Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag usap o pagpaparating ng mensahe sa isat-isa. Nagkakaintindihan tayo, nakapagbibigayan tayo ng ating mga pananaw o ideya, opinyon, kautusan, tuntunin, impormasyon, gayundin ng mga mensaheng tumatagos sa puso at isipan ng ibang tao, pasalita man o pasulat gamit ang Wika. Ang salitang Latin na LINGUA ay nangangahulugang “dila” at “wika” o “lengguwahe”. Ito ang pinagmulan ng salitang Pranses na LANGUE na nangangahulugan ding dila at wika.