You are on page 1of 1

KOMUNIKASYON

Ang wika ay ang isang paraan ng kommunikasyon na kadalasang ginagamit ng tao sa isang lugar. Para sa atin, ang wikang Filipino ay ang
ginagamit natin para makausap ang katulad nating Pilipino.

Bilingguwalismo

Ang bilingguwalismo ay ipinahihiwatig sa pamamagitan ng paggamit ng hindi kukulang sa dalawang wika ng tao. Hindi ito tiyak sa mga bata at
matanda sapagkat ang paggamit at kagalingan ng santao sa bawat wika ay maaaring magbago batay sa pagkakataong maaaring gamitin ang
mga wika at sa pagiging lantad sa ibang mga wika. Batay ito sa mga tagpuan, pangyayari, kagalingan, gawi at panahon.

Multilingguwalismo

Ito ay patakarang pangwika kung saan nakasalig sa paggamit ng pambansang wika at wikang katutubo bilang pangunahing midyum sa
pakikipagkomunikasyon at pagtuturo bagama’t hindi kinalilimutan ang wikang global bilang mahalagang wikang panlahat.

(2009 - MTB) (Filipino) wikang pambansa

Public/international relations

Ito ay tumutukoy sa ugnayang pang labas ng ibang bansa tungo sa ekonomiking pag unlad nito

Wikang pambansa

Tumutukoy sa isang wikang ginagamit ng mga mamayan sa isang bansa

Wikang panturo

Ang wikang panturo ay ang mga wikang ginagamit ng mga paaralan bilang midyum sa pagtuturo. Kadalasan, ito ay itinatalaga ng pamahalaan o
nang mismong paaralan. Sa Pilipinas, ang opisyal na wikang panturo ay Tagalog at Ingles.

Wikang pambansa

Wikang itinadhana ng batas bilang wikang gagamfitin o ginagamit bilang opisyal na komunikasyon sa gobyerno

(De jure - recognized by official laws (De facto) - by fact

Uri ng wika

Balbal

Ito ay ang pinakamababang antas. Binubuo nito ng mga salitang kanto na sumusulpot sa kapaligiran. tibo (tomboy)

Lingua franca | Panlalawigan

Ito naman ay tinutukoy sa salitang katutubo sa lalawigan o panlalawigang salita. (cebu- cebuano)

Pambansa

Ang wikang ginagamit ng buong bansa. Hanggang ngayon, marami pa ring nagdedebate kung ang wika natin ay Filipino o Tagalog. Hanggang
ngayon, ang Filipino ay tinuturing wikang pambansa. (Russia – Russian Vietnam – Vietnamese)

Pampanitikan

Ang pinakamayaman na uri. Sa pangalan pa lang, malalaman natin na ang wikang pampanitikan ay ginagamit sa tayutay, idioma, eskima at ibat
ibang tono, tema at punto.

You might also like