You are on page 1of 1

Bakit mahalaga ang wika??

Alam naman natin na ang wika ay sobrang importante sa ating lipunan, dahil dito
nagkakaroon ng papakaisa ang mga tao. Bawat bansa ay may iba’t ibang wika at sa ating
bansa sa Pilipinas ay may walong wika at ito ay ang Tagalog, Cebuano, Ilokano, Hiligaynon,
Bikolano, Waray, Kapampangan at Pangasinense. Monde, J. (2022). Alam naman natin na
napakalaking tulong ng wika sa ating pang araw araw na buhay dahil dito nagkakaroon tayo ng
impormasyon gamit ang wika na ating ginagamit. Katulad nating mga Pilipino marami sa atin
ang gumagamit ng tagalog at lahat tayo ay naiintindihan natin dahil karamihan satin ay iisa lang
ang wika na ginagamit. Ang ibang wika na aking nabanggit ay nasa lugar kung saan ito
ginagamit katulad na lamang ng Kapampangan, ang kapampangan ay nasa lugar ng
Pampanga at karamihan na nakatira sa Pampanga ay ginagamit ang kanilang sariling wika.

Ano ano ang mga katangian ng wika?

Base sa aming pag-aaral, ang mga katangian ng wika ay ang mga; may sistemang na
balangkas, (1) Binibigkas na tunog, (2) Pinipili at isinasaayos (3) Ang wika ay nakabatay sa
kultura (4) patuloy na ginagamit (5) Ang wika ay dinamiko (6) arbitraryo (7) ginagamit (8)
kagila-gilagis (9) makapangyarihan (10). Ayon sa mga nabanggit ang iba ay ating ginagamit
katulad na lang ng arbitaryo, habang tumatagal ay nagkakaroon ng pagbabago ang wika dahil
sa panahon. Maraming kabataan ngayon ang gumagamit ng ibang wika dahil sa kanilang
napapansin at natutunan. At alam naman natin na bawat wika ay may iba ibang tono o hayon.

You might also like