You are on page 1of 35

3 Quarter AP 7

rd

Reviewer
1. Ayon kay Ayn Rand, ang pagpapahalaga ay ang pinagsusumikapan ng
tao na makamit, samantalang ang birtud naman ay ang mabuting kilos na
ginagawa ng tao. Magkaiba man ito, subalit sa paanong paraan
nagkakaugnay ang halaga at birtud?
• A. Ang pagpapahalaga at birtud ay nagbibigay ng katuturan sa buhay ng
tao.
• B. Kung nakikita ng tao na ang isang bagay ay mahalaga tutukuyin nya
lamang kung ano ang angkop na birtud para dito.
• C. Kung nakikita ng tao na ang isang birtud ay makatutulong sa kanyang
pinahahalagahan, pagyayamanin niya ito.
• D. Nakadepende sa pagpapahalaga mo ang iyong desisyon na magiging
resulta ng pagkakaroon mo ng birtud dahil yun ang nakagawian mo
(habit).
2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng
pagpapahalaga?
• A. Nakagawian mo tuwing hapon bago umuwi ng bahay, ikaw at ang
iyong kaibigan ay dumaraan muna
• sa parke.
• B. Iniiwasan mo ang pumasok ng huli sa klase upang wala kang
malibanan na leksyon ng iyong guro.
• C. Sa halip na ikaw ay makipagtalo sa iyong kapatid ikaw na lang ay
nagpaparaya.
• D. Bilang kabataan ikaw dapat ay sumusunod sa kung ano ang uso.
3.Suriin ang ANALOHIYA.
• Pandamdam: Bahay, Damit at Pera; Pambuhay:
_____________________
A. Gulay, Cellphone at Laptop
B. Kalusugan, Pamilya at Edukasyon
C. Pag-aaral, Pagdarasal at Kaibigan
D. Kapayapaan, Kalayaan at Pagmamahal
4. Isang araw ng Linggo, niyaya ka ng iyong kaibigan na maglaro ng volleyball
ngunit pinili mong magsimba kasama ang iyong pamilya dahil alam mong
mas makakaramdam ka ng saya at kapayapaan sa pagsisimba. Anong
katangian ng may mas mataas na pagpapahalaga ang iyong ipinakita?
• A. Mas mahirap mabawasan ang kalidad ng mas mataas na
pagpapahalaga.
• B. Mas malalim ang kasiyahan na nadama sa pagkamit ng mas mataas na
pagpapahalaga.
• C. Mataas ang antas ng pagpapahalaga kung ito ay lumilikha ng iba pang
mga pagpapahalaga.
• D. Ang isang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung hindi ito
nakabatay sa organismong
• nakararamdam nito.
5. Bilang isang mag-aaral sa Ikapitong Baitang, napapansin mo ang
mahalagang papel ng pag-aaral sa iyong pangarap na maging inhinyero.
Paano mo maipapaliwanag ang kahalagahan ng iyong pangarap sa
pagtahak ng landas patungo sa isang makabuluhang buhay?
• A. Inspirasyon sa pag-unlad
• B. Pangunahing layunin sa buhay
• C. Gabay sa paggawa ng career plan
• D. Manatiling mas nakakaangat sa iba
6. Ngayong ikaw ay nasa Sekundarya na, napagpasyahan mong maging
isang guro sa hinaharap dahil gusto mong magbigay ng inspirasyon sa
mga kabataan. Paano mo maisasagawa ang pagtutugma ng iyong
personal na salik at mga kakailanganin sa pag-aaral upang maging
epektibong guro?
• A. Sa pagtutok sa pag-aaral ng mga tamang pamamaraan sa pagtuturo
• B. Sa pagkakaroon ng makabuluhang negosyo o hanapbuhay bilang
guro
• C. Sa pagpapaunlad ng iyong mga kasanayan sa komunikasyon at
pamumuno
• D. Sa pag-aaral ng mga kahalagahan ng edukasyon sa paghahanda sa
pagnenegosyo
7. Iyong napagdesisyonan na maging isang mang-aawit sa pagtahak mo
sa iyong karera. Paano mo naisasagawa ang paglalapat ng iyong
pansariling plano upang matupad ang iyong minimithing kursong
akademiko sa larangan ng musika?
• A. Sa pagsasanay ng sarili sa lip-syncing
• B. Sa pagtukoy ng iyong layunin na maging isang sikat na mang-aawit
• C. Sa pagbuo ng mga hakbang upang maabot ang iyong pangarap na
maging mang-aawit
• D. Sa pagtatantya ng mga posibleng hamon at paghahanda sa mga ito
sa pamamagitan ng Goal Setting at Action Planning Chart
8. Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA.
• A. Ang lahat ng tao ay nagtatagumpay sa pagtugon sa bawat
pagpapahalaga.
• B. Kapag hindi nagtagumpay ang isang tao sa pagtugon sa isang
halaga, hindi lamang ang halaga ang nasisira kundi pati ang taong
hindi tumugon dito.
• C. Kahit pa napababayaan ang isang tao ang kaniyang katawan at
kalusugan dahil sa pagtulong sa kapwa, nananatili pa ring mabuti ang
kaniyang gawain.
• D. Ang sino man, bata man o matanda, ay may sapat ng kakayahang
bumuo ng kaniyang sariling pagkatao at magkamit ng mataas na antas
ng halaga.
9. Ang laging pangaral sa iyo ng iyong mga magulang ay alamin ang
katotohanan, kung kaya nakagawian mo na hindi basta maniwala sa
iyong mga nakikita at nababasa sa Facebook at ipinapasa sa iba. Anong
birtud ang ipinapakita ng sitwasyong ito?
• A. Katarungan
• B. Katatagan
• C. Pagtitimpi
• D. Maingat na paghuhusga
10. Ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga o Ordo Amoris ayon kay Max
Scheler ay may apat na antas. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod
nito batay sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na antas ng
pagpapahalaga?

• A. Banal, Ispiritwal, Pambuhay, Pandamdam


• B. Pandamdam, Pambuhay, Ispiritwal, Banal
• C. Pambuhay, Pandamdam, Ispiritwal, Banal
• D. Ispiritwal, Pambuhay, Pandamdam, Banal
11."Isang layunin ng bawat indibidwal ang pagkamit ng
pagpapahalaga.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
• A. Ang pagpapahalaga ay nagmumula sa iba't ibang pananaw at
karanasan ng tao.
• B. Mahalaga ang pagpapahalaga sa lahat ng aspeto ng buhay.
• C. Ang pagpapahalaga ay likas na bahagi ng bawat indibidwal.
• D. Walang kahulugan ang pahayag na ito.
12. Alin sa mga sumusunod ang katangiang dapat taglayin ng isang
taong may pangarap?
• A. Hintayin ang tulong ng iba upang makamit ang pangarap sa buhay.
• B. Magsumikap at magtiyaga upang marating ang mga ito.
• C. Panatilihin ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili.
• D. Makuntento kung ano ang mayroon sa buhay.
13. Katatapos pa lamang sa Senior High School ng iyong kapatid. Sa
Maynila niya nais mag-aral ng kolehiyo upang maging doktor. Bata pa
lamang ay ito na ang kaniyang pangarap. Ngunit, nais ng mga magulang
niya na sa probinsiya na lamang siya magpatuloy ng kolehiyo dahil sa
pangamba na ito ay mapabarkada at matutong magbisyo. Sa kanilang
probinsiya ay walang paaralan para sa pagdo-doktor. Alin sa mga
sumusunod na salik sa pagpili ng karera ang mawawaglit kung susundin
ng kapatid mo ang gusto ng inyong mga magulang?
• A. Hilig
• B. Kasanayan
• C. Mithiin
• D. Pagpapahalaga
14. Sa pagtatakda ng malinaw at makatotohanang mga mithiin sa
buhay, aling aspeto ang dapat isaalang-alang ng isang tao upang
makamit ang mga pangarap?
• A. Paghahanap ng ibang tao na gagawa ng mga hakbang para sa kanya
• B. Pagtanggi sa lahat ng hamon at pagtitiwala na ang lahat ay
magiging madali
• C. Pasasalamat sa kapalaran at pag-asa na magpapatibay sa pagtupad
ng mga pangarap sa buhay
• D. Pagtanggap sa sariling kahinaan at pagpaplano ng mga hakbang
upang mapagtagumpayan ito
15. Sa mga sumusunod, sino sa iyong palagay ang magtatagumpay sa
pagnenegosyo?
• A. Ang iyong dating kamag-aral na nakapagtapos ng kursong Business
Management at kasalukuyang nagmamay-ari ng isang restawran.
• B. Ang iyong matalik na kaibigan na kasosyo ng isang bagong bukas na
hardware store subalit walang sapat na kaalaman dito.
• C. Ang iyong kamag-anak na nakapagtapos ng kolehiyo ngunit hindi
ginamit ang kanyang kursong natapos.
• D. Ang iyong nakababatang kapatid na matalino ngunit may
katamaran sa mga gawain
16. Sa inyong silid-aralan, napansin mong nahihirapan ang iyong
kagrupo na maipasa ang kanyang mga asignatura. Ano ang
pinakamainam na hakbang na maaari mong gawin?
• A. Tulungan ang iyong kamag-aral sa pagsasagawa ng kanyang mga
takdang-aralin at paghahanda para sa pagsusulit.
• B. Pabayaan mo na lamang siyang mag-isa at asahan na gagaling siya
sa kanyang sariling paraan.
• C. Payuhan mo siyang tumigil na sa pag-aaral upang hindi na
mahirapan.
• D. Iwasan mo siyang kausapin at maghanap ng ibang kasama.
17. Sa isang online discussion, may kamag-aral kang tila naglalahad ng
opinyon na maaaring makaapekto sa samahan ng iyong pangkat. Ano
ang birtud na maaaring mapanagot sa ganitong sitwasyon?
• A. Maingat na Paghuhusga
• B. Karunungan
• C. Katatagan
• D. Pagtitimpi
• . Nabalitaan mo na ang iyong matalik na kaibigan ay inanyayahan sa
kaarawan ng dati ninyong kamag-aral subalit ito ay iyong nalaman
matapos ang ilang araw. Hindi ka sanay na sya ay naglilihim sa iyo.
Ano ang kailangan mong birtud upang maiwasang magkaroon kayo ng
alitan?
• A. Karunungan
• B. Katatagan
• C. Pag-unawa
• D. Pagtitimpi
19. Naatasan ang inyong pangkat na gumawa ng sariling Hagdan ng
Pagpapahalaga batay sa Hirarkiya ng Pagpapahalaga ni Max Scheler. Sa
paggawa nito, ano ang pangunahing batayan ang dapat bigyang halaga?
• A. Kalinisan at disenyo ng gawain
• B. Tamang pagkakasunod-sunod ng mga antas ng pagpapahalaga
• C. Mga halimbawa ng gagamitin sa bawat antas ng pagpapahalaga
• D. Pag-unawa sa kahulugan ng mga pagpapahalaga at ang tamang
pagkakasunod-sunod

20. Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ng iyong kaibigan ay pinili
niyang ilaan ang kaniyang negosyo sa pagtulong sa mga batang
lansangan. Ibinabahagi niya ang kaniyang yaman sa mga batang
kaniyang tinutulungan. Nakahanda siyang laging tumugon sa
kagustuhan ng Diyos na maglingkod sa kapwa na walang hinihintay na
kapalit. Nararapat ba na nasa mataas na antas ng pagpapahalaga ang
kilos o ginagawa ng iyong kaibigan para sa iba?
• A. Oo, dahil kailangan siya ng kanyang kapwa.
• B. Oo, dahil ang pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maglingkod sa
kapwa ay ang siyang pinakamataas sa lahat ng antas.
• C. Oo, dahil ang mga bagay na ibinabahagi niya ay tutugon sa pang-
araw-araw na pangangailangan ng mga taong tinutulungan nya.
• D. Oo, dahil ang kagustuhan ng Diyos na maglingkod sa kapwa ng
walang hinihintay na kapalit ay pagpapakita ng pagmamalasakit
21. Pagiging nurse ang iyong pangarap simula sa pagkabata dahil
naniniwala ka na ito ang magiging daan upang makapagtrabaho sa
ibang bansa. Subalit hindi mo kayang tagalan na makita ang sugat lalo
na kung may dugo. Ano ang nararapat mong gawin?
• A. Suriin muli ang sariling kakayahan.
• B. Gawing batayan ang mithiin ng mga magulang para sa iyo.
• C. Alamin ang hilig upang mas mapaunlad ang mga ito at iugnay sa
iyong mga pagpapahalaga.
• D. Kilalanin ang iyong kalakasan at kahinahaan upang makagawa ng
mga hakbang upang mapalakas ito.
22. Nangarap kang maging isang sikat na pintor katulad ng iyong
angkan. Paano mo maisasagawa ang pagtatakda ng malinaw at
makatotohanang mithiin upang matupad ang iyong pangarap?
• A. Sa pag-aaral ng mga kahalagahan ng sining sa ekonomiya ng bansa
• B. Sa pagbuo ng mga hakbang upang mapabuti ang iyong sining at
talento
• C. Sa pagtutok sa pag-aaral ng kursong may kinalaman sa kinesthetic
intelligence
• D. Sa pagsusuri ng iyong mga kakayahan at pagtutok sa mga
kakailanganin sa sining
23. Nais mong maging environmental scientist sa hinaharap dahil sa
iyong interes sa mga usaping pangkalikasan. Ano ang iyong gagawin
upang makagawa ng pansariling plano gamit ang Goal Setting at Action
Planning Chart upang matupad ang iyong mithiin?
• A. Tutukuyin ko ang aking mga layunin na makatutulong sa
pangangalaga sa kalikasan.
• B. Susuriin at isasaalang-alang ko ang sariling kakayahan at limitasyon
bago magtakda ng mga layunin.
• C. Susuriin ko ang mga oportunidad sa industriya ng agham
pangkalikasan para sa pansariling interes lamang.
• D. Bubuo ako ng mga hakbang upang mapabuti ang aking mga
kasanayan sa eksperimento at pagsusuri ng kalikasan.
24. Ano ang katangian ng pagpapahalaga na inilalarawan sa pahayag:
“Hindi nagbabago ang mga pagpapahalaga dahil ang mga ito, lalo na
ang nasa higit na mataas na antas, ay mga kalidad kung saan
nakasalalay ang pagkatao.”
• A. Immutable at Objective
• B. Nagbibigay ng direksyon sa buhay ng tao
• C. Sumasaibayo sa isa o maraming indibidwal
• D. Lumilikha ng kung anong nararapat at kung ano ang dapat gawin.

25. Bilang nagdadalaga/nagbibinata, kailangan mong makamit ang
dalawang mahahalagang kasanayan upang taglayin mo ang dalawang
uri ng birtud. Anong birtud ang itinuturing na “gawi ng isip” na
nakapagpapaunlad ng iyong kaalaman/karunungan na makahuhubog
ng iyong pagkatao?
• A. Ispiritwal na birtud
• B. Intelektwal na birtud
• C. Moral na birtud
• D. Ganap na pagpapahalagang moral
26. Sa paggawa ng sariling Hagdan ng Pagpapahalaga gamit ang mga
sumusunod na halimbawa, ano ang wastong pagkakaayos nito batay sa
Hirarkiya ng Pagpapahalaga ni Max Scheler?
Pera, Kapayapaan, Pagsisimba, Pag-eehersisyo
• A. Pera, Pag-eehersisyo, Kapayapaan, Pagsisimba
• B. Kapayapaan, Pag-eehersisyo, Pagsisimba, Pera
• C. Pera, Kapayapaan, Pagsisimba, Pag-eehersisyo
• D. Pagsisimba, Kapayapaan, Pag-eehersisyo, Pera
27. Ang iyong nakababatang kapatid ay madalas makalimot sa kanyang
mga gawain sa tahanan na nagdudulot ng hindi pagkakaunawaan sa
inyong pamilya. Bilang panganay, paano mo tutulungan ang iyong kapatid
upang magampanan ang kaniyang mga tungkulin at mapataas ang antas
ng kaniyang pagpapahalaga sa pagtulong sa bawat miyembro ng pamilya?
• A. Paalalahanan ang kapatid at mag-alok ng tulong sa paggawa ng
checklist o iskedyul upang masubaybayan ang kaniyang mga gawain sa
tahanan.
• B. Ikaw na ang magkukusang gumawa ng mga tungkulin ng iyong
kapatid upang mapanatili ang kapayapaan sa inyong tahanan.
• C. Kausapin ang mga magulang at hilinging parusahan ang kapatid
upang hindi na maulit ang kaniyang kapabayaan.
• D. Kagalitan ang iyong kapatid dahil sa kaniyang kapabayaan.
28. Pangarap ng iyong matalik na kaibigan na maging isang doktor
upang makatulong sa kanyang komunidad. Anong hakbang ang dapat
niyang gawin upang matupad ang kanyang pangarap?
• A. Mag-aral nang mabuti at kumuha ng mga kurso na may kaugnayan
sa medisina.
• B. Maghintay na lamang ng pagkakataon at baka sakaling mangyari ito
sa kanya.
• C. Ipagpaliban muna ang pag-aaral dahil sa kakulangan ng suportang
pinansyal.
• D. Tumanggap ng anumang trabaho at itigil ang pangarap na maging
doktor.
29.. Sa pagtatakda ng mithiin, alin sa mga sumusunod ang maaaring
maging iyong batayan?
• A. S – Specific, M – Measurable, A – Attainable, R – Relevant, T - Time-
bound, A – Action-Oriented
• B. S – Significance, M – Manageability, A – Appropriateness, R –
Realistic, T - Time- sensitive, A-Attainable
• C. S – Clarity, M – Monitorable, A – Attainable, R – Reasonable, T -
Time-conscious, Accountable
• D. S – Strategic, M – Meaningful, A – Actionable, R – Realistic, T –
Timely, A – Accountable

30. Bata ka pa lamang ay pangarap mo nang maging mahusay na guro.
Tuwing naglalaro kayo kasama ang iyong mga kaibigan ay ikaw ang
kunwaring guro. Masayang-masaya ka kapag natuturuan mo sila na
magbasa at magsulat. Sa pagtuntong mo sa kolehiyo kumuha ka ng
kursong Education. Alin sa mga sumusunod na personal na salik ang
tumutugon sa iyong kagustuhan na maging isang guro?
• A. Hilig
• B. Kasanayan
• C. Mithiin
• D. Pagpapahalaga
31. Alin sa mga sumusunod na aspeto ang pinakamahalaga sa pagtupad
ng mga pangarap ng isang tao?
• A. Pagsunod sa utos ng mga magulang at guro
• B. Pagpapahalaga sa sariling kalusugan at kapakanan
• C. Pagpapasya batay sa impluwensya ng mga kaibigan
• D. Pagtugma ng mga personal na kasanayan at interes sa pinaplanong
kurso o trabaho
32. Sa pagtatakda mo ng iyong mithiin, lahat ng aspeto ng iyong buhay
ay dapat mabigyan ng tuon. Upang ito ay iyong matupad, anong plano
ang nararapat mong maisagawa?
• A. Counseling
• B. Career orientation
• C. Force Field Analysis
• D. Goal Setting at Action Planning Chart

You might also like