You are on page 1of 17

ANTAS NG LIPUNAN NG

MGA SINAUNANG
PILIPINO
MGA LAYUNIN:

1.Natatalakay ang antas ng lipunan ng mga sinaunang Pilipino.

2.Nasusuri ang pamumuhay ng mga tao sa lipunan base sa kanilang


katayuan.
3.Nakapagsasagawa ng maikling dula-dulaan na nagpapakita ng
mga katangian ng mga taong napapabilang sa tatlong antas ng
katayuan sa Lipunan noong sinaunang panahon.
MAYAMAN KATAMTAMAN MAHIRAP
Paano ninyo nasabi na ang nasa larawan ay
kabilang sa mayaman, katamtaman ang buhay
at mahirap na mamamayan sila ng ating
lipunan?
Kasabay ng pag-unlad ng telnolohiya ng ating ninuno ay ang pagyabong
ng kanilang kaalaman sa ibat ibang bagay. Dahil dito ay nagkaroon na rin
ng pagkakaiba sa kanilang antas ng pamumuhay. Nabuo sa sinaunang
lipunang Pilipino ang ibat ibang antas at nahati ang mga mayayaman sa
mga pangkat na may ibat ibang katangian,tungkuling ginagampanan at
mga pribilehiyong tinatamasa sa pamayanan.
May tatlong antas ang mga sinaunang
tao sa Lipunan.
 Maginoo sa mga Tagalog o Datu sa mga Bisaya ang pinakamataas na
uri ng pangkat. Maaaring maging datu ang kasapi ng barangay kung
siya ay matalino, matapang at nakapagmana ng kayamanan.

 Maharlika at Timawa. Ang mga Maharlika ay tumutulong sa datu sa


pagtatanggol at pagpapanatili ng kapayapaan sa barangay. Ilan sa
kanila ay mga mahuhusay na mandirigma na tinatawag na Bagani. Ang
mga Timawa naman ay mga malalayang at mga lumayang tao mula sa
pagkakaalipin. Sila ay may karapatan sa kanilang ani nang hindi
nagbabayad ng tributo sa datu.
 Alipin sa Tagalog o Oripun sa Bisaya. Sila ang karaniwang pambayad
sa mga nagawang krimen. Naninilbihan sila sa datu at nagbibigay ng
taunang tributo o buwis.

Dalawang Uri ng Alipin:

• Aliping Namamahay - mas mataas na uri kaysa sa aliping saguiguilid


sapagkat siya ay may sariling pamamahay at ari-arian. Nagsisilbi lamang
siya sa datu kung panahon ng anihan, kapag may ipinapatayong mga
tahanan o tuwing kailangan lamang.
• Aliping Saguiguilid - walang anumang ari-arian at nakatira sa tahanan
ng mismong maharlika o timawang kanyang pinaglilingkuran .
Paano ninyo maiuuri ang katayuan sa lipunan
ng mga Sinaunang Pilipino? Ipaliwanag ang
inyong sagot.

Paano namumuhay ang mga tao sa lipunan base


sa kanilang katayuan?
Unang Pangkat
Panuto: Ibigay ang 3 antas o pagpapangkat ng sinaunang
Lipunang Tagalog at Bisaya. Pagtugmain ang mga larawan sa
mga salita.
Ikalawang Pangkat
Panuto : Hanapin sa mga salita ang 3 antas o pagpapangkat ng
sinaunang Lipunang Tagalog at Bisaya.
Ikatlong Pangkat
Panuto : Ibigay ang mga katangian ng isang Datu. Piliin ang mga
sagot mula sa mga salitaat kulayan ito.
Rubrics para sa Pangkatang Gawain

Pamantayan Puntos Natamong Puntos

Lahat ng kaanib ay nakikilahok sa gawain 3

Nakakagawa ng maayos na gawin 3

Nakatapos sa takdang oras 3

KABUUANG PUNTOS 9
Masasabi mo bang buhay pa sa ating kultura sa kasalukuyan ang
pagkakaroon ng pag-aantas sa ating lipunan? Bakit?
Ang bawat grupo ay magsasagawa ng isang
maikling dula-dulaan kung saan ipakikita ang
katangian ng bawat taong napapabilang sa tatlong
antas ng katayuan sa lipunan na ating tinalakay.
Pamantayan sa Pagtatala ng Performance

CRITERIA 5 PUNTOS 3 PUNTOS

Impormatibo Naipapakita sa duladulaan Hindi naipakita sa


ang mga katangian ng mga duladulaan ang mga
taong napapabilang sa tatlongkatangian ng mga taong
antas ng katayuan sa Lipunan napapabilang sa tatlong
ng sinaunang panahon antas ng katayuan sa
Lipunan ng sinaunang
panahon
Organisado Maayos at organisadong Magulo ang dula-dulaan na
naipakita sa klase ang dula- naipakita sa klase.
dulaan
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang kaisipaang ipinahahayag. Kung
hindi, isulat ang salitang MALI.

_______1.Ang Datu o Maginoo ang pinakamababang antas sa Lipunan ng


mga Sinaunang Pilipino
_______2.Bagani ang tawa sa magiting na mandirigmang Tagalog
_______3.Tinatawag ding Malaya ang mga timawa.
_______4.Tatlo ang uri ng alipin ng mga Bisaya
_______5.Maaring maging datu ang kasapi ng barangay kung siya ay matalino,
matapang at nakapagmana ng kayamanan.
Ang labis na pagkakroon ng
kapangyarihan ay maaaring
makasira lalo na kung hindi ito
gagamitin sa tama.!

You might also like