Mga Nilalaman Buod ng Kabanata Aral ng Kabanata Talasalitaan Mga Tanong Kabanata 17: Ang Perya sa Quiapo Buod ng Kabanata Kabanata 17 :Ang Perya sa Quiapo Nagpunta ang labindalawang tao mula sa bahay ni Quiroga sa peryahan sa Quiapo. Layunin nilang puntahan ang kubol ni Mr. Leeds. Aliw na aliw si Padre Camorra sa mga magagandang babaeng nakasalubong nila, lalo na nang makita niya si Paulita Gomez kasama ang kanyang tiya na si Donya Victorina at ang nobyo niyang si Isagani. Nainis naman si Isagani sa mga titig na ibinabato sa kanyang kasintahan.
Pagdating nila sa isang tindahan na nagbebenta
ng mga estatuwang kahoy. Ang isang eskulturang mukhang mulato ay kinilala nilang si Simoun dahil sa parang pinaghalong puti at itim ito . Napag-usapan din nila ang kawalan ng mag-aalahas sa lugar. Ayon kay Padre Camorra, baka natatakot si Simoun na singilin sila sa pagpasok sa peryahan.
Samantala, sabi naman ni Ben Zayb, baka natatakot
si Simoun na malaman nila ang lihim ni Mr. Leeds. Aral ng Kabanata Aral ng Kabanata Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng paghahangad sa pansin at pagpapahalaga sa pisikal na anyo. Ginagamit ni Padre Camorra ang kanyang posisyon upang makuha ang kanyang nais at maging mapang-abuso sa kanyang kapangyarihan. Sa kabilang banda, ipinapakita rin dito ang pagmamahal at proteksyon ni Isagani sa kanyang kasintahan. Higit sa lahat, ang kabanata ay nagpapakita ng mga mukha ng lipunan na may iba’t ibang intensyon at pagtatago ng mga lihim. Aral ng Kabanata Ang aral na maaring nating makuha mula sa kabanatang ito ay ang kahalagahan ng paggalang sa kapwa at sa sarili, at ang pag-iingat sa paggamit ng kapangyarihan. Dapat tayong maging mapanuri sa ating lipunan at maging mulat sa mga nagaganap sa paligid. Talasalitaan 1. Magkamayaw Pagkakasundo o Kaayusan 2. Kalantog Malakas na tunog 3. Napatungayaw Masasakit na salita, panlalait , Pagmumura 4. Lilok Pag-uukit, O Eskultura 5. Kawangis Kapareho o Kamukha 6. Panlilinlang Panloloko o Pandaraya Mga Tanong 1 Ano ang labis na ikinagalak ni Padre Camorra ng magpunta sa perya ng Quiapo? Natutuwa si Padre Camorra sa perya dahil sa mga babaeng kaniyang nakikita 2 Bakit naiinis si Isagani sa perya sa Quiapo? Naiinis si Isagani dahil napakaraming lalaking nagbibigay ng atensyon at kay Paulita, lalo na si Padre Camorra 3 Bakit inihalintulad ng mga prayle ang Eskulturang kanilang nakita kay Simoun? Ikinumpara ng mga prayle si Simoun sa Eskultura, sapagkat, ang mga mata nito'y matatalim, matangos ang ilong at mestisong naka Amerikano Maraming Salamat sa Pakikinig!