You are on page 1of 4

Isulat ang Tama sa patlang kung ang pangungusap ay wasto

at Mali naman kung hindi.

1. Ang pamilyang walang problema ay itinuturing na biyaya


ng Diyos.
2. Ang paggalang sa ideya o opinyon ng bawat miyembro
ng pamilya ay tanda ng pasasalamat sa Diyos.
3. Ang pangangalaga sa anumang may buhay ay
pagpapakita ng pagpapahalaga sa Poong Lumikha.
4. Ang pananalangin o pakikipag-usap sa Diyos ay basehan
ng isang taong madasalin.
5. Higit sa lahat, ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay
dapat ugaliin.
6. Ang pagpapakita ng pasasalamat ay hindi lamang sa
taong pinagkakautangan ng loob.
7. Ang pagtanaw ng utang na loob ay lubhang kasiya-siya sa
Diyos, at kasama ang tunay na pagsamba ang pasasalamat
sa kanya.
8. Maganda ang pagtulong sa kapwa lalo na kung may
kapalit
9. Pananalangin lamang ang paraan ng pagpapasalamat sa
Diyos.
10. Gumawa ng mabuti upang kalugdan ng Diyos.
Gumuhit ng kung ang pahayag ay nagpapakita ng
pagmamahal sa kapwa at kung hindi.

_______1. Dapat tulungan ang mga taong dumaranas ng


kahirapan kahit sa maliit na paraan.
_______2. Ang pagtulong ay para sa lahat ng tao, kilala mo
man o hindi.
_______3. Sa bawat pagtulong ay may katumbas na kapalit.
_______4. Pagpapalain ng Diyos ang mga taong
mapagbigay sa kapwa.
_______5. Ang Diyos ay magagalak kung tayong mga tao ay
hindi magmamalasakit sa isa’t isa .
_______6. Ibinabahagi sa kapwa bata ang mga laruan na
hindi na ginagamit.
_______7. Ipagsawalang-bahala ang matandang
nahihirapan sa pagtawid sa daan.
_______8. Pabayaang magwalis ang lola kahit na ito ay
hirap na hirap na.
_______9. Marami ang mga taong nagmamahal sa iyo kung
palagi kang nagbibigay ng tulong.
_______10. Ang pagtulong sa kapwa ay masamang gawain.

You might also like