You are on page 1of 23

MAGANDANG

BUHAY!
1. Ano ang tawag sa pagmamahal bilang magkapatid, lalo na sa mga
magkakapamilya?

2. Ito ang pinakamataas na uri ng pagmamahal?

3. Ito ay pagmamahal ng magkaibigan?

4. ano ang tawag sa pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng isang tao?

5. Ang apat na uri ng pagmamahal ay ayon kay?


MODULE 4:
ANGKOP MA
KILOS NA
MAGPAPAUNLAD
SA PAGMAMAHAL
Ang pagmamahal sa
Diyos ay naipapakita sa
pamamagitan ng
pagmamahal sa kapuwa
at sa ating bayan.
Kahalagahan ng
Pagmamahal sa Diyos
- Nababago nito ang kamalayan ng Diyos

- Pinadadalisay ang puso ng tao upang magmahal ng tunay


sa kapuwa at sa lahat ng nilikha.

- Nagagabayang magpasya at kumilos ang tao batay sa


pagpapahalagang moral at pagsasabuhay.
Tungkulin ng Tao
sa Diyos
Tungkuling Pagsasamba
- Nagpapahayag ng matibay na pananampalataya at
pagtanggap at pagkakilala sa Diyos bilang Panginoon. Ang
tungkuling pagsasamba ay iniuutos sa atin ng Diyos. (Exodo
20:8)

Ang pagsunod sa utos ng Diyos ay pagmamahal sa Diyos.


Tungkuling mahalin at
paglingkuran ang Diyos
-Nararapat lamang na ibalik din natin ang
pagmamahal na ibinigay ng Diyos sa atin sa mga
iba’t ibang kaparaanan. Maipakikita ang mga ito sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng mga angkop na
kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos.
Mga Angkop na Kilos na
Nagpapakita ng Pagmamahal sa
Diyos
1. Pagmamahal sa
- Paggalang Kapuwa
sa mga karapatang pantao
- Pagpapatawad sa mga nakasakit o nagkasala sa iyo
-Pagmamalasakit sa kabutihan ng nakararami
-Pagbabahagi ng karunungan sa mga taong hindi
nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral lalo na sa
mga kabataan
- Pakikiramay sa mga taong namatayan o nging biktima ng
kalamidad o pang aabuso ng kapuwa.
-Pagtulong sa mga taong nangangailangan: walang pamilya,
nagugutom, walang tirahan, may sakit at iba pa.
-Pagkakaroon ng panahon sa pamilya
-Pagiging maunawain sa kakulangan ng kapuwa
-Paglilingkod sa magulang at kapatid
-Paglalaan ng oras sa mga taong nangangailangan ng
pagsasabihan ng mga problema o hinagpis sa buhay
2. Pagmamahal sa Bayan
- Pagiging isang mabuting mamamayan ng bansa

-Pakikilahok sa mga proyekto at programa ng


lipunan/barangay para sa kaunlaran ng bayan.

.
- Tapat na pagpapatupad sa tungkulin bilang
mamamayan, tulad ng pagsunod sa mga alituntunin o
mga batas na ipinatutupad ng pamahalaan. Halimbawa,
tamang pagababayad ng buwis, social distancing,
pagsusuot ng face shield at facemask at iba pa.

-Tapat na pagtupad sa tungkulin bilang isang mag-aaral.


Mahalaga ang edukasyon sa pagpapanatili ng kaayusan at
kapayapaan ng bayan.
3. Pagpapahalaga sa Kalikasan
- Pagpapanatili ng kalinisan sa ating kapaligiran
-Pagtapon ng mga basura sa tamang tapunan.
-Ugaliing paghiwa-hiwalayin ang mga basura sa mga
nabubulok at di-nabubulok.
-Pakikiisa sa mga proyektong pangkapaligiran.
-Pakikiisa sa mga pagpapaunlad ng katarungan, kaayusan
at kapayapaan ng ating lipunan.
Panuto: Paano mo maipapakita ang pagmamahal mo sa Diyos sa
pamamagitan ng pakikipagkapuwa? Magtala ng limang (5) angkop
na kilos na nagpapaunlad ng pagmamahal mo sa Diyos sa
kasalukuyang panahon ng pandemya. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1.______________________________
___________
2.______________________________
_____________
3.
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon at
ibigay ang nararapat na kilos ng pagmamahal sa Diyos at
Kapuwa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. paano mo maipapaliwanag sa Diyos ang kapuwa kung siya ay


nahaharap sa sumusunod na sitwasyon:

Isang bata ang nagtanong sa iyo kung mahal siya ng Diyos


sapagkat siya ay isinilang na walang mga kamay at paa.
Sagot:_____________________________________
2. Paano mo maipapakita na mahal mo ang iyong
kapuwa kung siya ay:

Kapatid na may kakulangan sa pag-iisip

Sagot:
____________________________________________
____________________________________________
_________
* Ano ang mga angkop na kilos na nagpapakita
ng pagmamahal sa Diyos?

*Bakit kailangan pahalagahan ang pagmamahal


sa Diyos?
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang
PT kung ito ay paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa kapuwa, PB
kung ito ay nagpapakita ng pagmamahal sa Bayan at PK kung ito ay
naglalarawan ng pagmamahal sa Kalikasan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

_____1. Pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng kalamidad.


_____2. Paglalaanan ng oras para sa mga gawaiing bahay kasama ang
pamilya
_____3. Pagpapahayag ng hindi pagsang-ayon sa pagtatapon ng basura sa
mga ilog.
_____4. Pamumuno sa pagbuo ng mga proyekto sa kaayusan ng barangay.
_____5. Pagpapalaganap ng kaalaman sa mga dapat isaalang-alang sa
pagsugpo sa pagpapalaganap ng covid 19
_____6. Pagsunod sa mga ordinansa na ipinapatupad
ng barangay ukol sa pagsugpo sa paglilinis ng
kapaligiran.
_____7. Pagbibigay ng malawak na pang-unawa sa
kapatid na may kapansanan.
_____8. Pagsunod sa mga patakarang pinapatupad
tungkol sa COVID 19
_____9. Pagsakripisyo ng sariling kagustuhan para sa
kabutihan ng nakakarami.
____10. Handang magpabakuna upang labanan ang
sakit na COVID 19.
May kakilala ka ba na may sakit, mga kapuspalad, mga nalulungkot o mga nahihirapan sa
buhay? Ano ang nararamdaman mo? Nararamdaman mo rin ba ang kanilang kalagayan? Nais
mo ba silang tulungan? Ipagdarasal mo ba sila? Pumili ng isa sa mga sumusunod at gawan ng
panalangin sa sagutang papel. (25 puntos)

1. Matalik na kaibigan na may taningg na ang buhay


2. Kamag-aral na nawawalan na ng pag-asa sa buhay dahil sila ay nasunugan
3. kapatid na nakararanas ng sobrang lungkot o depresyon sa pandemya

Pamantayan sa Paggawa

Nilalaman 10
Kaangkupan ng paggawa 10
Kalinisan ng paggawa 5
Kabuuan 25 puntos
THANK YOU !

You might also like