You are on page 1of 18

MAGANDANG

HAPON SA
LAHAT..
MGA SUMUSUNOD NA PAMANTAYAN:

1. Makinig sa guro
2. Itaas ang kamay kung nais
sumagot.
3. Magsabi sa guro kung may
nais ipahiwatig
Ang Talambuhay
ni Francisco
Baltazar
Ang Talambuhay ni Francisco Baltazar

I. Naging kakaiba ang kabataan ni Francisco Balagtas.

A. Ipinanganak siya sa Bigaa, Panginay, Bulacan noong Abril 2,


1788.
B. Ang kanyang mga magulang ay sina Juan Balagtas ay isang
panday at Juana dela Cruz ay isang maybahay.
C. Sina Felipe, Concha at Nicolasa ang kanyang mga kapatid at
siya ang bunso.
D. Ang nakahiligan niya ay ang pakikinig sa balitaan at palitang-
kuro ng mga matatanda.
E. Si Kiko ay naging utusan sa edad na labing-isa kina Dona
Trinidad na isang mayaman at malayong kamag-anak.
F.Ang kanyang pangarap ay makapag-
aral sa kabila ng kahirapan.

G. Siya ay may tanyag na


kasipagan ,hangaring makapag-aral at
katapatan kaya binigyang katuparan
ang kanyang mga pangarap.
II. Naging masipag at masikap na mag-aaral

si Francisco Balagtas.

A. Pinag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran at


Colegio de San Jose ni Dona Trinidad.
B. Naging guro niya si Padre Mariano Pilapil sa
Pilosopiya sa nasabing kolehiyo.
C. Taong 1812 nang matapos siya sa pag-aaral ng
Batas sa Corones, Kastila, Latin, Pisika, Doctrina
Christiana,Humanidades, Teolohiya at Pilosopiya.
D. Estudyante pa lang si Francisco
Baltazar ay kinikitaan na siya ng galing
sa pag sulat.
E. Marami nang nagpagawa sa kanya ng
mga sulat at berso sa iba’t-ibang
okasyon at pagkakataon.
F. Nakasalamuha niya ang iba’t ibang
mahuhusay na manunulat.
III – Ang kanyang Buhay Pag-ibig

 A. Taong 1835 sa gulang na 47 nang manirahan si


Kiko sa Pandakan, Maynila at mabighani sa
kagandahan ng isang nagngangalang Maria Asuncion
Rivera na nagbigay sa kanya ng inspirasyon.
 B. Inakala ni Kiko sa simula na makakatuluyan ang
dalaga. Sa kasamaang palad, isang karibal sa
pangingibig na si Nanong Kapule, ang gumamit ng
salapi at kapangyarihan upang siya ay
maipabilanggo batay sa isang maling paratang.
C. Taong 1840 namasukan siya
bilang kawani ng Juez de
Residencia.Dito nakilala niya ang
maganda at mayamang si Juana
Tiambeng at kanyang pinaksalan
noong 1842.
D. Biniyayaan sila ng labing-isang
supling subalit apat lang ang pinalad
IV. Nakilalang isang bantog na manunulat at mambibigkas ng
tula si Francisco Baltazar.

A. Humingi siya ng tulong sa pagsulat at pagbigkas ng


tula kay Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) na
pinakabantog na makata sa Tondo.
B. Nagsilbing hamon kay Kiko upang pagbutihin ang
pagsusulat ng tula.
C. Di kalaunan, nahigitan niya si Jose dela Cruz at
higit na dinakila sa larangan ng panulaan.
D. Estudyante pa lang si Francisco Balagtas ay
kinikitaan na siya ng galing sa pagsulat.
E. Nakasalamuha niya ang iba’t- ibang mahuhusay
na manunulat.
F. Pinag-aralan din niya ang Heograpiya at
Mitolohiya at nagamit niya ang mga ito sa lawak
at kaningningan ng Florante at Laura at iba pang
akda.
G. Isinulat niya sa loob ng bilangguan ang Florante
at Laura.
H. Taong 1860 nang siya’y palayain sa gulang na
72.
I. Dinatnan niyang naghihirap ang kanyang
pamilya.
J. Ipinantawid gutom niya ang dunong na
nananalaytay sa kanya bilang alagad ng sining sa
panulaang Pilipino.
K. Namatay siya sa edad 74 noong Pebrero 20,
1862.
1. Paano nakilala si Francisco
Balagtas bilang bantog na
manunulat at mambibigkas?

2. Anu-anong mga dinanas niya


sa buhay?

3. Naging makabuluhan ba ang


kanyang buhay? Ipaliwanag
Pangkatang Gawain:

Tuntunin ang talambuhay ni Francisco Balagtas sa


pamamagitan ng isang lifeline.

Pangkat 1 - Naging kabataan niya


Pangkat 2 - Ang kanyang pag-aaral
Pangkat 3 - Ang kanyang pag-ibig
Pangkat 4 - Mga nakamit/nagampanan sa
buhay
PAGTATAYA:
Tukuyin kung TAMA o MALI ang bawat pahayag batay sa nabasang talambuhay ni
Francisco Baltazar.

__________1. Si Francisco ang panganay na anak nina Juan Baltazar at Juana dela
Cruz.
__________2. Isang magsasaka ang ama ni Kiko.
__________3. Naging utusan siya sa edad na labing isa kina Doňa Trinidad.
__________4. Kapalit ng pamamasukan ni Kiko ang pagpapaaral sa kanya sa ilang
kilalang kolehiyo sa Manila.
__________5. Natutong bumigkas at sumulat ng tula si Kiko sa tulong ni Padre
Mariano Pilapil.
__________6. Si Jose Corazon de Jesus ang tinaguriang Huseng Sisiw at
kinikilalang pinakasikat na makata ng Tondo.
__________7. Nakilala ni Kiko si Maria Asuncion
Rivera sa Udyong, Bataan.
__________8. Naging mahigpit na karibal ni Kiko si
Mariano Kapule sa puso ni Maria Asuncion Rivera.
__________9. Naisulat ni Kiko ang tulang Florante
at Laura sa loob ng bilangguan.
_________10. Tanging ang awit na Florante at
Laura ang naisulat ni Kiko bago siya sumakabilang
buhay sa edad na 74.
TAKDANG-ARALIN
Para sa inyong takdang-aralin. Kumuha ng isang kopya ng
tabloid. Ilista, ilarawan, at suriin ang mga bahagi o
pahina nito. Sa pagsusuri, magiging pangunahing bagay
kung bakit inilagay ang bahaging iyon at kung ano ang
inaasahan nitong mambabasa.
Bahagi Deskripsiyon Pagsusuri
MARAMING
SALAMAT
SA LAHAT..

You might also like