You are on page 1of 28

Aralin #3

Puting Kalapati
Libutin Itong
Sandaigdigan
Pagpapalalim na Gawain

 Sa araling ito ay mararanasan mong maging


manunulat ng tulang nagbibigay halaga sa iyong
pagiging mamamayan ng bansang Asyano.

 Bubuo ka rin ng paglalahad tungkol sa mga paksa ng


tulang Asyano.
Suriin ang larawang makikita sa kahon at sagutin ang mga tanong
tungkol dito upang mailahad ang sinisimbolo nito sa buhay ng
tao o bansa.

1. Ano ang makikita sa larawan?


2. Kapag nakakita ng puting kalapati
o ng larawan nito, anong
pangyayari o pagdiriwang ang
naaalala mo?
3. Ano ang karaniwang sinisimbolo
ng puting kalapati sa buhay ng tao
o bansa?
Ibigay ang kahulugan at ang kasalungat ng mga salitang
nakasulat nang madiin sa sumusunod na mga parirala. Piliin ang
sagot sa mga salitang nakasulat sa kahon. Isulat ang iyong sagot
sa talahanayan.

Kahulugan Mahirap na Salita Kasalungat


tuwina’y may
1. Nag-aalinlangan nakatitiyak
agam-agam
Ibigay ang kahulugan at ang kasalungat ng mga salitang
nakasulat nang madiin sa sumusunod na mga parirala. Piliin ang
sagot sa mga salitang nakasulat sa kahon. Isulat ang iyong sagot
sa talahanayan.

Kahulugan Mahirap na Salita Kasalungat


patuloy na bumulusok
2. Lumipad paitaas
pumailanlang paibaba
Ibigay ang kahulugan at ang kasalungat ng mga salitang
nakasulat nang madiin sa sumusunod na mga parirala. Piliin ang
sagot sa mga salitang nakasulat sa kahon. Isulat ang iyong sagot
sa talahanayan.

Kahulugan Mahirap na Salita Kasalungat


3. Masama ikaw na palamara mabuti
Ibigay ang kahulugan at ang kasalungat ng mga salitang
nakasulat nang madiin sa sumusunod na mga parirala. Piliin ang
sagot sa mga salitang nakasulat sa kahon. Isulat ang iyong sagot
sa talahanayan.

Kahulugan Mahirap na Salita Kasalungat


puso ng tao’y puno
4. Pagdududa pagtitiwala
ng panghihinala
Ibigay ang kahulugan at ang kasalungat ng mga salitang
nakasulat nang madiin sa sumusunod na mga parirala. Piliin ang
sagot sa mga salitang nakasulat sa kahon. Isulat ang iyong sagot
sa talahanayan.

Kahulugan Mahirap na Salita Kasalungat


5. Nasira o bantayog ay
natayo
bumagsak gumuho
Ibigay ang kahulugan at ang kasalungat ng mga salitang
nakasulat nang madiin sa sumusunod na mga parirala. Piliin ang
sagot sa mga salitang nakasulat sa kahon. Isulat ang iyong sagot
sa talahanayan.

Kahulugan Mahirap na Salita Kasalungat


6. Lumakad o humayo ka at
Manatili
umalis mawala
Dr. Usman Awang o kilala rin sa
pamamagitan ng maraming mga
pangalan ng panulat tulad ng Tongkat
Warrant, Adi Jaya, Amir, Atma Jiwa,
Manis, Pengarang Muda, Ros Murni,
Setia Budi, Zaini, U.A. ay isang
Malaysian na mandudula, manunula, at
nobelista. Ipinanganak siya noong ika-12
ng Hulyo 1929, sa Kampung Tanjung
Dr. Usman Awang Lembu, Kuala Sedili, Kota Tinggi, Johor.
1929 - 2001
Puting Kalapati Libutin Itong Sandaigdigan

Sa mga pangyayaring walang katiyakan,


Kung saan ang tao'y naghihinala't tuwina'y may agam-agam
Lumipad ang kalapati upang lakbayin ang sandaigdigan
Sa kanyang puting pakpak na hanap sa kapayapaan
Habang sagisag ng pagkakasundo'y patuloy na pumapailanlang.
Unang Saknong
Sinasabi dito na dapat sa panahong ang mga tao ay
nalilito at hindi tiyak sa mga nangyayari sa mundo,
tanging ang puting kalapati ang nagbibigay ng pag-
asa sa mundo. Sa kanyang malayang paglipad
nabigyan ng bagong pag-asa at bagong umaga ang
mga mamamayan. Pag-asa na makapagpapasundo
ng lahat ng bagay o kapayapaan sa mundo.
Puting Kalapati Libutin Itong Sandaigdigan

Puting kalapati, libutin itong sandaigdigan


Ang hanging panggabi'y iyong panariwain
Ang mga bulaklak iyong pamukadkarin.
Itong aming mga labi'y iyong pangitiin.
Ikalawang Saknong
Pinapakita dito na dahil sa puting
kalapati at makita ito ng tao ay
magkakaroon ng pag-asa at makakapag
pabago sa sanlibutan.
Puting Kalapati Libutin Itong Sandaigdigan

Pagkat sa iyo na ang pag-asa ay di nawala


Sa iyong hininga, hanging sariwa nagmula
Itong sandaigdigan, paniwalain mo sa kapayapaan
Habang puso'y pumipintig sa gabi ng katahimikan
Ikatlong Saknong
Sinasabi na ang kalapati ang
makakapagbigay ng panibagong pag-
asa sa atin kahit anong mangyari.
Puting Kalapati Libutin Itong Sandaigdigan

Ngunit ikaw na palamara


Tulad ng alabok, humayo ka't mawala
Pagkat mundo mo't bantayog ay gumuho na
Ngayon ay may bagong hinagap na kayganda
Bilang repleksiyon nitong buhay na mapayapa
Ika-apat na Saknong
Dahil sa dumating na ang kalapati, na
sumisimbolo sa pag-asa at kapayapaan,
ang mga taksil at masamang tao sa ating
mundo ay mawawala na. magkakaroon ng
kapayapaan at Magandang kinabukasan
ang mundo.
Sagutin Natin
 Ano ang sinisimbolo ng puting kalapati sa tulang iyong
binasa?
 Ano raw ang pakay ng kalapati sa paglilibot nito sa
mundo? Sa iyong palagay, magagawa kaya niya ito?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
 Masasabi mo bang payapa o tahimik ang buhay ng tao sa
mundo sa kasalukuyan? Ipaliwanag ang sagot.
 Sino kaya ang maituturing na taksil o palamara sa tula?
Sagutin Natin
 Sa kasalukuyan, ano-ano ang mga pangyayari sa
mundong sumisira sa pandaigdigang kapayapaan na
masasabi mong likha ng kasamaan?
 Ano-ano ba ang mga puwedeng gawin ng tao upang
magkaroon ng ganap na kapayapaan sa mundo?
 Bilang kabataan, paano ka makatutulong upang
mapanatili ang kapayapaan sa inyong tahanan,
komunidad, bansa, at mundo?
Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag ng
Emosyon o Damdamin
1. Padamdam at maikling sambitla
Ito’y isang uri ng pangungusap na
walang paksang nagpapahayag ng
matinding damdamin. Ginagamitan ito
ng bantas na tandang padamdam (!).
Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag ng
Emosyon o Damdamin
1. Padamdam at maikling sambitla
Halimbawa:
Galing! Sarap! Yehey!
Sakit! Ay! Wow!
Array! Grabe!
Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag ng
Emosyon o Damdamin
1.Padamdam at maikling sambitla
Maaari ding isama ang mga padamdam at
maikling sambitlang ito upang maging higit na
tiyak ang damdamin o emosyong nais ipahayag.

Hal. Yehey, maganda ang tingin sa akin ng


mga tao!
Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag ng
Emosyon o Damdamin
2. Mga pangungusap na nagsasaad ng
tiyak na damdamin o emosyon ng isang
tao. Padamdam ang tawag sa ganitong uri
ng pangungusap. Nagpapahayag ito ng
damdamin gaya ng galit, tuwa, lungkot,
inis, o gigil. Nagtatapos ito sa tandang
padamdam.
Bagaman may mga pagkakataong ang
damdamin ng nagpapahayag ay hindi
gaanong matindi ngunit mahihinuha pa
rin ang damdamin. And ganitong pahayag
ay nasa anyong pasalaysay o paturol na
pangungusap.
Halimbawa:
Kasiyahan – Natutuwa ako at isa akong babaeng
Pilipina.
Pag-ayaw – Pasensiya na, pero hindi ko gusto ang
pagtrato ninyo sa inyong kababaihan.
Pagkainis – Nakakainis talaga ang mga lalaking
walang respeto sa mga babae.
Pagtataka – Bakit ganoon kababa ang inyong tingin
sa akin?
Pagmamalaki – Ako’y isang babaeng malaya!
Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag ng
Emosyon o Damdamin
3. Mga pangungusap na
nagpapahiwatig ng damdamin sa hindi
diretsahang paraan.
Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag ng
Emosyon o Damdamin
Halimbawa:

Mas maganda sigurong hindi


ka na magsalita.
Isa kang anghel sa langit.

You might also like