You are on page 1of 12

ARALING PANLIPUNAN Week 1

Day 1

I. Layunin Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: pangalan, kaarawan, edad, tirahan, paaralan II. Paksang-Aralin A. Pagkilala sa Sarili B. Sanggunian: Araling Panlipunan (TG) p. 4-12 C. Konsepto Masabi ang mga batayang impormasyon tungkol sa iyong sarili: pangalan, kaarawan, edad, tirahan, paaralan D. Proseso Pagmamasid, Pagtukoy, Paglalarawan, Paghahambing, Pagsusuri, Paghihinuha E. Kagamitan Flash cards, malinis na papel, name tag, krayola, makulay na tali F. Integration Musika, Sining III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Pamukaw-siglang Gawain Kumustahan (awit) Kumusta ka, halinat magsaya Pumalakpak, pumalakpak Ituro ang paa Padyak sa kanan, padyak sa kaliwa Umikot ng umikot At humanap ng iba. B. Mga Panlinang na Gawain 1. Paunang Pagtataya/ Paglalahad Magpangkat-pangkat kayo ng inyong mga kamag-aaral ayon sa kategoryang aking babanggitin. a. Pangalan b. Kaarawan c. Edad d. Tirahan Matapos ang laro, itanong ang mga sumusunod sa mga mag-aaral: a. Ano ang mga impormasyong ibinahagi mo sa iyong mga kamag-aaral habang naglalaro? b. Anu-anong pagkakataon mo kailangang sabihin ang iyong pangalan, kaarawan, edad at tirahan? c. Bakit kailangang alam mo ang iyong pangalan, kaarawan, edad at tirahan? 2. Pagtuturo at Paglalarawan 2.1. Unang araw ng klase, kailangan ninyong ipakilala ang inyong mga sarili sa inyong mga kamag-aaral. Pagpapakilala ng sarili ng guro. Banggitin ang pangalan, kaarawan, edad, tirahan at paaralan. Halimbawa:

Ako si Gng. Avelyn A. Cajayon. Ang aking kaarawan ay sa Marso 1. Ako ay 29 na taong gulang. Ako ay nakatira sa Talaga East, Mabini, Batangas. 2.2 Bawat bata ay pupunta sa unahan ng klase at ipakikilala ang kanyang sarili batay sa kanyang pangalan, kaarawan, edad at tirahan. Kinakailangan ang paggabay ng guro sa gawaing ito. 3. Pagtatalakay Ano ang nararamdaman mo habang ipinakikilala mo ang iyong sarili sa harap ng itong mga kaklase? Ano ang napansin mo sa mga impormasyong iyong binanggit? 4. Kasanayang Pagpapayaman 4.1 Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng pangkat na may apat na kasapi. Hikayatin silang isadula ang mga babasahing sitwasyon: a. Nakita mo ang iyong lola na matagal mo nang hindi nakakasama. Tinanong niya kung ilang taon ka na. b. Naglalagay ng dekorasyon sa inyong silid-aralan ang inyong guro. Sinabi niyang ilalagay niya sa isang bahagi ng silid ang talaan ng kaarawan ng mga magaaral. Sabihin sa inyong guro kung kalian ang inyong kaarawan. c. Hindi sinasadyang napahiwalay ka sa iyong nanay sa palengke. Sa kabutihang-palad, nakit mo ang nanay ng iyong kaklase. Nagmagandang-loob siyang ihatid ka sa inyong bahay ngunit hindi niya alam kung saan ka nakatira. Tinanong niya sa iyo kung saan matatagpuan ang inyong bahay. (Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat upang maghanda at magensayo.) Matapos ang pagsasadula, itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: a. Ano ang naramdaman ninyo matapos ninyong ibahagi sa inyong mga kaklase ang inihanda ninyong dula? b. Naranasan nyo nab a sa inyong sariling buhay ang sitwasyong inyong ipinakita sa dula? 5. Kasanayang Pagkabisa Ipasagot sa mga bata ang hinihinging impormasyon sa bawat patlang. a. Bago ka ba rito? Anong pangalan mo? Ang pangalan ko ay ___________________. b . Kailan ka ipinanganak? Ipinanganak ako noong _______________________. c. Ilang taong gulang ka na?

Ako ay ______________ taong gulang na. d. Nawawala ka ba? Saan ka nakatira? Nakatira po ako sa __________________. 6. Paglalahat Ano-anong impormasyon ang iyong babanggitin tungkol sa iyong sarili? 7. Pagpapahalaga Bakit mahalagang malaman mo ang mga pangunahing impormasyon tungkol sa iyong sarili tulad ng iyong pangalan, kaarawan, edad at tirahan? 8. Pahuling Pagtataya Bigyan ang bawat bata ng malinis na papel. Magpagawa ng name tag kung saan nakasulat ang kanilang pangalan gusting-gusto nilang itinatawag sa kanila. Pakulayan ito gamit ang mga paborito nilang kulay. Tulungan ang mga mag-aaral sa paglalagay ng tali. Ipasuot ito tuwing oras ng klase. Halimbawa:

Ken
IV. Kasunduan Magdala ng lapis, krayola, salamin.

ARALING PANLIPUNAN

Week 1

Day 2

I. Layunin Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: pangalan, kaarawan, edad, tirahan, paaralan II. Paksang-Aralin A. Pagkilala sa Sarili B. Sanggunian: Araling Panlipunan (TG) p. 4-12 C. Konsepto Masabi ang mga batayang impormasyon tungkol sa iyong sarili: pangalan, kaarawan, edad, tirahan, paaralan D. Proseso Pagmamasid, Pagtukoy, Paglalarawan, Paghahambing, Pagsusuri, Paghihinuha E. Kagamitan Flash cards, malinis na papel, name tag, krayola, makulay na tali F. Integration Musika, Sining III. Pamamaraan 3. Pagtatalakay Ano ang nararamdaman mo habang ipinakikilala mo ang iyong sarili sa harap ng itong mga kaklase? Ano ang napansin mo sa mga impormasyong iyong binanggit? 4. Kasanayang Pagpapayaman 4.1 Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng pangkat na may apat na kasapi. Hikayatin silang isadula ang mga babasahing sitwasyon: a. Nakita mo ang iyong lola na matagal mo nang hindi nakakasama. Tinanong niya kung ilang taon ka na. b. Naglalagay ng dekorasyon sa inyong silid-aralan ang inyong guro. Sinabi niyang ilalagay niya sa isang bahagi ng silid ang talaan ng kaarawan ng mga magaaral. Sabihin sa inyong guro kung kalian ang inyong kaarawan. c. Hindi sinasadyang napahiwalay ka sa iyong nanay sa palengke. Sa kabutihang-palad, nakit mo ang nanay ng iyong kaklase. Nagmagandang-loob siyang ihatid ka sa inyong bahay ngunit hindi niya alam kung saan ka nakatira. Tinanong niya sa iyo kung saan matatagpuan ang inyong bahay. (Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat upang maghanda at magensayo.) Matapos ang pagsasadula, itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: a. Ano ang naramdaman ninyo matapos ninyong ibahagi sa inyong mga kaklase ang inihanda ninyong dula? b. Naranasan nyo nab a sa inyong sariling buhay ang sitwasyong inyong ipinakita sa dula? 5. Kasanayang Pagkabisa Gamit ang power point presentation, ipasagot sa mga bata ang hinihinging impormasyon sa bawat patlang. a. Bago ka ba rito? Anong pangalan mo?

Ang pangalan ko ay ___________________.

b . Kailan ka ipinanganak? Ipinanganak ako noong _______________________. c. Ilang taong gulang ka na? Ako ay ______________ taong gulang na.

d.

Nawawala ka ba? Saan ka nakatira? Nakatira po ako sa __________________.

6. Paglalahat Ano-anong impormasyon ang iyong babanggitin tungkol sa iyong sarili? 7. Pagpapahalaga Bakit mahalagang malaman mo ang mga pangunahing impormasyon tungkol sa iyong sarili tulad ng iyong pangalan, kaarawan, edad at tirahan? 8. Pahuling Pagtataya Bigyan ang bawat bata ng malinis na papel. Magpagawa ng name tag kung saan nakasulat ang kanilang pangalan gusting-gusto nilang itinatawag sa kanila. Pakulayan ito gamit ang mga paborito nilang kulay. Tulungan ang mga mag-aaral sa paglalagay ng tali. Ipasuot ito tuwing oras ng klase. Halimbawa:

Ken
IV. Kasunduan Magdala ng lapis, krayola, salamin.

ARALING PANLIPUNAN Week 1

Day 3

I. Layunin Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: pangalan, kaarawan, edad, tirahan, paaralan II. Paksang-Aralin A. Pagkilala sa Sarili B. Sanggunian: Araling Panlipunan (TG) p. 4-12 C. Konsepto Masabi ang mga batayang impormasyon tungkol sa iyong sarili: pangalan, kaarawan, edad, tirahan, paaralan D. Proseso Pagmamasid, Pagtukoy, Paglalarawan, Paghahambing, Pagsusuri, Paghihinuha E. Kagamitan Flash cards, malinis na papel, name tag, krayola, makulay na tali F. Integration Musika, Sining III. Pamamaraan 7. Pagpapahalaga Bakit mahalagang malaman mo ang mga pangunahing impormasyon tungkol sa iyong sarili tulad ng iyong pangalan, kaarawan, edad at tirahan? 8. Pahuling Pagtataya Bigyan ang bawat bata ng malinis na papel. Magpagawa ng name tag kung saan nakasulat ang kanilang pangalan gusting-gusto nilang itinatawag sa kanila. Pakulayan ito gamit ang mga paborito nilang kulay. Tulungan ang mga mag-aaral sa paglalagay ng tali. Ipasuot ito tuwing oras ng klase. Halimbawa:

Ken
IV. Kasunduan Magdala ng lapis, krayola, salamin.

ARALING PANLIPUNAN Week 1

Day 4

I. Layunin Naipakikilala ang sarili sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga pisikal na katangian Nasasabi na ang bawat bata ay natatangi o naiiba Naipagmamalaki ang sarili at naigagalang ang pisikal na katangian ng iba. II. Paksang Aralin A. Ako ay Natatangi B. Sanggunian Araling Panlipunan (TG) p.13 C. Konsepto Ang bawat isa ay may pisikal na katangian na naiiba tulad ng thumb print,sukat o laki ng katawan, hugis ng mukha, tangos ng ilong,hugis at kulay ng mata ,at ang kulay at anyo ng buhok.Natatangi o naiiba ang bawat isa D. Proseso Pagmamasid, Pagtukoy, Paglalarawan, Paghahambing, Pagsusuri, Paghihinuha E. Kagamitan lapis at papel krayola larawan salamin cartolina, pentel pen, thumb pad, ink pad, hand lens or improvised lens F. Science Integration 1. Body Parts 2. Use of Science Process as Strategy III.Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1.Pamukaw -siglang Gawain Umawit Tayo! Paa, tuhod, balikat ulo (3X) Tingnan (2X) Tingnan mo ako. B. Mga Panlinang na Gawain 1. Paunang Pagtataya 1.1 Ituro ang inyong paa/ tuhod/ balikat ,at ulo. Ituro ang inyong mata/ ilong/ bibig ,at tainga. (Titingnan ng guro kung naituturo nang tama ng mga bata ang bawat bahagi na ipinatuturo.) 1.2 Umawit tayong muli at ituro naman ang mata, ilong bibig at tainga. Mata, ilong , bibig at tainga (3X) Tingnan (2X) Tingnan mo ako. 2. Paglalahad Humanap ng kapareha. Tingnan mo ang ang iyong kapareha. Ano ang masasabi mo tungkol sa iyong kapareha?. Matapos mong tingnan ang iyong kapareha, tingnan mo naman ang iyong sarili sa salamin.

3. Pagtuturo at Paglalarawan 1. Pagpapakita ng sariling iginuhit na larawan ng guro. Illustration: totoong self-portrait ng guro.

Sabihin; Ito ay larawan ko. Iginuhit ko ito. (Ilalarawan ng guro ang kanyang sarili sa pamamagitan ng self-portrait.) 2. Kumuha ng malinis na papel. Iguhit ang iyong sarili. Pagkatapos mong gumuhit, isulat ang iyong pangalan sa ibabang bahagi ng iginuhit na larawan. Ibahagi sa klase ang iyong ginawa. Kasama ang iyong mga kamag-aral, ipaskil ang inyong iginuhit sa paskilan 4. Pagtalakay 1. Paglalarawan ng bata sa iginuhit na self-portrait. ( Bulontaryong pagbabahagi ng bata tungkol sa kanyang iginuhit.) 2. Pag-uusap sa isinagawang Gawain Ano ang naramdaman mo habang iginuguhit ang iyong sarili? ibinabahagi ang iyong iginuhit? nakikinig sa pagbabahagi ng iyong mga kamag-aral? Ano ang napansin mo sa iyong iginuhit? Ilarawan mo ito? Ano ang napansin mo sa mga larawang inyong iginuhit? Bakit hindi magkakapareho ang inyong iginuhit? Ano ang kaibahan ng iginuhit mo sa ginawa ng iyong mga kamag-aral? Anong bahagi ng katawan ang ginamit mo sa pagguhit? 5. Kasanayang Pagpapayaman Napagmasdan mo na ba ang iyong daliri sa kamay? Alin ang hinlalaki? Tingnang mabuti ang mga guhit sa iyong hinlalaki.

(Maaaring ang guro ang magkunwaring detective hawak ang improvised lens.) Lahat tayo ay may thumb print tulad ng tinitingnan ng imbestigador sa larawan. Subukan mong ikumpara ang thumb print mo sa iyong mga kamag-aral. Ano ang napansin mo? Pagbibigay ng Pamantayan sa Pagsasagawa ng Gawain

Bumuo ng isang pangkat na may limang kasapi. Kumuha ng malinis na papel at idiit ang inyong hinlalaki sa stamp pad at idiin ang mga ito sa malinis na papel o sa cartolina. 6. Kasanayang Pagkabisa Tingnang mabuti ang mga guhit ng inyong hinlalaki.Gamitin ang hand lens o improvised lens. Ano ang nalaman mo? Magkapareho ba ang thumb print ninyo ng iyong mga kamag-aral? Bukod sa thumb print, may iba ka pang mga pisikal na katangian na naiiba sa iyong mga kamag-aral. May naiisip ka pa ba? 7. Paglalahat Paano mo ilalarawan ang iyong sarili? Bakit mo nasabi na ikaw ay katangi tangi o naiiba? 8. Pagpapahalaga Ano ang gagawin mo sa iyong mga pisikal na katangian? Paano mo igagalang ang angking katangian ng iyong kamag-aaral? 9. Pahuling Pagtataya (Pangkatin ang mga bata sa dalawang grupo. Bigyan ang bawat pangkat ng isang malaking ilustrasyon ng isang bata. Ipaguhit ang nawawalang bahagi. Iguhit ito katulad ng sa kanya. Bigyan ng pangalan ang bata ayon sa pinagkasunduan ng bawat kasapi ng pangkat.Isulat ito sa ibaba ng ilustrasyon.Ipaskil ang kanilang ginawa sa takdang lugar para sa bawat pangkat at magkaroon ng Gallery Walk. Tayahin ng guro ang gawain.)

ARALING PANLIPUNAN Week 1

Day 5

I. Layunin Naipakikilala ang sarili sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga pisikal na katangian Nasasabi na ang bawat bata ay natatangi o naiiba Naipagmamalaki ang sarili at naigagalang ang pisikal na katangian ng iba. II. Paksang Aralin A. Ako ay Natatangi B. Sanggunian Araling Panlipunan (TG) p.10 C. Konsepto Ang bawat isa ay may pisikal na katangian na naiiba tulad ng thumb print,sukat o laki ng katawan, hugis ng mukha, tangos ng ilong,hugis at kulay ng mata ,at ang kulay at anyo ng buhok.Natatangi o naiiba ang bawat isa D. Proseso Pagmamasid, Pagtukoy, Paglalarawan, Paghahambing, Pagsusuri, Paghihinuha E. Kagamitan lapis at papel krayola larawan salamin cartolina, pentel pen, thumb pad, ink pad, hand lens or improvised lens F. Science Integration 1. Body Parts 2. Use of Science Process as Strategy III.Pamamaraan 4. Pagtalakay 1. Paglalarawan ng bata sa iginuhit na self-portrait. ( Bulontaryong pagbabahagi ng bata tungkol sa kanyang iginuhit.) 2. Pag-uusap sa isinagawang Gawain Ano ang naramdaman mo habang iginuguhit ang iyong sarili? ibinabahagi ang iyong iginuhit? nakikinig sa pagbabahagi ng iyong mga kamag-aral? Ano ang napansin mo sa iyong iginuhit? Ilarawan mo ito? Ano ang napansin mo sa mga larawang inyong iginuhit? Bakit hindi magkakapareho ang inyong iginuhit? Ano ang kaibahan ng iginuhit mo sa ginawa ng iyong mga kamag-aral? Anong bahagi ng katawan ang ginamit mo sa pagguhit? 5. Kasanayang Pagpapayaman Napagmasdan mo na ba ang iyong daliri sa kamay? Alin ang hinlalaki? Tingnang mabuti ang mga guhit sa iyong hinlalaki.

(Maaaring ang guro ang magkunwaring detective hawak ang improvised lens.) Lahat tayo ay may thumb print tulad ng tinitingnan ng imbestigador sa larawan. Subukan mong ikumpara ang thumb print mo sa iyong mga kamag-aral. Ano ang napansin mo? Pagbibigay ng Pamantayan sa Pagsasagawa ng Gawain Bumuo ng isang pangkat na may limang kasapi. Kumuha ng malinis na papel at idiit ang inyong hinlalaki sa stamp pad at idiin ang mga ito sa malinis na papel o sa cartolina. 6. Kasanayang Pagkabisa Tingnang mabuti ang mga guhit ng inyong hinlalaki.Gamitin ang hand lens o improvised lens. Ano ang nalaman mo? Magkapareho ba ang thumb print ninyo ng iyong mga kamag-aral? Bukod sa thumb print, may iba ka pang mga pisikal na katangian na naiiba sa iyong mga kamag-aral. May naiisip ka pa ba? 7. Paglalahat Paano mo ilalarawan ang iyong sarili? Bakit mo nasabi na ikaw ay katangi tangi o naiiba? 8. Pagpapahalaga Ano ang gagawin mo sa iyong mga pisikal na katangian? Paano mo igagalang ang angking katangian ng iyong kamag-aaral? 9. Pahuling Pagtataya (Pangkatin ang mga bata sa dalawang grupo.Bigyan ang bawat pangkat ng isang malaking ilustrasyon ng isang bata.Ipaguhit ang nawawalang bahagi. Iguhit ito katulad ng sa kanya.Bigyan ng pangalan ang bata ayon sa pinagkasunduan ng bawat kasapi ng pangkat.Isulat ito sa ibaba ng ilustrasyon.Ipaskil ang kanilang ginawa sa takdang lugar para sa bawat pangkat at magkaroon ng Gallery Walk. Tayahin ng guro ang gawain.)

You might also like