You are on page 1of 2

Ang Pilipinas sa ilalim ng Martial Law

SEP 21 Posted by The Filipino Servant



Marami pa ring kababalaghan at katanungan ang bumabalot sa pagdedeklara ng Martial Law ni dating Pangulong
Ferdinand Marcos. Halinat siyasatin natin kung ano ba ang nangyari sa Pilipinas sa ilalim ng Batas Militar.
Ika-21 ng Setyembre 1972 idineklara ni Marcos ang Proclamation No. 1081 o ang Batas Militar(Martial Law sa
Ingles). Ngunit isinapubliko ito at napanood ang pagdedeklara dalawang araw matapos ito pagtibayin. Matapos
ipinalabas ang proklamasyon, agad na ipinaaresto ang mga katunggali ni Ferdie sa pulitika, at mga demonstrador.
Ipinasara ang mga istasyon ng telebisyon, radyo at palimbagan ng mga dyaryo. Hinigpit ang seguridad at
nagpatupad ng curfew sa buong kapuluan.
Idineklara ang Martial Law dahil sa assassination plot laban kay dating Defense Secretary/Minister at ngayoy
Senate President Juan Ponce Enrile, paglakas ng pwersa ng mga komunistang grupo at patuloy na kaguluhan sanhi
ng mga demonstrasyon laban sa pamahalaan at ang pagpapasabog sa Plaza Miranda. Hangad ng Martial Law
na iligtas ang republika mula sa mga masasamang elemento at bumuo ng Bagong Lipunan.
Iligtas ang Republika
Layong iligtas ang republika mula sa mga masasamang elemento katulad ng mga komunista sa pamamagitan ng
pagdedeklara ng Batas Militar. Imbes na humina at mawala ang mga komunista, lalong lumakas at dumami ang
kanilang mga miyembro, nag-alab sila laban sa rehimeng Marcos. Mas tumindi ang giyera sa pagitan ng gobyerno at
mga komunista kaya maraming inosente ang namatay sa salpukan ng dalawa. Ang mga mamamahayag ay
napagbintangan na silay kasapi ng mga grupong Communist Party of the Philippines at New Peoples Army kaya
marami ang kaso ng extrajudicial killings sa panahon ng panunungkulan ni Macoy. Maski mga ordinaryong tao ay
pinagbintangan kaya ang iba sa kanilay sinaktan, pinatay at ipinahiya sa harap ng mga mamamayang takot at
mabilis maniwala sa mga sabi ng gobyerno.
Bagong Lipunan
Hangad ni Marcos na baguhin ang lipunan sa pamamagitan ng Batas Militar. Nabago nga niya ang lipunan dahil
takot na ang mga Pilipino sa kanya. Malaki ang ipinagbago ng kalagayang pangkalusugan at pangkalinisan nawala
ang mga basura sa daan at ang paligid ng mga tahanan ay naging malinis at napanatiling malinis ng mga tao na
rin. Nabawasan ang mga pasugalang ipinagbabawal lalo na sa pangunahing lungsod ng Maynila. Nagkaroon ng
kapayapaan at katahimikan sa mga pook ng paaralan na dati-ratiy may ligalig at karahasan.
Napapaloob ang mga programa ng reporma ng pamahalaan sa salitang PLEDGES na ang ibig sabihin ay: P-eace
and Order (Kapayapaan at Kaayusan); Land Reform (Reporma sa Lupa); Economic Development (Kaunlaran sa
Kabuhayan);D development of moral valuesGovernment Reforms (Mga Pagbabago sa Pamahalaan); Educational
Reforms (Mga Pagbabago sa Sistema ng Edukasyon); Social Services (Serbisyong Panlipunan).
Itinuturing na maganda ang programa ngunit ang mga repormang naipangako ay hanggang sa papel lamang. Kung
mayroon mang pagbabago at nangyari lamang sa mga unang taon ng Bagong Lipunan.
Ang kanyang Bagong Lipunan ay nabalot ng mga pangamba at takot dahil sa isang utos niya lang, dapat sumunod
at maniwala ang lahat o ipapapatay sila. Hatid niya ang bagong Pilipinas na puno ng kaharasan at patayan.

Marami ngang nagawa, mas marami pa ang ninakaw sa kaban ng bayan
Oot marami nga siyang nagawa sa kanyang 21 taon na panunungkulan. Nandyan ang San Juanico Bridge, Cultural
Center of the Philippines, Lung Center at Heart Center, ang mga programang Green Revolution, reporma sa Lupa,
North Luzon at South Luzon Expressway at iba pa. Sabi ng ilan, mas mura ang mga bilihin noon kesa bago pa at
pagkatapos ni Marcos ngunit hindi nila alam na binabantaan ng pamahalaan ang mga nagtitinda na panatilihin sa
mababang presyo ang mga bilihin upang mas maging epektibo ang Bagong Lipunan. Ngunit sa mga iba niyang
proyekto ay sukdulan ang paglabas ng pera mula sa kaban ng bayan upang ibigay sa kanyang mga kaibigan at
kamag-anak. Naging kontrolado ng kanyang pamilya ang ekonomiya kaya noong pinatalsik siya, pinabagsak nila ng
husto ang ekonomiya ng bansa.
Pagbabago sa Pamahalaan at Saligang Batas
Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamahalaan mula nang ipahayag ang Martial Law. Ang Kongresyo na siyang
gumagawa at bumabalangkas ng mga batas ay binuwag. Naalisan ng tungkulin ang mga senador at kinatawan. Sa
ilalim ng Batas Militar, nagkaroon ang Pangulo ng kapangyarihang lehislatibo. Gumawa siya ng mga Kautusang
Pampanguluhan (presidential decree), Kautusang Pangkalahatan (General Order) at Liham Pagpapatupad (Letter of
Instruction). Ang mga ito ang mangangasiwa sa Pamahalaan at lahat ng mga sibilyang kapangyarihan. Ang
Kautusang Pampanguluhan ay may bisa at lakas tulad ng mga batas na ipinapalabas ng dating Kongreso.
Agad na ipinabuwag ang Saligang Batas ng 1935 at dagliang gumawa ng Kumbensyong Konstitusyonal na siyang
gagawa ng bagong saligang batas. Ilan sa mga delegado sa kumbensyon ay sina dating Pangulong Carlos P. Garcia
at Diosdado Macapagal, ang ilang mga kasapi ay mula sa pampublikong sektor at simbahang Katolika. Kaya nang
naiharap at naipasa kay Marcos ang saligang batas, naging magulo ang pamahalaan. Matapos maipasailalim sa
bagong konstitusyon ang bansa, naging dalawa ang tungkulin ni Marcos, ang maging Pangulo at Punong Ministro,
ang Kongresoy napalitan ng Batasang Pambansa.
Sa ilalim ng Batas Militar, ang Pilipinas ay para bang nakasakay sa isang roller coaster, dahil sa magulong sistema
ng pamahalaan at lipunan. Maraming inosente ang namatay dahil sa mga maling bintang at ang ating
ipinagmamalaking sandatahan ay naging death machine ni Marcos laban sa mga katunggali niya. Ang kanyang mga
sinabi sa kanyang inagurasyon noong 1965, mga proyekto niyang nakatulong sa nakararami ay nabahiran na ng
dungis dahil sa kanyang pagdedeklara ng Proklamasyon Blg. 1081.
Inihatid niya ang Pilipinas sa daang bagsak ang ekonomiya, hati ang pananaw ng buong populasyon at mga giyera
dahil sa ibat-ibang paniniwala. Nawalan ng pag-asa ang mga Pilipinong biktima ng Martial Law upang
makabangon.
Ngunit sa matuwid na daan, ang bawat isa ay dapat maniwalang may pag-asa pa, dahil tayo rin ang uukit ng
maganda at bagong bukas. Tayo rin ang maghahatid sa ating mga sarili sa matiwasay na bansa, tungo sa kaunlaran.
Huwag na natin sayangin ang panahon at ituwid natin ang kamalian, baguhin ang sistema at pag-isahin ang hangarin
nating bagong Pilipinas.

You might also like