You are on page 1of 4

Si Taft sa Kalabaw

Sa larawang ito nakasakay


si Taft sa kalabaw.
Tila kambing lang ang kalabaw.
Naninilaw na ang larawan
at kahit dapat nang sunugin,
mahalaga pa rin ang nakaraan.

Sa aking isip pagagalawin ko


ang ulo ng kalabaw,
palilingunin kay Taft.
Mag-aalab ang mga mata
nito na dati’y payapang
pumipikit lamang
nang marahan sa bigat.

Mapapaso si Taft
sa titig ng kalabaw
at kusang bababa
kahit hirap na hirap,
kahit kabisado na
ng kanyang puwit
ang hugis ng likod
nitong kalabaw.

Kung hindi bababa si Taft


ay mag-aalma ang kalabaw,
ititilapon ang susun-susong taba.
At saka wiwika
o mangangarap man lamang
ng unang salitang bibigkasin
pagkatapos ng mahabang katahimikan.
Ambon sa Timog Afrika

Mga hibla ng buhok ng sanggol


ang ambon ngayon, pinung-pino,
magaang-magaan.

Halos hindi mapansin


ang marahang pagdilim
ng aspalto, at ng mga sanga

Ng mga punong lumulunti naman


ang mga dahon. Walang tumitinag,
at parang naglaho ang ragasa ng hangin.

Binubura ng tahimik
na ambon ang mga gusali,
ikinukubli ang mabatong kabundukan,

Pinalalamlam ang daigdig.


Paghaplos ko sa ambon,
tulduk-tuldok ng tubig sa palad:

Hindi ako makapaniwalang


katulad na katulad
ng ambon na kinagisnan.
Sa Bundok na Itong Yakap-yakap
kay Margie

sa bundok na itong yakap-yakap


ng gabi, sinasalamin ng mga liwanag

na nakalatag sa lupa, sanga-sanga,


saput-sapot, nakahabi sa dilim,

ang kalawakang mga bituin

hindi natin makita ang bingit


ng bangin sa kinatatayuan

para bang damuhan lamang


na umaawit sa lamig

at banig ang ating


mga daliri, pinaaalab

ng aking kayumanggi
ang iyong puti

You might also like