You are on page 1of 37

EPEKTO NG KAKULANGAN NG TULOG SA MGA MAG-AARAL SA UNIBERSIDAD NG MINDANAW

Isang Pamanahong-Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Arte, Syensya at Edukasyon, Unibersidad ng Mindanaw

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

ng I-C Eng. I-C I.T.

Ika-20 ng Enero 2012

DAHON NG PAGPAPATIBAY Ang tesis na ito ay pinamagatang Epekto ng Kakulangan ng Tulog sa mga Mag-aaral ay iniharap at iniharap nila Ma. Kristina Noble, Jonamae Ansuyon, Muhammad Arquiza, Raffa Sumindol, Grace Inez, Renevel Dioso, Freddie Belmonte, Welmar Pancho, Paul Cubresis, at Levi Colis bilang isang bahagi ng pagpapatupad ng pangangailangan ng Fil 2A.

ALMA B. CUEVAS M.M.Ed Tagapayo

Lupon ng Tagasuri Tinatanggap ng lupon para sa pasalitang pagtanggol na may markang _________.
_____________________

Punong Tagapamahala __________ Kasapi __________ Kasapi

Tinatanggap at inaprobahan para sa parsyal na pangangailangan sa panimula ng Research, Fil 2A. _______________________ Dean, College of Engineering Unibersidad ng Mindanaw

PASASALAMAT Taus-pusong pasasalamat ang aming ipinaaabot sa mga sumusunod na indibidwal dahil sa mahahalagang tulong, kontribusyon at/o suporta tungo sa matagumpay na reyalisasyon ng pamanahong-papel na ito: y Kay Gng. Alma B. Cuevas, ang aming masigasig at matiyagang guro sa Filipino, sa pagtulong sa amin at paggabay sa paggawa ng isang pamanahong-papel sa pamamagitan ng pagturo ng tamang paggawa at hakbangin sa pagsulat ng isang pamanahong papel y Sa mga awtor ng mga artikulong pinaghanguan ng aming paksa. Salamat sa mahahalagang impormasyong inyong ibinahagi. y Sa aming mga respondente, sa paglalaan ng panahon at sa matapat na pagsagot sa aming inihandang kwestyoner. y Sa aming mga magulang, sa pag-iintindi at pagsuporta sa bawat hakbanging aming ginawa, sa pagpapahintulot na umuwi sa hindi nakagawiang oras para matapos lamang ang pamanahong papel, at higit sa lahat, y Sa Poong Maykapal, sa patuloy na paggabay at pagtuloong tungo sa aming matagumpay na gawain. Muli, maraming salamat po. -Mga Mananaliksik

LISTAHAN NG MGA TALAHANAYAN AT GRAP

A. Grap 1:

Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Kasarian 9

B. Grap 2:

Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Edad 9

C. Grap 3:

Oras ng Unang Klase ng mga Respondante 10

D. Grap 4:

Haba ng Tulog ng mga Respondante 11

E. Grap 5a: Nakaramdam ng Senyales ng Pagkapuyat 12

F. Grap 5b: Sanhi ng Pagkapuyat ng mga Respondente 12

G. Grap 6:

Kalidad ng Tulog ng mga Respondente 13

H. Grap 7:

Pakiramdam ng Respondednte Kapag Nakukulangan ng Tulog 14

I. Grap 8:

Pagintindi sa mga Aralin

14

J. Grap 9a:

Nakakaapekto ang Kakulangan ng Tulog Sa Pakikisalamuha 15

K. Grap 9b: Dahilan ng Di Mabuting Pakikisalamuha sa Iba 15

L. Grap 10: Epekto ng Kakulangan ng Tulog sa Kalusugan 16

M. Grap 11: Mga Paraan Upang Makaiwas sa Puyat 16

TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata I, Ang Suliranin at Kaligiran Nito 1. Introduksyon 2. Layunin ng Pag-aaral 3. Kahalagaan ng Pag-aaral 4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 5. Depinisyon ng Terminolohiya 1 2 2 3 4

Kabanata II, Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Kabanata III, Disenyo at Paraan ng Pananaliksik 1. Disenyo ng Pananaliksik 2. Mga Respondente 3. Instrumentong Pampanaliksik 4. Tritment ng mga Datos Kabanata IV, Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos 7 7 7 8

Kabanata V, Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon 1. Lagom 2. Kongklusyon 3. Rekomendasyon 17 17 18

17

Listahan ng mga Sanggunian

19

APENDIKS

A. Liham sa Paghingi ng Pahintulot sa Pagsasarbey

20

B. Sarbey-Kwestyoner

21

C. Liham Paanyaya sa mga Panelist

23

D. Pormularyo sa Pag-eebalweyt ng Pamanahong Papel

25

E. Pormularyo sa Pag-eebalweyt ng Pasalitang Presentasyon

28

KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO 1. Introduksyon Ang epekto ng kakulangan sa tulog ay magkakaroon ka ng chronic sleep disorder. Ang kakulangan sa tulog ay maaaring magkaroon ng problema tulad ng diabetes, depression, kulang sa ehersisyo at pwedeng tumaba. Ayon na rin sa medical report ng University of Boston may ilan na ang natatamaan ng sakit na diabetes dahil sa kulang sa tulog.

Ayon kay Edilberto Gonzaga, isang propessor sa Department of Psychology ng College of Science, bukod sa paghihina ng katawan, many dalawang epekto ang kakulangan sa tulog. Ito ay pawang sikolohikal at pisyolohikal. Sa sikolohikal na aspekto, naaapektuhan ang haba ng atensyon, konsentrasyon, tamang pag-iisip at nagiging sensitibo tayo sa ating paligid lalo na sa paaralan. Ayon din sa lackofsleep.com, isa sa mga sanhi ng kawalan ng tulog ng isang indibidwal ay ang kanyang personal na buhay, mga personal na problema at mga problema sa trabaho.

Ito rin minsan ay nahahantong sa sakit sa mga kasu-kasuan at sakit ng ulo at madaling mapagod. Ang pinakamalaking epekto ng kawalan ng tulog ay ang pagkapinsala ng immune system ng isang indibidwal. Mayroong dalawang kahulugan ang kawalan ng tulog-kulang ng oras ng pagtulog at dikaraniwang paraan ng pagtulog. Ayon sa pananaliksik at pag-aaral, ang pagtulog sa tamang oras ay nakatutulong sa katawan upang magpakawala ng mga growth hormones upang lalong tumangkad ang isang bata.

2 2. Layuning ng Pag-aaral Ang pamanahong-papel na ito ay nagbibigay impormasyon hinggil sa epekto ng kakulangan ng tulog sa mga mag-aaral at naglalayong matugunan ang mga sumusunod: a. Malalaman ang epekto ng kakulangan ng tulog sa mga mag-aaral. b. Matitiyak ang karaniwang haba ng tulog ng mag-aaral. c. Magkaroon ng impormasyon hinggil sa kakulangan ng tulog ng mga mag-aaral. d. Makakagawa ng mga istratehiya upang matulungan ang mga magaaral makahabol sa kanilang leksyon. e. Pag-aralan ang interaksyon ng mga mag-aaral kulang sa tulog sa kanilang kapwa mag-aaral. f. Malilinang ang kanilang kaisipan sa kung ano ang epekto nito sa kanilang kalusugan.

3. Kahalagahan ng Pag-aaral Ang mga mananaliksik ay buong-pusong naniniwala na ang pag-aaral na ito ay isinasagawa upang alamin kung aling mga bagay ang nakakadulot sa kakulangan sa tulog ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, maaaring makahanap ng mga mabisang paraan ang mga estudyante kung paano maiiwasang matulog ng di-sapat sa oras.

Sa pamamagitan ng pananaliksik maaari nating malaman ang magiging sanhi ng kakulangan sa tulog o sobra sa ating katawan. Ang isang talamak na pagtulog- pinaghigpitan ng estado ay maaaring maging sanhi ng

3 pagkapagod, araw ng antok, kaasiwaan at pagbaba o pagtaas ng timbang. Pag-aralan, ito ang mahalaga upang makakaiwas tayo sa posibleng sakit na maidulot ng kakulangan sa tulog at upang malaman natin ang tamang oras ng pagtulog.

4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Ang pananaliksik na ito ay nauukol sa kakulangan ng tulog at ang epekto nito sa perpormans, pakikisalamuha sa ibang tao at atensyon ng estudyante hinggil sa kanyang edukasyon at iba pang pangkaraniwang gawain araw araw.

Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga estudyante sa Unibersidad ng Mindanaw, taong 2011-2012. Kasama na sa mga ito ang mga estudyanteng posibleng gumagit ng mga medisina, mayroong sleep disorder, naka-enrol sa isang kursong mas mahirap o nakatira sa lugar na mahirap makamit ang tulog.

5. Depinisyon ng mga Terminolohiya Upang mas maging madali ang pagbasa at pagkaintindi sa mga salita sa aming pananaliksik, nararapat lamang na bigyan ng depinisyon ang sumusunod na terminolohiya batay sa paggamit nito sa pamanahong papel.

Ang bot ay isang panauhin na kontrolado ng kompyuter sa mga video games. Ang biological clock ay ang natural na paraan ng katawan na kumokontrol sa ating mga pisyolohikal na gawain. Ang high-level thinking ay pag-isip na kinakailangan na gamitin ang buong utak, at hindi lamang porsyon nito. Ang punsyon ay kung ano ang ginagawa ang isang parte ng isang bagay. Ang sleep disorder ay maaring epekto ng masamang kalusugan kung saan ang mga meron nito ay nahihirapang matulog o magising. Ang sleep deprivation ay ang kakulangan sa tulog na maaring sanhi ng ginagawa tulad ng takdang-aralin o puyat o kaya naman dahil sa isang sleep disorder. Ang video games ay mga larong nasa kompyuter o consoles.

5 KABANATA II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ayon sa University of Chicago (2008), ang tulog ay nakakatulong sa daw sa madaling pagkatuto ng ibat ibang komplikadong gawain. Kumuha ang mga mananaliksik ng dalawang daang (200) estudyante na walang karanasan sa paglaro ng video games, karamihan sa kanila ay mga babae, upang maglaro kung saan ang layunin ay talunin ang mga bots. Ayon kay Howard Nusbaum, sa pamamagitan ng pagtulog, naipatibay nito ang mga kakayahan na natutunan sa loob ng isang araw. Ipinapakita nito na maaari ngang mayroong koneksyon ang pagtulog at pagtuto sa gawain at maging sa pagaaral ng lengwahe.

Ayon naman kay Daniel J. DeNoon, ng WebMD Health News (2000), ang utak ng taong kulang sa tulog ay mas nagtratrabaho ng mabigat, ngunit mas kakaunti naman ang nagagawa nito. Sa pamamagitan ng pagsagot sa isang simpleng word test, nakita ng mga mananaliksik na sa utak ng akitbong tao na nakatulog nang mahimbing, ang minimal lamang ang kaniyang ginagamit sa utak, ngunit sa isang sleep deprived na tao, buong utak niya ang ginagamit. Ika nga ni J. Christian Gillin, MD, masama ang sleep deprivation sa utak ng tao, lalo na kung sinusubukan mo na gumawa ng isang gawain na kinakailangan ng high-level thinking. Posible raw itong magkaroon ng masamang epekto sa perpormans mo at ang punsyon nito.

6 Naipakita rin ng mga mananaliksik sa Sleep for Science na ang kakulangan sa tulog ay nakakaapekto ng perpormans ng mga mag-aaral sa kanilang gawaing pampaaralan. Sa pasuri sa pitomput siyam (79) na magaaral, kung saan ang ilan ay pinatulog ng siyam (9) na oras at ang iba naman ay pinatulog lamang ng 6.7 na oras. Sinabi ng mga guro na ang mga nasa limitadong tulog ay mas madalas matulog sa klase at may problema sa atensyon at konsentrasyon. Mas nagkakaroon din ng problema sa gawain ang mga mag-aaral kulang sa tulog kung ikumpara sa mga nakatulog ng mahimbing.

Sa Pilipinas naman, alam na rin ng mga mananaliksik ang mga posibleng masamang dulot ng kakulangan ng tulog. Ayon pa kay Edilberto Gonzaga, isang propesor sa Department of Psychology ng College of Science sa Unibersidad ng Santo Tomas, bukod sa panghihina ng katawan, may dalawang epekto ang kakulangan sa tulog. Nakakaapekto rin ito ng pisyolohikal at sikolohikal na aspekto ng mga tao.

Ayon kay Gonzaga, sa paraang sikolohikal, nakakaapekto ito sa pakikisalamuha natin sa iba. Mas madali tayong mapikon at mainis sa paligid. Sa paraang pisyolohikal naman, naapektuhan nito an gating pangangatawan, dahil sa pagpinsala nito sa ating biological clock.

Sa kabuuan, ang mga artikulong nabanggit ay mga halimbawa ng posibleng epekto ng kakulangan ng tulog sa mga mag-aaral at maging sa mga nakapagtapos na.

7 KABANATA III Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

1. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay aming isinagawa ayonn sa disenyo ng pamamaraang deskriptib na pananaliksik. Tinangka naming ilarawan at sinuri ang pag-aaral na ito patungkol sa kaalaman at pananaw ng mga mag-aaral ng ibat-ibang kurso hinggil sa Epekto ng kakulangan ng pagtulog ng mga estudyante.

2. Mga Respondente

Ang mga respondent sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral ng ibatibang departamento ng kasalukuyang semestre ng Unibersidad ng Mindanaw (UM).

3. Instrumennto ng Pananaliksik

Ang ag-aaral na itoy isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Naghanda kami ng sarbey-kwestyuner upang malaman ang dahilan ng mga mag-aaral ng ibat-ibang kurso hinggil sa kakulangan ng pagtulog ng mga estudyante.

8 Upang lalong madagdagan ang aming kaalaman, kami ay nagtakda ng oras at panahhon upang maisagawa ang nasabbing paksa ng pamanahongpapel.

Para sa lalong pagpapabuti ng aming pag-aaral ay minabuti naming saliksikin ang bawat mag-aaral sa ibat-ibang departamento ng Unibersidad ng Mindanaw.

4. Tritment ng mga datos

Dahil ang pamanahong-papel na ito ay panimulang pag-aaral lamang at hindi isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri, ay walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pamamagitan ng mataas na kompleks at istatistika at tanging pag-tatally at pagkuha ng porsyento lamang an gaming kinakailangan gawin.

9 KABANATA IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS Natuklasan ng pag-aaral na ito ang sumusunod na datos at impormasyon: Isa sa basehan ng distribusyon ng mga respondante ay ang kanilang kasarian. Makikita sa grap 1 na limamput siyam na porsyento (59%) ng respondente ay mga babae, at apatnaput isa na porsyento (41%) naman ang lalake. Grap 1 Distribusyon ng mga Respondante Ayon sa Kasarian
Lalaking Respondente 41%

Babaeng Respondente 59%

Limamput isa (51) sa isandaang respondante ay may edad na 16-17. Dalawamput tatlo (23) naman ang mga nasa edad na 18 - 19, labing pito (17) ang nasa edad na 20 - 21 at siyam (9) lamang ang may edad 22 pataas Grap 2 Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Edad
60 50 40 30 20 10 0 16-17 18-19 20-21 22 pataas

10 Ipinapakita ng grap 3 ang oras ng unang klase ng mga respondente. Mayroong limamput walong porsyento (58%) ng isandaang (100)

respondente na nakaenrol sa pang-umaga na klase. Tatlumput anim na porsyento (36%) naman ang nakaenrol sa panhapon na klase, at limang porsyento (5%) lamang ang mayroong pangabi na klase. Grap 3 Oras ng Unang Klase ng mga Respondente
Panggabi na Klase 5%

Panhapon na Klase 36%

Pang-umaga na Klase 59%

11 Sa grap 4 naman, naipapakita na labing isa (11) ang nagsabi na ang haba ng tulog nila ay 2-4 oras lamang. Tatlumput lima (35) naman ang nagsabi na 5-6 oras lamang. Tatlumput anim (36) ang nagsabi na 7-8 oras ang kanilang tulog. Labing walo (18) naman ang nagsasabing 8-10 oras ang kanilang tulog.

Grap 4 Haba ng Tulog ng mga Respondente


40 35 30 25 20 15 10 5 0 2 - 4 Oras 5 - 6 Oras 7 - 8 Oras 8 - 10 Oras

12 Walomput limang porsyento (85%) naman ng mga estudyante ang nagsabing nakaramdam na sila ng senyales ng pagkapuyat, at labinglimang porsyento (15%) naman ang nagsabing hinde. Grap 5a Nakaramdam ng Senyales ng Pagkapuyat

Hinde 15%

Oo 85%

Sa walomput limang porsyento (85%) na nagsabi na nakakaramdam sila ng pagkapuyat, labing pito (17) ang nagsabing dahil ito sa paglalaro ng kompyuter at ibang rason, labing walo (18) naman ay dahil sa trabaho, tatlomput tatlo (33) ay nagasabing dahil ito sa takdang aralin. Grap 5b Sanhi ng Pagkapuyat ng mga Respondente
35 30 25 20 15 10 5 0 Paglalaro ng Kompyuter Pagtratrabaho Paggawa ng Takdang Aralin Ibang rason

13 Nang itinanong naming kung sa pakiramdam nila ay maganda ang tulog nila, apatnaput limang porsyento (45%) ang nagsabing maganda ang tulog nila at limamput limang porsyento (55%) naman ang nagsabing hindi maganda ang tulog nila. Grap 6 Kalidad ng Tulog ng mga Respondente

Di-gaanong Maganda ang Tulog 55%

Maganda ang Tulog 45%

14 Sa pakiramdam naman nila kapag sila ay nakulangan ng tulog, apatnaput walo (48) ang nagsabing pagod sila, sampu (10) ang nagsabing naiirita, tatlumpu (30) ang nagsabing nanghihina at labing dalawa (12) ay may ibang sagot. Grap 7 Pakiramdam ng mga Respondente Kapag Nakulangan ng Tulog
60 50 40 30 20 10 0 Pagod Naiirita Nanghihina Ibang pakiramdam

Animmapung porsyento (60%) naman ang nagsabing hindi sila nakakaintindi mabuti sa mga araling itinuturo. Apatnapung porsyento (40%) naman ang nagsasabing nakakaintindi parin naman sila kahit kulang sa tulog. Grap 8 Pagintindi sa mga Aralin

Nakakaintindi 40%

Hindi nakakaintindi 60%

15 Itinanong din naming kung nakakaapekto ba ito sa kanilang pakikisalamuha sa iba. Apanaput siyam (49) na porsyento ang nagsabing oo at limaput isang (51) porsyento naman ang nagsasabing hinde. Grap 9a Nakakaapekto ang Kakulangan ng Tulog sa Pakikisalamuha

Hindi 51%

Oo 49%

Sa mga sumagot naman ng oo, anim (6) ang nagsabi na dahil ito sa di pagsasalita ng mabuti, siyam (9) naman ay nagsabing madali silang magalit, dalawamput walo (28) ang nagsabing hindi sila nakakakinig mabuti sa kasama at anim (6) ang may ibang sagot. Grap 9b Dahilan ng Di Mabuting Pakikisalamuha sa Iba
30 25 20 15 10 5 0 Di makapagsalita Madaling magalit Di nakakarinig ng nang mabuti mabuti Ibang sagot

16 Sa epekto naman ng kakulangan ng tulog sa kalusugan, tatlumput anim (36) ang sumagot na maaring itong sanhi ng pagpayat. Dalawamput apat (24) naman ang nagsabing kawalan ng gana kuamin, dalawamputs anim (26) ang nagsabing pagiging masakitin at labing apat (14) naman ang may ibang sagot. Grap 10 Epekto ng Kakulangan ng Tulog sa Kalusugan
40 35 30 25 20 15 10 5 0 Pagpayat Kawalan ng gana kumain Pagkamasakitin Ibang sagot

Ayon naman sa paraan sa pag-iwas sa puyat, pinakamarami ang sumagot ng matulog na maaga, na animnaput anim (66) na katao. Sunod dito ang sagot na time management, na mayroon naming tatlumput isa (31) na katao. Mas kakaunti naman ang sumagot ng ehersisyo at humanap ng ibang lugar, na mayroong dalawa (2) at isa (1) lamang na sumagot. Grap 11 Mga Paraan Upang Makaiwas sa Puyat
70 60 50 40 30 20 10 0 Maagang Matulog Time Management Ehersisyo Lumipat ng Tinitirahan

17 KABANATA 5 LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON 1. Lagom Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa layuning madetermina ang mga epekto ng kakulangan ng tulog ng mga estudyante sa Unibersidad ng Mindanaw. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptiv na pamamaraan sa pangangalap ng mga dato at impormasyon. Nagdisenyo ang mga mananaliksik ng isang sarbey-kwestyoner na ginamit na instrument sa pangangalap ng datos na pinasagutan sa isandaang (100) respondente. 2. Kongklusyon Batay sa mga nakalap na datos at impormasyon, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon: a. Karamihan sa mga mag-aaral ay nakakaramdam ng pagod at hindi madaling nakakaintindi sa bawat araling tinuturo ng guro. b. Ang mga karaniwang haba ng tulog ng mga estudyante ay 7-8 na oras, ngunit, may karamihan din na natutulog lamang ng 5-6 na oras. c. Karamihan sa mga mag-aaral ay nakukulangan ng tulog dahil sa paggawa ng takdang aralin. d. Nararapat na malaman ng mga mag-aaral ang tamang time management upang maiwasan ang puyat sa takdang aralin. e. Karamihan ng respondente ay nagsabing nahihirapan silang making sa kanilang mga kausap kapag kulang sa tulog. f. Karamihan ng respondente ay naniniwala na ang kakulangan ng tulog ay nakapapayat.

18 3. Rekomendasyon Kaugnay ng mga konklusyong nabanggit, buong-pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod: a. Para sa mga mag-aaral, iwasang gabihin sa anumang gawain; makakatulong ditto ang paggawa ng iilang takdang aralin sa eskwelahan, sa araw na ito ay ibinigay. Iwasan din ang matagal na paglalaro ng kompyuter at mga lakad kasama ng barkada. Kung ang kapaligiran din ay hindi angkop para sa magandang tulog, maaring makiusap sa mga magulang na lumipat sa ibang lugar na mas angkop para sa isang mag-aaral sa kolehiyo. b. Para sa mga propesor na nagtuturo ng mga mag-aaral sa umaga at maging sa gabi, unawain na iilan sa mga mag-aaral ay hindi nakatulog mabuti dahil sa bigat at dami ng kanilang mga proyekto at takdang aralin. Makakatulong din ang pagbigay ng ilang gawain sa simula palang ng pasukan, katulad ng malalaking proyekto.

19 LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN University of Chicago. 2008. Sleep Helps People Learn Complicated Tasks. ScienceDaily. Nakuha noong January 9, 2012, mula sa

http://www.sciencedaily.com- /releases/2008/11/081117110838.htm

DeNoon, Daniel.2000. Lack of Sleep Takes Toll on Brain Power. WebMD. Nakuha noong January 9, 2012, mula sa

http://www.webmd.com/sleep-disorders/news/20000209/lack-of-sleeptakes-toll-on-brain-power

Fallone, G., Acebo, C., Seifer, R. and Carskadon., M.A. 2005. Experimental restriction of sleep opportunity in children: Effects on teacher ratings. Sleep. Nakuha noong Enero 9, 2012 mula sa

http://faculty.washington.edu/chudler/sleept.html

Royandoyan, Antonio. 2010. Ano ang mga panganib sa kalusugan ng kakulangan sa pagtulog?. Nakuha noong Enero 9, 2012 mula sa http://www.varsitarian.net/sci_tech/20100831/ano_ang_mga_panganib _sa_kalusugan_ng_kakulangan_sa_pagtulog

20 APENDIKS A LIHAM SA PAGHINGI NG PAHINTULOT SA PAGSASARBEY

Enero 9, 2012

Madam/Ginoo, Mabunying pagbati! Kami po ay isang pangkat ng mga mag-aaral na nanggaling sa kursong Chemical Engineering at Information Technology na kasalukuyang kumukuha ng asignaturang Filipino 2A, sa ilalim ng pamamahala ni Prop. Alma B. Cuevas. Isa po sa mga pangagailangan ng nasabing asignatura ay ang pagsulat ng isang papel-pampananaliksik. Sa kasalukuyan po, kami ay nagsusula ng isang pamanahong-papel tungkol sa Epekto ng Kakulangan sa Tulog ng mga Estudyante. Kaugnay po nito, nais po naming hingin ang pahintulot ng inyong tanggapan upang kamiy makapamahagi ng sarbey-kwestyoneyr sa isandaang (100) mag-aaral ng Unibersidad ng Mindanao Ang mga datos na aming makakalap sa sarbey ay makakatulong po nang lubos sa aming pag-aaral. Inaasahan po namin ang inyong positibong pagtugon sa aming kahilingan.

Lubos na gumagalang,

Ma. Kristina Noble Lider ng Pangkat

21 APENDIKS B SARBEY-KWESTYONER Mga ginagalang naming mga Respondante: Magandang araw po! Kami ang mga mananaliksik mula sa Filipino 2A ni Gng. Alma Cuevas na inatasang manaliksik hinggil sa mga Epekto ng kakulangan ng Tulog. Panuto: Bilugan ang titik ng napiling sagot sa mga katanungang mag pagpipilian at ilagay ang angkop na kasagutan sa mga katanungang may patlang. 1. Pangalan (Opsyonal): 2. Kasarian a. Lalake 3. Edad a. 16-17 c. 20-21

b. Babae

b. 18-19 d. 22-pataas

4. Oras ng unang klase a. AM b. PM 5. Ilang oras ang iyong tulog kagabi? a. 2-4 c. 7-8 b. 5-6 d. 8-10

c. Gabi

6. Nakaramdam ka na ba ng ilang senyales ng pagkapuyat? a. Oo b. Hindi Kung oo, ano ang dahilan ng iyong pagkapuyat? a. paglalaro ng kompyuter b. trabaho c. takdang aralin d. ibang rason: ____________________________________ 7. Masasabi mo bang naging maganda ang iyong tulog? a. Oo b. Hindi 8. Ano ang iyong nararamdaman kapag kulang sa tulog? a. pagod b. naiirita c. nanghihina d. ibang sagot: ____________________________________

22 9. Madali ka bang nakakaintindi sa bawat araling itinuturo ng inyong guro? a. Oo b. Hindi 10. Nakakaapekto ba ito sa iyang pakikisalamuha sa iba? a. Oo b. Hindi Kung oo, sa anong paraan? a. di makapagsalita ng mabuti b. madaling magalit c. hindi nakakakinig nang mabuti sa kasama d. ibang sagot: ____________________________________ 11. Sa iyong palagay, ano ang possible nitong epekto nito sa iyong kalusugan? a. pagpayat b. kawalan ng gana kumain c. pagiging masakitin d. ibang sagot: ____________________________________ 12. Anu-anong mga hakbang ang pwede mong gawin upang maiwasan ang pagkapuyat? __________________________________________________

23 APENDIKS C LIHAM PAANYAYA SA MGA PANELIST Enero 9, 2012

Prof. Saidamia Bagolong, Ph.D. Propesor, Unibersidad ng Mindanao

Mahal naming Propesor,

Mabunying pagbati! Kaugnay sa pasalitang presentasyon ng pamanahong-papel naming na may pamagat na Epekto ng Kakulangan ng Tulog sa mga Mag-aaral, nais po sana naming kayong anyayahan upang maging panelist na pinaniniwalaan naming makapagbibigay ng mga propesyunal at kapakipakinabang na input tungo sa lalong ikatagumpay n gaming pananaliksik. Gaganapin po ang aming presentasyon sa January 17, Martes, sa ganap n 10:00 ng umaga, sa Rm. H1N. Dalangin po naming ang inyong pagpapaunlak sa aming paanyaya. Kalakip po nito ang kopya ng aming pamanahong-papel at pormularyo sa pageebalweyt ng pasalitang presentasyon para po sa maagang ninyong paghahanda kung tatanggapin ninyo ang aming paanyaya. Marami pong salamat at patuloy nawa kayong pagpalain ng Poong Maykapal!

Lubos na gumagalang,

Ma. Kristina Noble Lider ng Pangkat

Binigyang-pansin:

Alma B. Cuevas M.M.Ed Propesora

24

Enero 9, 2012 Propesor, Unibersidad ng Mindanao

Mahal naming Propesor,

Mabunying pagbati! Kaugnay sa pasalitang presentasyon ng pamanahong-papel naming na may pamagat na Epekto ng Kakulangan ng Tulog sa mga Mag-aaral, nais po sana naming kayong anyayahan upang maging panelist na pinaniniwalaan naming makapagbibigay ng mga propesyunal at kapakipakinabang na input tungo sa lalong ikatagumpay n gaming pananaliksik. Gaganapin po ang aming presentasyon sa January 17, Martes, sa ganap n 10:00 ng umaga, sa Rm. H1N. Dalangin po naming ang inyong pagpapaunlak sa aming paanyaya. Kalakip po nito ang kopya ng aming pamanahong-papel at pormularyo sa pageebalweyt ng pasalitang presentasyon para po sa maagang ninyong paghahanda kung tatanggapin ninyo ang aming paanyaya. Marami pong salamat at patuloy nawa kayong pagpalain ng Poong Maykapal!

Lubos na gumagalang,

Kristina Noble Lider ng Pangkat Binigyang-pansin:

Alma B. Cuevas M.M.Ed Propesora

25 APENDIKS D PORMULARYO SA PAG-EEBALWEYT NG PAMANAHONG-PAPEL Pamagat: Epekto ng Kakulangan ng Tulog sa mga Mag-aaral ng Unibersidad ng Mindanaw Mananaliksik: Ma. Kristina Noble, Jonamae Ansuyon, Muhammad Arquiza, Grace Inez, Raffa Sumindol, Freddie Belmonte, Renevel Dioso, Welmar Pancho, Paul Cubresis, Levi Colis Taon at Pangkat: Ika-unang Taon, IkalawangPangkat Semestre: Ikalawang Semestre Taong Akademiko: 2011-2012

Sistema ng Pagmamarka: Apat (4) na puntos ang pinakamataas na maaaring ibigay sa bawat aytem. Maaaring magbigay ng puntos na may desimal (halimbawa: 1.7,2.3,3.5) ayon sa paghuhusga ng ebalweytor. Pagsama-samahin ang mga nakuhang sub-total ng puntos upang makuha ang kabuuang marka.

A.

Paksa at Suliranin ______ ______ ______

1. Signipikant at napapanahon ba ang paksa ng pananaliksik? 2. Sapat ba ang pagtalakay sa introduksyon? 3. Malinaw at sapat ba ang saklaw at limitasyon ng paksa upang makalikha ng mga valid na paglalahat? 4. Maayos at malinaw ba ang pamagat at angkop ba iyon sa paksa ng pag-aaral? 5. Malinaw, ispesipik at sapat ba ang mga tiyak na layunin ng pag-aaral? 6. Sapat at matalino ba ang pagpili sa mga terminong binigyang ng depinisyon at malinaw ba ang pagpapakahulugan sa bawat isang termino?

______

______

______

Sub-total:

______

26

B.

Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

1. Sapat at angkop ba ang mga pag-aaral at literaturang tinatalakay? 2. Malinaw at maayos ba ang pagtalakay sa mga pag-aaral at literaturang iyon? 3. Wasto at maayos ba ang dokumentasyon ng mga pag-aaral at iba pang hanguang ginagamit?

_______

_______

_______

Sub-total: C. Disenyo ng Pag-aaral

_______

1. Angkop ba sa paksa ang pamamaraan/ metodong ginamit sa pananaliksik? 2. Malinaw ba ang disenyo ng pananaliksik at naaayon ba iyon sa sayantipik na metodo ng pananaliksik? 3. Sapat at angkop ba ang mga respondeng napili sa paksa ng pananaliksik? 4. Malinaw at wasto ba ang disenyo ng instrumentong ginamit sa pangangalap ng mga datos?

_______ _______

_______

_______

Sub-total: D. Presentasyon ng mga Datos

_______

1. Sapat, valid at relayabol ba ang mga datos na nakalap? 2. Maingat bang nasuri at nalapatan ba ng wastong istatistikal tritment ang mga datos? 3. Wasto at sapat ba ang nagiging interpretasyon ng mga datos? 4. Malinaw, maayos at konsistent ba ang tekstwal at tabular/ grapikal na presentasyon ng mga datos?

_______

_______

_______ _______

Sub-total:

_______

27

E.

Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon _______

1. Mabisa at sapat ba ang pagkakalagom sa mga datos? 2. Lohikal at valid ba ang mga kongklusyon? Nakabatay ba iyon sa mga datos na nakalap? 3. Nasagot ba sa kongklusyon ang mga ispesipikong katanungan sa layunin ng pag-aaral? 4. Lohikal, pisibol, praktikal, at ateynabol ba ang mga inilahad na rekomendasyon? Natutugunan ba ng mga iyon ang mga suliraning natukoy sa pag-aaral? 5. Malinaw, tuwiran at maayos ba ang paglalahad ng mga lagom, kongklusyon at rekomendasyon? Sub-total: F. Mekaniks at Pormat

_______

_______

_______

_______ _______

1. Wasto ba ang pormat ng bawat bahagi ng pamanahong-papel? Nasunod ba ang mga tuntunin at tagubiling tinalakay sa klase? 2. Nasunod ba ang mga tuntuning panggramatika sa teksto ng pamanahong-papel? 3. Sapat at maayos ba ang pagkaka-proofread at pagkakaedit sa teksto ng pamanahong-papel?

_______

_______

_______

Sub-total:

_______

Kabuuan/ Katumbas na Marka (100)

_______

Ebalweytor: ________________________

Petsa: _____________________________

28 APENDIKS E PORMULARYO SA PAG-EEVALWEYT NG PASALITANG PRESENTASYON Pamagat: Epekto ng Kakulangan ng Tulog sa mga Mag-aaral ng Unibersidad ng Mindanaw

Mananaliksik: Ma. Kristina Noble, Jonamae Ansuyon, Muhammad Arquiza, Grace Inez, Raffa Sumindol, Freddie Belmonte, Renevel Dioso, Welmar Pancho, Paul Cubresis, Levi Colis Sistema ng Pagmamarka: Limang (5) puntos ang pinakamataas na maaring ibigay sa bawat aytem. Maaaring magbigay ng puntos na may desimal (halimbawa:1.7,2.3,3.5,4.8)ayon sa paghuhusga ng panelist. Pagsamasamahin ang mga nakuhang sub-total ng puntos upang makuha ang kabuuang marka.

A. Masteri 1. Naipamalas ba ng bawat myembro ng pangkat ang masteri at kahandaan sa pagtalakay ng paksang naitakda sa bawat isa? _______ 2. Sapat, malinaw at mapanghikayat ba ang pagtalakay sa bawat paksa? 3. Sapat at malinaw ba ang mga inilahad na paliwanag at halimbawa ng bawat myembro? 4. Wasto, sapat, at mapanghikayat ba ang pagsagot ng bawat isa sa mga katanungan ng mga panelist? 5. Objektiv at valid ba ang mga pahayag ng bawat isa? Naiwasan ba nila ang mga pahayag na may pagkiling, prejudis,lihis sa paksa, at walang katibayan? Sub-total:

_______

_______ _______

_______ _______

29

B. Pamamaraan 1. Lohikal ba ang presentasyon ng buong pangkat? 2. Gumagamit ba sila ng mga kailangang kagamitang awdyo-viswal? 3. Angkop at efektiv ba ang mga kagamitang ginagamit ng pangkat? 4. Efectib at kompitent ba ang pangkat sa manipulasyon ng mga kagamitan sa presentasyon? 5. Angkop at efectiv ba ang pamaraan o istratehiyang ginagamit ng pangkat sa presentasyon? Sub-total: _______

_______

_______

_______

_______ _______

C. Artikulasyon 1. Sapat ba ang lakas ng tinig ng bawat myembro ng pangkat sa pasasalita? 2. Malinaw at wasto ba ang kanilang bigkas sa mga salita? 3. Angkop at efectiv ba ang kanilang mga galaw, kumpas,at iba pang non-verbal cues? 4. Wala bang silang mga nakakadistrak na mannerism sa pagsasalita? 5. Wasto at angkop ba sa diwa ng mga pahayagan ang kanilang bilis sa pagsasalita, tono, diin, at hinto/pausing?

_______ _______

_______

_______

_______

Sub-total: D. Disiplina 1. Nagsimula at natapos ba sa takdang oras ang presentasyon ng pangkat? 2. Naging malinaw, matapat, at magalang ba sila sa pagsagot ng mga tanong ng panelist? 3. Naipamalas ba nila ang pagkakaisa at kooperasyon sa presentasyon? Hindi ba monopolizado ng isa o

_______

_______

_______

30 ilan ang mga gawain? 4. Naipamalas ba ng bawat isa ang tiwala sa sarili? 5. Angkop ba ang anyo, ayos, at kasuotan ng bawat isa? _______ _______ _______

Sub-total: Kabuuan/Katumbasan na Marka:

_______ _______

Mga Puna at Mungkahi: ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________

You might also like