You are on page 1of 1

AJM MCHS Elizabeth Anne Margulies III-5 24 1/07/13

Ako'y isang sirena Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda Ang kantang Sirena ni Gloc9 ay pinapakinggan, maganda ang tunog at masaya mapakinggan. Ngunit, hindi lang ito maganda at masaya pakinggan. Para sa akin, mas mahalaga at maganda ang mensahe ng kanta. Pinakanagustuhan ko ang linyang Akoy isang sirena, kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda dahil ito ay nagpapakita ng kumpiyansa at tiwala sa sarili. Ipinakikita rin ng kanta ang mensahe ni Jose Rizal na huwag na huwag magpa-api at mabuhay nang inuutusan lang. Sa Noli Me Tangere, ipinakita ang ibang mga namumuno sa bayan ng San Diego na inaabuso ang kanilang kapangyarihan. Sinasabi ni Jose Rizal na maging katulad nina Elias at lumaban para sa sarili at para sa bansa. Ipinakita dito sa linya na "Ako'y isang serena, kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda" na kahit anong lait ang sabihin sayo, dapat panindigan mo ang ang iyong paniniwala na ikaw ay maganda sa pang loob at pang labas.

You might also like