You are on page 1of 2

Bulag Ka, Juan ni: Ariana Trinidad Bumaon sa tao, Kuko ng pangako, At ngiti ng pulitiko, Na plantsado pati kwelyo.

Sa eleksyon lang nakita, Ang kumag na kongresista, Pagkat nakatago sa lungga, Ng kaniyang malamig na kuta. Tahimik sa buong taon Maingay sa eleksyon Parang naghahamon Wala kasing laman ang garapon. Ang bulsa ng pagkatao Ng hayop sa Kongreso, Ay nakadeposito Sa bituka ng bangko. Inumit na salapi Walang makapagsabi Kahit na piping saksi Kalat-kalat kasi. Bundat ang bulsikot Sa pangungurakot, Ang kaban: sinimot. Sinaid pati ipot. Tuso si Hudas Planado ang lahat Walang mga pekas Kahit isang bakas. Ang hahatol ay bulag Bingi ang katulad Kaya nakaligtas Ang lider na huwad. Kailan ititigil ni Juan Ang pakikipagbolahan Sa bingo ng gahaman At roleta ng kasakiman? Ang Aking Pangarap ni: Kiko Manalo Pangarap kong magbakasyon Kapiling ang hanging Habagat At kamiy maglilimayon Sa mga ilog at dagat. Ipagmamalaki ko sa kanya Na hindi galing sa atin ang basura, Na naglutang sa dalampasigan. Ng Kamaynilaan. Sa lungsod ko siya igagala Doon sa nilalakaran ng rodilyo At sa gilid ay nagtayo Ang mga pabrika ng bata. Ipagmamalaki ko sa kanya, Na ang mga nakatira Ay hindi nagtatapon ng basura Sa mga kanal at kalsada. Ililigid ko siya nang masigla

Sa mga bundok at gubat, Na ginawang pugad Ng mga tumakas sa siyudad. Ipagmamalaki ko sa kanya Na ang mga punong matatayog, Na pinutol at nililok Ay naging santong bantayog! Upang siyay malibang Makapag-unwind, ma-relax, At hindi na makapaminsala Sa bayan kong Pilipinas! Ito ang aking pangarap.

You might also like