You are on page 1of 3

Isang Papel ng Reaksyon Ukol sa Amaya: Ang Sinaunang Pamayanan at ang Modernong Sibilisasyon Eve Christine D.

Yap W1 4R Sa pagpanood ng unang dalawang kabanata ng epiko na may pamagat na Amaya , may ilang mga bagay na para sa akin ay kumakatawan sa sinaunang pamayanan sa Pilipinas. Ang una dito ay ang mga namumuno sa kanila. Ang datu o raha ang namamahala pagdating sa pakikidigma, pangangayaw, kaayusan ng banwa o puod at sa kaligtasan ng kanyang nasasakupan. Ang panday naman ang taga-pamahala ng mga sandata pandigma tulad ng espada at pana, at mga kagamitan para sa mga ritwal ng mga babaylan. Ang panghuli ay ang babaylan na siyang namamahala sa mga usaping pangrelihiyon. Siya ang namamahala sa mga ritwal, kasanayan at sa marami pangbagay para sa ikakaunlad ng kanyang banwa o puod. Noong sinaunang panahon, ang ating mga ninuno ay sumasamba sa mga diwata, umalagad o mga kaluluwa ng kanilang mga ninunong pumanaw na ngunit muling nagbalik na may katawang ahas, at mga imahe o iskulptura na yari sa putik o kahoy. Sila rin ay gumagamit ng mga pamahiin o paniniwala upang kanilang maipaliwanag ang pangyayaring nagaganap tulad na lamang ng lunar eclipse na sa kanilang paniniwala ay ang pagbabalak ng isang masamang diwata na nagngangalang Bakunawa na kainin ang natitirang buwan at kanilang itataboy ito sa pamamagitan ng paggawa ng ingay. Sila rin ay mayroong mga ritwal sa bawat gawain nila sa puod o banwa tulad ng sa pagani kung saan tanging kababaihan lamang ang maaaring umani sapagkat kapag lalaki ang aani ay agad malalanta ang mga ito. Ang punong-abala sa aspetong ito ng pamayanan ay ang kanilang punong-babaylan. Mayroon din sila noon na paraaan ng pananakop na kanilang tinatawag na pangangayaw. Ang isa sa mga paraan ng pangangayaw ay ang pakikipagsandugo at ang sumunod naman ay ang pakikipaglaban kung saan ang matiramatibay ang sistemang gamit. Isa rin sa mga bagay na tanging sa sinaunang Pilipinas ko lamang makikita ay ang uri ng kanilang pananamit kung saan ginagamit nilang pamantayan ang antas ng

1|Page

Isang Papel ng Reaksyon Ukol sa Amaya: Ang Sinaunang Pamayanan at ang Modernong Sibilisasyon Eve Christine D. Yap W1 4R isang tao sa lipunan para sa uri ng kasuotan ang nararapat para sa kanya. Ang mga antas na tinutukoy ay ang pagiging uripon, timawa at madirigma. Ang karaniwang nagtatamo ng maraming karapatan ay ang mga timawa at mga madirigma samantalang ang mga uripon ay ang may pinakamababang posisyon sa lipunan kung saan sila isa lamang sa mga pagmamay-ari ng datu or raha. Sila ay walang saplot na pangitaas samantalang ang mga timawa ay may kasuotan na karaniwang yari mula sa silk. Ang mga kalalakihan naman noong sinaunang panahon ay kadalasang nakabahag at may saplot pangitaas. Ang mga kalalakihan rin ay mayroong mga marka o tattoo sa kanyang katawan na sumisimbolo sa kaisugan at kapangyarihang tinataglay ng isang kalalakihan. Kadalasang ibinabatay ito sa dami ng kanyang napatay, nasakop na banwa at sa estado o pwesto niya sa kanilang banwa o puod. Noong sinaunang panahon din ay may karapatan ang mga kalalakihan lalo na ang datu o raha na magkaroon ng maraming kaulayaw o asawa na maaaring uripon at timawa. Noon din ay ang kanilang transportasyong pandagat ay isang uri ng malaking bangka na tinatawag na balangay. Ang mga timawa lalo na ang pamilya ng datu o raha ay may isang uri ng upuan na binubuhat ng mga lalaki upang magsilbing transportasyon panlupa. At bilang panghuli, mayroon na din silang paraan ng pagsulat noon at iyon ang alibata. Ang mga nabanggit sa itaas ay ilan lamang sa mga bagay o elemento na tanging sa sinaunang pamumuhay ng mga Pilipino makikita. Sa kabilang dako naman ay mayroon naman ding mga kasanayan, paniniwala at iba pang nagmula sa sinaunang Pilipinas na sa hanggang ngayon sa modernong panahon ay buhay parin. Ang isa na dito ay ang wika kung saan ginagamit parin siya na kadalasan ay sa mga probinsya sa Visayas. Simula noon hanggang ngayon ay may sistema na ang mga pamayanan na nanganggalaga sa mga nasasakupan nito na sa ngayon ay tinatawag na gobyerno. Sa gobyernong 2|Page

Isang Papel ng Reaksyon Ukol sa Amaya: Ang Sinaunang Pamayanan at ang Modernong Sibilisasyon Eve Christine D. Yap W1 4R ito ay mga taong namumuno tulad ng raha o datu noon at ng presidente ngayon at ang mga pinunong ito ay ang siya ring namumuno sa usaping pangmilitar ng kanyang nasasakupan. Mayroon din namang mga pamahiin na sa hanggang ngayon ay buhay na buhay parin lalo na sa mga probinsya. Simula pa noong panahon ng ating mga ninuno na nabuhay bago ang pagsakop ng mga taga-Europa ay andyan na ang panganganak sa kanilang tahanan kasama ang isang kumadrona o isang taong may kaalaman sa pagpapaanak. Gawain na rin noon ang pagliliibing ng kanilang mga mahal sa buhay sa lupa kung saan noon ay kanilang pinaliligiran ng mga bato ang puntod ng yumao nilang kasamahan o kapamilya. Mayroon na din noong kaalaman ang ating mga ninuno tungkol sa pagbubukid. Sila rin ay nakikipagkalakal hindi lamang sa ibang banwa o puod kundi pati sa ibang mga bansa tulad ng Tsina at Malay. Ang gamit nila sa pangangalakal noon bilang pera ay ang ginto. Bilang paghuli, sa kasalukuyang panahon ay mayroon paring mga timawa ngunit sila ay madalang na lamang makikita at sila ay nakatira kadalasan sa Visayas o sa Mindanao. Iyan ay ilan lamang sa mga kasanayan, gawi at paniniwa na simula noon at hanggang ngayon ay nananatili sa mga Pilipino.

3|Page

You might also like