You are on page 1of 34

1

Kasanayan sa
Pagbasa
2
Ang pagbabasa ay isang proseso ng
pagtanggap at pag-interpreta ng mga
impormasyong nakakoda sa anyo ng wika
sa pamamagitan ng limbag na midyum
(Urquhart at Weir)
Proseso sapagkat binubuo ng mga paraan
sa pagsasagawa ng aktibidad na
kinasasangkutan ng awtor na siyang
nagsulat o nag-enkowd ng mga simbolo
na walang iba kundi ang mga letra para
maghatid ng mensahe sa bumabasa


3
Sa pagtanggap ng masimbolong nakakodang
mensahe, kailangang aktibo lahat sa aspektong
mental sa kakayahan ng tagatanggap sa
pagbasa
Kailangang gumagana ang kanyang memorya
para maalala lahat ng kanyang mga kaalamang
pangwika, gayundin, ang kanyang mga
pinagdaanang karanasan para maiugnay sa
binabasa.
Kailangang gumamit ng mga istratehiya para
madali niyang makilala ang mga simbolo,
makuha ang mga kahulugan, at maintindihan
ang kaisipan o mensaheng ipinarating
4
Pagbasa at ang Halaga nito sa Tao
Susi sa pagtuklas sa mas malawak pang
karunungan
Sa pagbabasa nadidivelop ng tao ang kanyang
katauhan, natatamo niya ang kaligayahan at
nakakamtan niya ang kasiyahan at kayamanang
dulot ng karunungang nakakatas sa mga
tekstong kanyang binabasa
Nagdudulot ng mga gintong kaisipang nagiging
puhunan ng tao sa pakikipag-ugnayan sa
lipunan, sa kapwa at sa mundong kanyang
ginagalawan

5
Isang pasaporteng magagamit ang pagbabasa
tungo sa paglalakbay sa mga lugar sa daigdig
na nais marating ng tao sa pagkilala sa mga
bantog at dakila na hindi nakikita
Gabay ito sa pagtugaygay ng landas sa mga
karanasan at mithiing pinapangarap ng tao
Nagbibigay ng impormasyon at nagiging daan
sa kabatiran at karunungan
Isa itong aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran,
paglutas sa mga suliranin at nagbibigay ng ibat
ibang karanasan sa buhay

6
Dalawang Pangunahing Layunin
sa Mapanaliksik na Pagbasa
1. Makapangalap ng mahalagang impormasyon at
mapataas pa ang antas ng pag-unawa
Nagagawa ito sa pang-araw-araw na pagtunghay
sa mga dyaryo, magasin, folyeto at iba pa
Magagaan lamang ang mga itong intindihin
Hindi gaanong pinag-iisipan sapagkat
nakakapantay lamang ng ordinaryong pang-
unawa
Isang paraan ng pagpapalipas-oras kayay
paglilibang
Ito ay kasanayang pangmemorya lamang ng mga
kaalaman
7
2. Magpalawak at magpalalim ng pang-unawa
Karaniwang hindi kinasisiyahan dahil mabigat
intindihin ang mga materyal na kinakailangang
basahin
Mataas ang antas ng nilalaman nito sa
kakayahang umunawa ng bumabasa
Ito ay kasanayang pampagkatuto sapagkat
hinahamon nito ang bumabasa na mag-isip para
tuklasin ang mga nakapaloob ditong mga
konsepto o mensahe
Ginagamit dito ang malarong imahinasyon,
matalas na pagmamasid, matalinong panunuri, at
masigasig n apagmumuni
8
Kahalagahan ng Pagbasa
1. Pangkasiyahan
2. Pangkaalaman
3. Pangmoral
4. Pangkasaysayan
5. Pangkapakinabangan
6. Pampaglalakbay-diwa
9
Hakbang sa Pagbasa Bilang
Isang Proseso
Isang mental na aktibidad ang pagbasa
Hindi ito basta pangmata o pagtingin lamang sa
nakalarawang sulat-kamay o nakaimprentang
simbolo kundi isang pagtuklas sa mga
nakapaloob ditong kahulugan
1. Kilalanin ang mga nakasulat o nakaimprentang
simbolo para magkaroon sa isip ng imahe nito
Ang pagkilalang ito bilang isang hakbang ay
tinatawag persepsyon
10
2. Komprehensyon
Aksyon o proseso sa pagkuha at pag-intindi sa
ipinakakahulugan ng mga nakalimbag na simbolo
Naisasagawa ito sa literal o sa maasosasyong
Sa pamamaraang literal, nakukuha at
naiintindihan ang kahulugan sa diksyunaryo
Sa pamamaraang maasosasyon, nakukuha
naman sa personal na karanasan ng bumabasa
Denotasyon ang tawag sa kahulugang literal,
samantalang, konotasyon naman yaong mga
kaisipan o konsepto kayay mensaheng nakukuha
sa teksto sa pamamaraang maasosasyon
11
Hakbang sa Pagbasa ayon kay
Gray

Ikaapat na Hakbang
Integrasyon
(pagsasama ng bagong
ideya sa personal na
karanasan)
Unang Hakbang
Pagkilala sa salita
Ikatlong Hakbang
Realisasyon
(paghuhusga at emosyonal
na pagtugon)
Ikalawang Hakbang
Pag-unawa
(pagbuo ng konsepto ng
isang salita)
Ang
pagbasa ay
isang
proseso ng
pag-iisip,
pag-
eevalweyt,
paghuhusga
at paglutas
ng suliranin
12
1. Persepsyon
Kakayahang bigkasin ng mga pang-unawa ang mga
salita
2. Komprehensyon
Kakayahang maunawaan ang nilalaman ng teksto
sa pamamagitan ng pagbuo ng konsepto
3. Realisasyon
Nangangailangan ng paghuhusga at pagwawari
tungkol sa ano ang sinasabi ng awtor
4. Integrasyon
Kakayahang maiangkop sa buhay ng mambabasa
ang anumang konseptong nauunawaanupang
maging mahalagang bahagi ng kanyang karanasan
para sa kinabukasan

13
Ipinakita ni Gray na ang pagtuklas ng kahulugan ang
dapat na maging sentro ng pagbasa











Mahalaga sa pagbasa ang may kaalaman sa mga salita, balarila at
kagalingang pansemantika. Ang mga ito ay makatutulong sa
pagbigay ng mabilis ng fidbak o reaksyon sa akdang binasa,
makatutulong din ito sa paghinuha ng nilalaman ng iba pang
babasahin
Kahulugan
14
Mga Paraan sa Pagpapalawak ng
Interpretasyon
Para mapadali ang pag-intindi sa binabasa, may isang
tanging batas na dapat sundin kilalanin ang
pagkakagamit ng mga salita para agad mahinuha ang
ipinakakahulugan
1. Denotasyon
Ito ang kahulugan ng salita na nakukuha sa
diksyunaryo, ang literal na kahulugan, wika nga, kayay
tinatawag ding aktuwal na kahulugan
a. Bigkas kung paano ang salita isinasatunog o
isinasaboses pag sinabi
b. Bahagi ng panalita kung nominal ito(pangngalan o
panghalip), kung pandiwa, kung panuring(pang-uri o
pang-abay), pang-ugnay(pangatnig o pang-angkop)

15
c. Etimolohiya o pinagmulan ng salita nagpapahiwatig
na ito ng kultural na ring kahulugan
d. Kayarian ng salita kung paano nabuo
2. Konotasyon
Ito naman ang paghihiwatig o asosyativong
kahulugan na maaaring nagsaad ng kultural o
pangkaranasang kahulugan, gayundin, ng
pragmatikong kahulugan ayon sa pagkakagamit ng
salita sa pangungusap
Tinatawag ding kontekstwal na kahulugan kaya
pinakatitingnan ang salita ayon sa pagkakasama nito
sa ibang salita na kolokasyon naman ang tawag
Sa isang akda namang may kaisahang tinatawag,
nangangahulugan itong nagkaugnay-ugnay ang mga
ginagamit na salita sa pakikibahagi sa pagbuo ng
pangunahing diwa,kaya dito naman matatagpuan ang
tinatawag na klaster

16
Kolokasyon
Mahaba ang lubid na itinali niya sa kahoy.
Mahaba ang dila ng kanilang kapitbahay.
Mahaba ang kamay ng bisitang isinama mo.
Mahaba ang buhay ng pusa.
Makati ang alipunga.
Makati ang dila niya.
Makati siya.
Klaster
pagmamahal pag-ibig
magulang lalaki/babae
mapagbigay makasarili
mapagparaya mapang-angkin
walang malisya sekswal
Kultural at pangkaranasan
Habang nakasakay sila sa paragos na pausod na hinihila ng
kalakian, nasasamyo nila sa simoy ang bulaklak ng papaya,
sumasabay sa pakawag na kaway ni Ingkong na abot-tenga
ang ngiti
17
Ang mga Kaantasan ng Pagbasa
Kumulativ ang antas ng pagbasa sapagkat
tumataas ang grado nito kapag sund-sunod o
patuloy na nadaragdagan ang salansan
binabasang materyal.
1. Batayang antas tinatawag ding panimulang
pagbasa sapagkat pinauunlad dito ang
rudimentaryong kakayahan, ibig sabihin,
dinidivelop ito mula sa kamangmangan
- elementaryang pagbasa rin ito dahil sinisimulang
ipinatututo sa paaralang elementarya
- wika ang pokus sa antas na ito ng pagbasa
- unang konsentrasyon ang pagkilala sa aktwal na
mga salita, at ang pagpapamalay sa kahulugan ng
mga ito
18
- literal din kung turingan ito kaya
mababaw pa ang pagsukat sa pag-intindi
na umiikot lamang sa mga katanungang
Sino? Ano? Kailan? Saan?
- malalamang umabot na sa literal na
antas ng pag-unawa ang pagbasa kung
nakapagbubuod na, nakakikilala na ng
mga pangunahing kaisipan, at
nagagawan na ang mga ito ng balangkas

19
2. Inspeksyunal na Antas panahon ang
pinakamahalaga sa antas na ito
- Itinatakda sa limitadong oras ang pagbasa
- kinukuha lamang dito ang mga superfisyal na
kaalaman
- Pre-reading o sistematikong iskiming din kung
tawagin ito na naglalayong tayahin kung dapat o
di-dapat basahing mabuti.
- kahit di ito basahing mabuti, marami na rin
namang bagay na nakukuha tungkol sa libro.
Paano?
1. Tinitingnan ang pamagat at ang paunang salita
2. Sinusuri ang talaan ng nilalaman
20
3. Tinataya ang index, indorso o blurb ng publisher
4. Tinitingnan din ang inaakalang mahahalagang kabanata
lalo na ang bahaging panimula at pangwakas na pahina
- tuluy-tuloy ang pagbasa at hindi na pinapansin ang
mga salitang hindi nauunawaan dahil ang paghinto para
tingnan sa diksyunaryo ang mahihirap na salita ay
makasasagabal lamang sa halip na makatulong sa
pagkatuto
3. Mapanuri o Analitikal na Antas Aktibo naman
ang antas na ito sapagkat hangad ditong
intindihing mabuti ang ipinapakahulugan sa
pamamagitan ng malinaw na pag-interpreta sa
mga metapora.


21
- Interpretatibo ito sapagkat matalinong hinihinuha
ang mga pahiwatig at tagong kahulugang
matatagpuan sa pagitan ng teksto o linya.
- Minamahalaga rito ang malalim na nakapaloob na
kaisipan at ang taglay nitong mga katotohanan.
- Hindi rin maihihiwalay ang pagpapahalaga sa
kahusayan ng mga paraan ng pagkakasulat nito
ang antas na ito.
4. Sintopikal na Antas Pinakamataas na antas ng
pagbasa.
- Kumplikado at sistematikong pagbasa ito
sapagkat itoy humahamon sa kakayahan ng
bumabasa.
- Komparatibo rin dahil dapat marami nang
nabasang libro ang bumabasa. para

22
makapag-hambing siya, makapagtulad at
makapag-iba-iba, makapagsuri, makapamuna at
makapagpahalaga
- Napapailalim din sa antas na ito ang pag-
unawang integratibo. sapagkat nagaganap sa
antas na ito ang pag-uugnay ng bumabasa sa
mga kaisipang nakukiha sa kanyang pansariling
kaalaman at karanasan hanggang sa tuluyan
niya itong isanib sa kanyang binabasa
23
Ang mga Teknik sa Pagbasa
Patern o uri ng pagbasa ang tawag sa mga
teknik ng pagbasa
Nalalaman ang ibat ibang teknik ng pagbasa
ayon sa layunin ng bumabasa
1. Iskiming teknik ng pagbasa nang madalian
para magkaroon lamang ng inpresyon sa
materyal kung dapat o di-dapat basahing mabuti
- gayundin kung hangad makakuha ng
pangkalahatang ideya hinggil sa nilalamang
impormasyon ng materyal
- ang pokus ay wala sa detalye kundi sa
pangkalahatang kaisipan

24
Hakbang sa Pag-iiskim
a. Prebyuwing pag-iisip ito bago magbasa ng
mga inaasahang isyu tungkol sa paksang
sasaliksikin
- isinasaalang-alang din dito ang antas ng pag-
unawa na kakailanganin para mabigyang-
kasiyahan ang layunin sa pagbasa at ang
pagtataya sa panahong mailalaan sa epektibong
pagbasa sa materyal
- sa pamagat pa lamang matutukoy na kung
nagtataglay nga ang materyal o hindi ng
paksang sinasaliksik, gayundin sa mga sub-title
25
b. Sarveying at Overvyuwing pagtingin sa ibat
ibang bahagi ng aklat ang pagsasarvey para
madetermina kung may kaugnayan o wala ang
nilalaman ng materyal sa sinasaliksik na paksa
- pagbubuod naman ang overvyuwing
- dagliang pagsasabuod ito ng mga kaisipang
natunghayan sa ginawang pangkalahatang
sarvey
2. Iskaning- isa rin itong mabilisang teknik ng
pagbasa
- ispisipikong impormasyon tungkol sa isang
babasahin ang partikular na hinahanap sa pag-
iiskan



26
- madaling nagagawa ito kung maikli lamang,
malalaki ang tipo ng pagkakalimbag at pamilyar
ang materyal
- Mahalaga ang iskaning kapag nagrerevyu na
hindi kailangang basahing lahat ang detalye
3. Kaswal ito ang karaniwang pagbasang
isinasagawa kung ang layunin ay palipasin
lamang ang oras habang naghihintay nang hindi
mainip
4. Komprehensiv intensiv o malalim na
pagbasa ang teknik na ito
- iniisa-isa ang bawat detalye, walang
pinalalampas sapagkat maituturing na isang
malaking kawalan

27
- maingat, masinsin, matalino itong pagbasa
sapagkat mahalaga sa lubos na pagkatuto
- Sinusuri, pinupuna, kinukwestyon, binibigyang
opinyon, tinataya, binubuod, lahat-lahat na
maaaring gawing paghimay s amateryal para
lamang maintindihang mabuti
- Masyadong matrabaho, mapaghamon ng
kakayahan, nakakapagod ngunit hindi matatawaran
ang sukling kaunungan nito
- Ito ang teknik na napakaepektibo sa akademikong
pagbasa
28
5. Kritikal tinatawag ding malikhain ang teknik
na ito
- Layunin dito ang maging mapanlihka, ang
makatuklas ng panibagong konsepto at
magawan ito ng bagong porma na maiuugnay
sa kapaligirang sosyal at kultural
6. Pamuling-Basa mulit muling pagbasa ng
isang babasahin sapagkat napakalawak ng
naibibigay na antas ng interpretasyon nito na
hindi agad nakukuha sa minsang pagbasa
7. Basang-Tala teknik ng pagbasa na
sinasabayan ng pagsulat
- Pag may nasusumpungang mahahalagang
kaisipan o konsepto, itinatala ito, kayay
minamarkahan para sakaling kailangang muli
ang impormasyon, madali itong makita o
makuha
29
8. Suring-Basa o Revyu ito ay pagpapakilala ng
isang akda
- isa itong maikling kririka na naglalaman ng
pagsusuri at pamumuna ng isang akda o aklat
para pahalagahan ang kabuuang porma at
nilalaman nito
- hindi lamang simpleng pagbubuod kundi isa rin
itong pagtataya sa mga katangian ng akda o aklat
- para epektibong magampanan ang pagsusuring-
basa, maingat at masinsing busisiin ang buong
akda,cover to cover, nang mapag-alaman nang
husto
30
Pagbasa ng Graf, Talahanayan at Tsart
Ang paggamit ng graf, talahanayan at tsart
ay makatutulong upang maging malinaw,
maayos at maagham ang pagtalakay ng
paksa
Sa mga mambabasa, ito ay makatutulong
upang mapabilis ang pag-unawa at makita
ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga
inilahad na kaisipan
31
Graf
Mapamaraag ilustrasyon ito ng mga data na
istatistikal na may layuning ipakita ang ugnayan
ng mga guhit at tambilang sa paksang tinalakay
Tinatawag na graf ang sistematikong
paglalarawan ng mga datos na istatistikal
May layunin itong maipakita sa madaling paraan
ang mahalagang kaisipan o ideya
Talahanayan
Maikling paraan ito ng paglalahad ng mga
kaugnay na impormasyong tambilang
Ang paksa at bilang ay maayos na inihahanay
sa kolum upang mabilis na mabasa at
makagawa ng paghahambing

32
Ang mga Uri ng Graf
Piktograf ginagamit upang ipakita nang malinaw ang
halaga o bilang ng aytem
Bar Graf ginagamit sa paghahambing ng mga sukat
at halaga ng aytem
Pasirkulong Graf o Pie Graf ginagamit upang
mahusay na maipakita ang elasyon ng bahagi sa
kabuuan sa pamamagitan ng porsiyento, proporsyon at
fraksyonal
Line Graf ginagamit upang makita ang mga
pagbabago at pagsulong
- Binubuo ng dalawang dimensyon
1. Linyang vertikal nagpapakita ng bilag o halaga
2. Linyang horisontal nagpapakita ng taon o ibang
faktor
33
Ang Mga Uri ng Tsart
Tsart ng Organisasyon binubuo ito ng mga kahon na
pinag-uugnay ng mga linya
- Ang mga kahon ay nakahanay mula sa itaas pababa
- Ang kahon na nasa itaas ay karaniwang nag-iisa lamang at
kumakatawan sa pinakamataas na posisyon
- Nakasulat sa loob ng mga kahon ang tungkulin o posisyon
- Ang mga kahong magkakasama sa isang hanay ay
nagpapakita ng pagkakapantay-pantay ng posisyon
Manedyer
Superbisor

Superbisor


Superbisor

Empleyado Empleyado Empleyado
Tsart ng Organisasyon ng Isang Tanggapan na
Nagpapakita ng mga Posisyon mula sa Manedyer
Hanggang Empleyado
34
Flow Chart ipinapakita rito ang ibat ibang paraan ng
paglalahad ng proseso
- Maaaring gumamit ng larawan simbolo o kaya ay kahon
- Karaniwang ito ay sinisimulan sa kaliwa patungo sa
kanan o kaya ay itaas pababa
- Ito ginagamitan ng arrow upang ipakita ang daloy ng
proseso
- Sa bawat kahon o larawan ay may nakasulat na
paliwanag upang ganap na maunawaan ang proseso
- Ang tsart na ito ay karaniwang makikita sa mga plantang
industriyal


Himayan Initan Durugan Singawan Salaan Kristalan
Flow Chart sa Paggawa ng Asukal

You might also like