You are on page 1of 6

AMAYA SCHOOL OF HOME INDUSTRIES

SAHUD-ULAN, TANZA, CAVITE







DULANG TRAHEDYA






Ipinasa ni:
Angelita Mae L. Palag
IV-DAISY



Ipinasa kay:
Bb.Joanne A. Talactac




Petsa ng Pagpasa
9 Agosto,2011










Talaan ng Nilalaman
DULANG TRAHEDYA


Hiblang Abo ni Rene O. Villanueva (Panitikan)- - -- - - - - - - - - - - - - - -1


Madawag na Lupani Pedro L. Ricarte (Panitikan)- - - - - - - - - - - - - - - -5


Sigwani Rene O. Villanueva (Panitikan)- - - - - - - -- - - - - - - - - - - - - - -8


Moses Moses ni Rogelio R. Sikat (Panitikan)- - - - - - - - - - - - - - - - - 11


Hiblang Abo
ni Rene O. Villanueva

Pagkilala sa may-akda

Si Rene O. Villanueva ay kasalukuyang Creative director ngPhilippine
Childrens Television Foundation Inc. at ManagingDirector ng Filmag
Napabilang sa Carlos Palanca Memorial Awards Hall of Fame noong
1995
Nanalo ng mga pambansang patimpalak panliteratura, gaya ng
Cultural Center of the Philippines Playwriting Contest, CCPLiterary
Grants at Palihang Aurelio Tolentino DramaCompetition

Uri ng Panitikan
Ang DULA ay isang uri ng panitikan na kinapapalooban ng usapano
diyalogo ng mga tauhan. Nilalarawan dito ang ibat-ibangdamdamin na nais
ipadama sa mambabasa. Ang dula ay maiuuri sa TRAHEDYA, KOMEDYA,
MELO-DRAMA, at HEAVY-DRAMA.

Ang Dulang TRAHEDYA ay isang uri ng dula na kung saan ang simula ng
kuwento hanggang sa wakas nito ay humantong sapagkasupil ng
pangunahing tauhan o bayani sa kwento.

Layunin ng may-akda

Layunin ng may-akda na ipabatid sa mambabasa na ang matatanda
ay dapat nating alagaan dahil sila ang nagkalinga saatin noong tayo ay
bata pa.

Nais ding ipabatid sa atin ng may-akda na ang buhay ay
mayhangganan kaya hanggat maaga ay dapat nating gawin kung anoman
ang ating dapat gawin at hanggat maaga pa ay itama natinan gating
pagkakamaling nagawa.


Tema o Paksa ng Akda

Kung ako ang tatanungin sa aking palagay ang dulang ito ayisang
dulang makatotohanan sapagkat ang ilan sa mgapangyayari o eksena dito
ay nagaganap ngayon sa atin.

Mga Tauhan/Karakter sa Akda

Ang mga tauhan dito at ang mga nagsiganap ay sina:
VENCHITO GALVEZ-Huse (mananalaysay, 70)
BRUNO PUNZALAN-Blas (dating manggagawa, 70)
JOE GRUTA-Sotero (dating magsasaka, 75)
PEANUTS RIGONAN-Pedro (dating magsasaka, 72)
GINNIE SOBRINO-Misis Salvacion
MICHAEL DE LOYOLA-Doktor

Ang mga tauhan sa dulang ito ay likha ng lipunang ginagalawan sapagkat
ito ay tumutukoy sa kung papaano natiis ni Huse ang magtagal ng nag-iisa
sa silid na iyon.





Tagpuan o Panahon

Ang tagpuan ay sa isang silid sa institusyon ng
abandonadongmatatand; isang abuhing silid. Inaamag ang mga
sementongdingding. Nagsisimula ng mabakbak ang pintura ng silid.
Nilalaman o Balangkas ng mga Pangyayari

Sa aking palagay ang mga pangyayari na aking nabasa sa
dulangHIBLANG ABO ay luma na ngunit may bagong anyo ito.
Sapagkatang ilan sa mga pangyayaring aking nabasa ay karaniwan
ngnangyayari o ating nakikita dito sa atin. Ang kaibahan nga lamangay ang
pagkakaroon nito ng bagong anyo na kung saan angmatatanda sa isang
abuhing silid ay binibigyan importansya.
Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng Akda

Sa tingin ko ito ay likas sa tao at lipunan sapagkat kungmapapansin
natin marami sa mga tao ngayon ay dinadala nalamang ang kanilang mga
magulang sa home for the agent upanghindi sila ang mag-alaga at
pagkatapos dalhin doon ay hindimanlamang nilang makuhang dalawin ang
mga ito paminsan-minsan.


Istilo ng Pagkakasulat ng Akda

Sa istilo ng pagkakasulat, ang may-akda ay gumamit lamang ng
mabababaw na salita. Bukod doon ay gumamit din ang may-akdang Flash
back. Ginamit niya ito upang maunawaan at malaman ng mga
mambabasa kung paano naging mapoot ang pagtira ni Huse sa silid sa
institusyon ng abandonadong matatanda.


Buod
Lugmok na nakaupo si HUSE 70, sa silya. Nag-iisa. Nakapako
angtingin sa sahig. Binabaybay ng lipaking palad ang hilatsa ng puluhan
nglumang tungkod.Naglalakbay ang tingin sa mga bakanteng kama.
Babalong samata ang luhang hindi malaglag-laglag. Mapupuna mo sa mga
kilos niHuse na naaalala niya ang mga kasama niya sa silid na iyon
atmahahalata mo din na siya ay nalulungkot dahil sa mga nangyayarinoon.
Naalala niya ng una niyang makaharap si MISIS SALVACION sa opisina
nito. Paulit-ulit siyang tinanong nito tungkol sa kanyang pagkatao. Nang
umupo si Huse sa silya na nakaharap sa mesa ay biglaniyang naalala ang
tatlong matanda na kanyang kasama.

Sa dilim,muling mabubuhay ang ala-ala. Isa-isang papasok sina,
BLAS, 70;SOTERO, 75; at PEDRO, 72. Aayusin ng tatlo ang kanilang
higaan.Makikita dito na si Sotero ay nangungulila sa kanyang bunsong
anak nasi VICTORIA. Gabi-gabi ay napapanaginipan ni Sotero si Victoria.
Ang kanyang na si Victoria ay hindi na niya nakita simula ng siya
makulong.Ang apat na matanda ay laging nagtatalo. Ito ay dahil kay
Sotero. Hindi pa rin matanggap ni Sotero na ang kanyang ay patay na. Si
Blas ay ang laging nakakasagutan ni Sotero. Tuwing gabi na lamang kasi
ay hindimaayos ang tulog nila dahil kay Sotero.Madaling araw ng magising
si Blas. Madilim na madilim satanghalan. Pagkaraan ng ilang saglit habang
unti-unting lumiliwanag ang ilaw ng silid ay bumangon na si Blas upang
gisingin si Huse, Pedro,at Sotero. Habang ginigising ni Blas si Sotero ay
bumalik na naman angkanyang pagka-ulila sa kanyang anak. Kung anu-
ano na naman angkanyang pinagsasabi. Nang suwayin siya ni Blas na
tigilan na niya angkanyang ginagawa ay tumayo si Sotero at sinugod si
Blas gamit angkanyang natitirang lakas. Sinakal niya si Blas, ngunit
nanlaban din naman si Blas. Inawat ni Huse ang dalawa ngunit tinulak siya
ni Blas.Mangigisay si Sotero. Nang marinig ni Blas ang malakas na
nguyngoy ni Pedro ay doon pa lamang siya tumigil. Lumabas si Blas upang
pumuntasa misa na ginaganap sa ibaba. Naiwan namang umiiyakl si Pedro
sasulok at lalapitan naman ni Huse ang hindi na gumagalaw na katawanni
Sotero. Nang oras ding iyon ay namatay na si Sotero. Dinala na siyasa
ospital.

Tanggap ni Blas ang nagawa niyang kasalanan kaya namanmaluwag
sa kanyang kalooban na hinintay ang mga pulis. Habang naghihintay sa
pulis ay nagkwentuhan muna si Huse at Blas. Ilangsandali pa ay dumating
si Misis Salvacion at ang pulis sa kanilang silid upang dakpin si Blas. Una
ng nawala sa silid na iyon si Sotero at sumunod si Blas. Naisip naman ni
Pedro na maglinis na lamang sila niHuse sa silid nila. Pinapulot ni Huse
kay Pedro ang mga palaspas nanagkalat sa sahig at pinatapon ito sa
labas. Nang akmang lalabas na sapinto si Pedro ay sinabi niya kay Huse
na Huse........paalam na Walang kakibo-kibo si Huse dahil ang akala niya
ay nagbibiro lamang si Pedro.Ngunit ilang saglit pa ay dumating si Misis
Salvacion sa kanilang silid upang kamustahin siya. At ng sabihin na ni
Misis salvacion kay Huse napatay na si Pedro ay nagulat ito at walang
kaimik-imik. Pag kalabas niMisis salvacion ay lumugmok si Huse sa mesa
at tahimik na umiyak.Wala ng nagawa si Huse kung hindi tumingin sa
tatlong higaang tiklop ang gapok na kutson at umiyak ng umiyak.


~W A K A S~

You might also like