You are on page 1of 2

Mga Sangkap ng Dula

Posted: November 11, 2011 in Uncategorized


0
1.Balangkas o Banghay
Tumutukoy ito sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa dula. Ang kumbenyunal na kwento sa dula ay may simula, gitna at
wakas. Subalit maaari ding magsimula sa gitna o wakas muna bago simulan ang dula. Itoy depende sa estilo ng direktor.
2. Paglalahad
Sa paglalahad ng dula, nililinaw na ng may-akda o ng direktor ang ilang mahahalagang impormasyon sa kwento ng dula:
Ang mga tauhan; ang kaugnayan nila sa isat isa
Ang lugar na pinagyayarihan ng kuwento
Ang panahon , at iba pa na makatutulong nang malaki upang higit na maakit ang manonood sa dula
3. Suliranin o Pagtutunggali
Tungkol saan? Sa madaling sabi ito ay tema. Nakapokus dito ang lahat ng kilos at usapan sa kabuuan ng dula. Pagsasalungatan
ng mga tauhan, o kayay suliranin ng tauhan na sarili niyang likha o gawa bilang tauhan sa dula.
4.Pagpapahiwatig
Makatwirang paglalahad ng mga pangyayari na dapat maging kasiya-siya.
5.Paglalarawan ng Tauhan
Sa tulong ng kilos, pagsasalita at reaksyon ng mga tauhan sa mga pangyayari, ay lalong nakikilala ng mga manonood ang mga
tauhan.
6. Salitaan
Kailangang maging natural at makatotohanan ang salitaan.
7.Kilos
Dahil sa ang dula ay salamin ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao, dapat ang kilos ng mga artista sa tanghalan ay
maging natural at makatotohanan din. Ang ekspresyon ng mukha ay dapat umaayon kung ano ang ikinikilos ng artista sa
tanghalan. Dito nakatuon ang paningin ng mga manonood.
8.Paksa
Pumili ng paksang napapanahon at mga problemang panlipunan kung saan ang mga manonood ay maaaring maka-releyt. Iwasan
ang mga paksang nakakabagot o wala sa interes ng mga manonood.

You might also like