You are on page 1of 2

ISANG GABI SA PILING NG MAYNILA

Jayson Alvar Cruz


Sabik na sabik na lumuwas ng Maynila si Boyet. Nais niyang maranasan ang kaniyang mga
nababasa sa komiks tungkol sa kaunlaran ng Maynila. Ibig niyang makita ang nagtatayugang
mga gusali. Gusto niyang malakaran ang naglalakihang mall. Gabi na nang makarating sa
Maynila si Boyet. Sinundo siya
sa terminal ng kaniyang tiyuhin. Laking gulat ni Boyet sa larawang tumambad sa kaniya. Nanikip
ang kaniyang dibdib matapos makababa ng bus.
BOYET: Ganito ba karumi ang Maynila Tiyo? Napakausok at lubhang napakarami ng kalat.
TIYO: Masanay ka na Boyet. Hindi ba gusto mong maranasan ang buhay
dito sa Maynila? Halikat ipapasyal muna kita bago tayo umuwi ng
bahay. Sa kanilang paglalakad, narinig ni Boyet ang usapan ng isang
pangkat ng mga kabataan.
BINATILYO 1: Wow tropa, lakas ng amats ng dubi! Panalo!
BINATILYO 2: Nagsolo ka naman brod eh, bwiset! Waisted tuloy ako
kanina. Buti na lang, may karga si Tuklaw na tobats, nakajam ako kahit konti.
BINATILYO 3: Dapat makadiskarte tayo ng tsibog ngayon. Tomguts na
ko eh.
BINATILYO 1: (Bumulong sa binatilyo 2. Nanlilisik ang mga mata.
Inginuso ang naglalakad na estudyante. Maya-mayay
biglang naglaho ang tatlong binatilyo sa dilim. Narinig niya
ang impit na tili ng dalagitang estudyante.
Tinangkang saklolohan ito ni Boyet subalit pinigilan siya ng
kaniyang tiyuhin.
TIYO: Huwag kang makialam Boyet. Mapapahamak lang tayo. Hayaan mo
na sila.
BOYET: Bakit tiyo? Nangangailangan ng saklolo ang babae. Kailangan niya
tayo.
TIYO: Huwag na! Masanay ka na sa Maynila.
Nagpatuloy sila sa paglalakad, may sumalubong sa kanilang mga
babae. Nakapustura at puno ng kolorete ang mga mukha nito.
BABAE 1: Boss, short time? 500 lang.
TIYO: (Umiling ang tiyo ni Boyet) Hindi, ipinapasyal ko lamang ang
pamangkin ko.
BOYET: Anong sinasabi ng babae tiyo? Bakit ganoon ang ayos ng kanilang
pananamit?
TIYO: Malalaman mo rin Boyet pagdating ng panahon kung bakit sila
nasadlak sa ganoong buhay. Mauunawaan mo rin ang lahat dito sa
Maynila. Labis na naguguluhan si Boyet sa mga nangyayari sa
kaniyang paligid. Marami siyang katanungan sa kaniyang isip.
Hanggang sa marating na nila ang eskinita patungo sa bahay ng
kaniyang tiyuhin. Makipot at tila bituka ng manok ang kanilang
binabagtas nang may marinig silang putok. Pinadapa siya ng

kaniyang tiyuhin. Kumubli sila sa isang lugar na napaliligiran ng


pader. Sunod-sunod na putok. Maya-maya, narinig niya ang sirena
ng pulis. Tumayo na sila. Paroot paritong nagtatakbuhan ang mga
tao. Sa wakas, narating na nila ang bahay ng kaniyang tiyuhin.
Bumungad agad sa kaniya ang lima niyang pamangkin na
kasalukuyang himbing na natutulog sa lapag ng bahay. Maliit,
masikip at may kung anong nakasusulasok na amoy ang nalanghap ni
Boyet.
BOYET: Tiyo, paano ninyo natitiis na tumira sa ganitong lugar? Hindi na ba
kayo babalik sa probinsiya? Wala ba kayong balak na doon
palakihin ang mga pinsan ko?
TIYO: Matagal ko nang binabalak na umuwi subalit naririto ang trabaho ko,
wala akong magawa Boyet, wala.

You might also like