You are on page 1of 2

Literatura ni Juan, nagbabago na?

Umusbong na ang makabagong paraan sa pagsusulat ng istorya na siyang pumatok sa


kasalukuyang henerasyon. Dahil sa Wattpad, isang website kung saan ang mga istorya ay
naglalaman ng mga imahinasyong nabuo sa kaisipan ng mga kabataan at tiyak na makakaunawa
sila ay dali-dali nila ito isusulat at ilalagay sa kanilang account sa wattpad kung saan malalaman
nila kung may nagbabasa nga ba ng kanilang gawa. Dahil na rin sa makabagong teknolohiya ay
napapadali ang pagproseso at pagbabahagi nito sa mga tao na siyang ang bilang ng mga
bumabasa sa gawa nilang istorya ay nangangahulugan na patok ito sa mambabasa lalo na sa
kabataan. Ngunit di natin masasabi na puro magaganda lang ang dulot nito. Ang sobra ay
nagdadala rin ng problema sa atin.
Ang literatura ni Juan o tayong Pilipino ay masasabing mayaman at siksik sa
imahinasyong na naglalayo sa atin sa reyalidad pero gaya ng pagbabago sa paligid at panahon ay
nababago rin an gating pananaw sa pagsulat. Ang kabataan ngayon ay naglalaan talaga ng oras
upang basahin ang kanilang paboritong istorya sa wattpad pero hindi lahat ng ito ay may
mabuting dulot o maihahalintulad natin sa mga nakaraang panitikan dahil ang mga ito ay may
mababaw lamang na nilalaman at pang-aliw lang talaga ang hatid sa atin. Ang epektong dulot
nito ay nagpapabago rin sa mentalidad natin dahil bumubuo ito ng simbulo at mga di
makatotohanang mga bagay. Halimbawa ang mga gasgas na mga linya at ideya na lumalason sa
mga marurupok na kabataan ngayon. Di naman lahat ng kabataan ang nagiging mapusok dahil
lang sa mga nababasa nila pero may mga iilan na umandar ang kuryosidad kaya naman
napapariwara sila o nadadala sa panganib. Isa rin sa epekto nito ay nagbabago ang paraan ng
pagsusulat natin. Ayon nga sa isang propesor ng Unibersidad ng Pilipinas, ang wattpad ay
naglalaman ng mali-maling paggamit ng mga salita at bantas. Pati na rin ang dumaraming isyu sa
pagkopya ng ideya mula sa iba o plagiarism, kaya di masasabing totoong gawa ng isang
indibidwal yan kung may nagrereklamo o nangaangkin sa kaniyang ideya iyon. Ang mga bagay
na ito ay ilan sa mga pinagdedebatehan at karaniwang paksa sa loob ng paaralan dahil isa ito sa
mga nais gawan ng solusyon ng mga guro dahil na rin responsibilidad nila na turuan ng maayos
ang mga kabataang ito. Sa kabilang banda, may maganda rin namang dulot ang ilan sa mga ito
dahil nakapagpapalawak ng imahinasyon ang karamihan sa mga kuwentong nakalimbag sa
wattpad. Sa bawat paglalarawan ng manunulat, nakatutulong ito sa paghasa ng kaalaman sa
malikhaing interpretasyon ng bawat pangyayari. May mga istorya rin na nasa wattpad ay may
malalalim at maayos na paraan ng pagsulat kung saan nagdadala ng mga kakaibang
impormasyon sa buhay. Ngunit sadyang di lang napapansin dahil mas napagtutuunan ang mga
clich na istorya o di lang umaakma sa mga kabataang mas gusto pa yung mga may romansa at
madali silang makaunawa.
Sa kasalukuyan, may kaniya-kaniya tayong kagustuhan sa buhay. May naaakma sa iba at
hindi rin sa iba. Hindi lahat ay pare-pareho ang nais kaya nagkakaroon ng pagbabago sa buhay

natin katulad na lang sa wattpad, may mga taong ninanais na basahin ang mga kwentong alam
nila na magsasaya sila at ganoon rin sa iba pa. Sadyang kailangan lang natin na ayusin at islaba
ang literaturang napakayaman sa magagandang ala-ala na ipinamana pa sa tin ng mga ninuno
natin. Mabuti ang pagsusulat bagkus gawin natin ito sa mabuting paraan na siyang makakatulong
sa sambayanang Pilipino at sa mundong ginagalwan natin para hindi natin masasabi na nasayang
lang ang mga papel na ginamit sa paglimbag ng kwentong iyon at ang mga oras na inilaan sa
paggawa ng kwentong iyon. Gumawa tayo ng istorya na siyang dahilan upang umusbing pa lalo
ang literatura ni Juan.

You might also like