You are on page 1of 9

WAKAS

-isang talata na huling


nababasa o naririnig kaya ito
rin ang huling bagay na
nakikintal sa isip ng
mambabasa at tagapakinig.

Mga Paraan ng
Pagwawakas

1. Ibigay ang buod ng paksa.


Halimbawa: Sa isipang ito, maaamin nating
si Rizal ay mahigpit na tagapagtaguyod ng mga
karapatang pantao at kahit na wala na siya sa
ating piling, siya ay patuloy na nagtatanggol sa
ating mga karapatan sa pamamagitan ng
kanyang mga kaisipan at isinulat tungkol sa
bagay na ito. (Pangwakas na talata ng Si Rizal
at ang Karapatang Pantao, A.P. Tumangan)

2. Pag-iiwan ng isang
tanong/mga tanong.
Halimbawa: Sa hamong ito ng panahon,
handa ba kayo? Nasa inyo ang
kasagutan, mga kaibigan! (Wakas ng
talumpating Wikang Filipino, Galing ng
Pilipino, ni A.P. Tumangan)

3. Mag-iwan ng hamon.
Halimbawa: Sa mga balikat ninyo
nakasalalay ang pagtatagumpay o
kabiguan ng ating wikang Filipino.
Mahalin ninyo ito at pagmalasakitan at
itoy magtatagumpay, magwalangbahala kayo at itoy mabibigo! (Wakas
ng talumpating Istandaridisasyon ng
Filipino, A.P. Tumangan)

4. Maaaring gumawa ng
panghuhula.
Halimbawa: Sa panahong iyon, magkahawak-kamay
na nating haharapin nang buong tatag at walang
anino ng takot at pangamba ang Ngayon at ang
Kinabukasan ng ating bansa. At natitiyak ko . . . sa
tulong ng ating Dakilang Lumikha . . . makakabuo
tayo ng isang bansa . . . isang Pilipinas na dakila,
masagana at kaiga-igayang panahanan. (Wakas ng
talumpating Ang Kabataan sa Pagbuo ng Bansa, ni
A.P. Tumangan)

5. Magwakas sa angkop na
sipi.
Halimbawa: Nais kong hiramin ang
pahayag ni Rizal na nasa inyong
kabataan ang pag-asa ng bayan sa
kinabukasan. Sasabihin ko naman
ngayon, nasa inyong kabataan ang
pag-asa ng ating sariling wika.

6. Maaaring sariwain ang


suliraning binanggit sa
simula.
Halimbawa: Kailangan natin ngayon ang isang uri ng

moralidad at pagiging relihiyoso na katulad ng kay Rizal.


Kailangan natin ang uri ng kanyang pananalig sa Diyos
upang matanggap nating tayo ay tagapangasiwa lamang
ng Diyos sa mga bagay na nilikha Niya sa ating
kapaligiran at hindi siyang tagawasak ng mga ito dahil sa
hangarin natin sa kapangyarihan at kasakiman sa
kayamanan. (Wakas ng sanaysay na Si Rizal at ang
Likas na Yaman, ni A.P. Tumangan)

You might also like