Professional Documents
Culture Documents
Pahiwatig NG Iba
Pahiwatig NG Iba
Ang pahinang ito ay naglalaman ng mga pahiwatig ng mga iba't ibang kabanata ng El Filibusterismo.
Kabanata I:Sa Kubyerta
-Ang bapor Taboy larawan ng ating pamahalaan, ng ating bayan. Mahina ang pagtakbo at maraming balakid sa
landas na ang ibig sabihiy mahina ang pag-unlad. Marami pang dapat gawin upang sumulong ang bansa.
-Ang mga taong sakay ng bapor ay may dalawang kinalalagyan; ang kubyerta at ang ilalim nito. Ang pamahalaan ay
nagpapalagay na may mataas at mababang uri ng tao.
-Si Simoun, ang mayamang mag-aalahas na siyang tagapayo ng kapitan heneral, ay walang iba kundi si Ibarra.
Kabanata II: Sa Ilalim ng Kubyerta
-Ang mga kabataan ay masigasig sa kanilang mga balak. Humahanap sila ng mga paraan upang maisakatuparan ang
kanilang mga adhika. Lipos ng pag-asa ang mga kabataan.
-Mapupusok ang kanilang kalooban. Hayagang sinasagot nang makahulugan si Simoun gayung ang pagkakakilala
nilay malapit sa kapitan heneral.
- Ang pagpapari ni Pare Florentino dahil sa kagustuhan ng ina ay nagpapakita ng kapangyarihan ng mga magulang
sa anak noong unang panahon. Anumang bagay na naisin ng magulang maging laban man sa kalooban ng anak ay
nasusunod.
Kabanata III: Mga Alamat
-Ayon sa alamat, Si Donya Geronima ay tumanda dahil sa kahihintay sa kaniyang kasintahan. Itoy nagpapahayag
ng pagkamatapat ng babaing Pilipina.
-Maalamat ang ating bansa. Hindi lamang Pasig ang mayroon. Halos lahat ng bayan pati na ang pinagmulan ng mga
bagay, halaman o tao.
Kabanata IV: Kabesang Tales
-Ang pagkakaagaw ng Korporasyon sa lupain ni Tales ay nagpapahiwatig ng mga kasamaang umiiral noong
panahon ng Kastila.
-Ang paghahanda ni Kabesang Tales ng baril, gulok o palakol ay nagpapakitang handang ipakipaglaban ng mga
Pilipino ang kanilang karapatan.
-May mga Pilipino ring nagpapahirap sa kapuwa Pilipino. Nariyan ang mga tulisang dumakip kay Kabesang Tales
upang itoy ipatubos.
Kabanata V: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero
-Ang kaawaawang mga Pilipinoy tumatanggap ng mabigat na parusa sa kaunting pagkukulang. Malulupit ang
maraming mga nasa tungkulin.
-Malaki ang pagnanais ni Kapitan Basiliong makasundo ang kura at alperes. Sila ang makapangyarihan sa bayan.
-Ang mga mag-aaral noong panahong iyon ay hindi nasisiyahan sa pamamalakad at pamamaraan ng pagtuturo sa
pamantasan. Silay naghain ng kahilingan upang magkaroon ng pagbabago.
-Ang malaking laboratoryo sa Pisika ay laging inihahanda sa mga panauhing darating at hindi sa pag-aaral. Isa ito sa
sakit ng ating lipunan-ang pakitang tao.
Kabanata XIV: Sa Bahay ng mga Estudyante
-Si Sandoval ay larawan ng mga kastilang may malasakit sa ating bayan at pagpapahalaga sa mga Pilipino.
-Ang pagitang inilalagay ng pulitika sa mga lahi ay nawawala sa mga paaralan, na wariy nalulusaw sa init ng
kabataan at karunungan. Magandang halimbawa si Sandoval, isang Kastilang naging kasamat kamag-aral nina
Isagani at Makaraig.
Kabanata XV: Si Ginoong Pasta
-Upang mailapit at makahingi ng tulong sa isang taong makapangyarihan, kailangang hanapin muna ang kaibigan o
kinaaalang-alangan nito; isang sakit ng lipunan na ngayon ay palasak.
-Maraming taong tumitigin sa pansariling kapakanan at winawalng bahala ang ikabubuti ng bayan.
Kabanata XVI: Ang mga Kapighatian ng Isang Insik
-Ang pagtanggap ng suhol ng mga nanunungkulan sa pamahalaan at ang pagsasamantala sa mga lumalapit sa kanila
ay nakapagdaragdag ng paghihirap ng bayan. Ito ang pinakamalubhang sakit ng lipunan sa ngayon.
Kabanata XVII: Ang Perya sa Quiapo
-Masining ang mga Pilipino. At sa dahilang ang singing ay kinakikitaan ng damdamin at ng iniisip ng gumagawa
nito, makikitang ang nalalarawan sa kanilang mga inukit ay ayon sa mga pangyayari noong panahong yaon.
Kabanata XVIII: Mga Kadayaan
-Ang mga bagay na nabanggit ng ulo ay tumutukoy sa pangyayaring nagaganap noong panahon ng Kastila.
-Ang pagkatakot at tuluyang pagkakahimatay ni Pari Salvi ay nagpapakilala ng pagtanggap ng mga prayle sa
kanilang kasamaat pagkakasala.
Kabanata XIX: Ang Mitsa
-Ang di-mabuting pagtingin ng Kastila sa mga Pilipino ay siyang nagtataboy sa huli upang maghimagsik.
-Ang layunin ng maraming magulang sa pagpapaaral sa kanilang anak upang maipagmalaki at masabing silay
magulang ng isang nakapag-aral at nagkatitulo.
Kabanata XX: Ang Nagpapalagay
-Mataas ang pagpapalagay ng mga Pilipino sa mga banyaga. Agad-agad tayong humahanga. Hindi na natin sinusuri
ang kanilang mga tunay na pagkatao at kakayahan.
-May paniniwala si Rizal na ang taoy pantay-pantay. Walang pagkakaiba ang puti at kayumanggi.