Filipino Ito ay talaan ng mga pamamaraang ginagamit ng mga guro sa Filipino upang ipangkat ang mga mag-aaral sa dalawa, tatlo, apat, o higit pa. Bilan g 1
Pamamaraan Clock Buddy
Hakbang sa Pagsasagawa
Pipili ang mga mag-aaral ng kanilang kapares para
sa bawat bilang ng oras. Itatala ito sa kanilang Clock Buddy Sheet. Ang mag-aaral ay pupunta sa kanilang kapares kapag nabanggit ang oras. Halimbawa: Pumunta kayo sa inyong 2 oclock Buddy. Pairs Discussion Maaaring pumili ang mag-aaral ng kanilang kapares o maaaring katabi nila sa upuan. Sa loob ng 1 minuto ay sasagutin nila ang tanong ng guro o ang gawaing inihanda. Triad Sharing Ang pangkat ay binubuo ng tatlong miyembro: ang tagatala, tagapagtanong, at tagapagsalita. Isasagawa ng bawat isa ang kanilang tungkulin batay sa kanilang papel sa triad. Maaaring magpalitan ng papel ang tatlong miyembro ng pangkat. Roundrobin Ang pangkat ay binubuo ng tatlo hanggang limang miyembro. Maaaring bigyan ng pare-pareho o magkakaibang paksa o gawain ang mga grupo. Sasagutin ng mga miyembro ang gawain habang itinatala ng tagatala ang kani-kanilang sagot. Sa senyales ng guro, ipapasa sa ibang grupo ang papel upang sagutin din ito. Kapag natapos na ang lahat ng grupo, pag-uusapan at susuriin ang mga sagot na nakatala.
Pangkatang Gawain
Ang isang pangkat ay binubuo ng higit sa tatlong
miyembro. Pipili sila ng kanilang pinuno na siyang mamumuno sa pagsasagawa ng gawaing iniatas at pagtatalaga ng tungkulin ng bawat isa sa pangkat.