You are on page 1of 1

Sa balarila, ang bahagi ng pananalita/panalita (Ingles: Part of speech), o kauri

ang panleksiko, ay isang lingguwistikong kaurian ng mga salita (o mas tumpak sab
ihing bahaging panleksiko) na pangkalahatang binibigyang kahulugan sa pamamagita
n ng sintaktiko at morpolohikong asal ng bahaging panleksikong tinutukoy.
Sa aklat na Balarila ng Wikang Pambansa (1939;1944) ni Lope K. Santos (kilala ri
n sa tawag na Balarilang Tagalog at Matandang Balarila) ay may sampung bahagi ng
pananalita. Ang mga ito ay pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay,
pantukoy, pangatnig, pang-ukol, pang-angkop at pandamdam. Sinimulan itong ituro
sa mga paaralan sa Pilipinas noong 1940 matapos maipahayag ng dating Pang. Manu
el Quezon ang Tagalog bilang siyang saligan ng wikang pambansa.
Dala ng sunod-sunod na pagbabago at modernisasyon ng wikang pambansa (na kilala
na ngayon bilang Filipino) ay maraming aklat ang nalimbag na nagmumungkahi ng pa
gbabago sa Matandang Balarila. Isa na rito ang Makabagong Balarilang Filipino (1
977;2003) nina Alfonso O. Santiago at Norma G. Tiangco. Sa aklat na ito'y napapa
ngkat ang may sampung bahagi ng pananalita sa ganitong pamamaraan:
A. Mga salitang pangnilalaman (mga content word)
1. Mga nominal
a. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay,
pook, katangian, pangyayari, atbp.
b. Panghalip (pronoun) - mga salitang panghahali sa pangngalan
2. Pandiwa (verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa isang
lipon ng mga salita
3. Mga panuring (mga modifier)
a. Pang-uri (adjective) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangn
galan at panghalip
b. Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa
, pang-uri at kapwa nito pang-abay
B. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)
1. Mga Pang-ugnay (Connectives)
a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, pariral
a o sugnay
b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinu
turingan
C. Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba
pang salita
2. Mga Pananda (Markers)
a. Pantukoy (article/determiner) - mga salitang laging nangunguna sa pangngalan
o panghalip
b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) - salitang nagkakawing ng paksa (
o simuno) at panaguri
Hindi na isinama ang Pandamdam (interjection; mga salitang nagsasaad ng matindin
g damdamin) sapagkat ayon sa mga may-akda ng Makabagong Balarila ay maaaring mag
amit bilang pandamdam ang kahit anong salita kung bibigkasin nga ng may matindin
g damdamin.
Samantala, sa Balarilang Ingles ay may walong tradisyunal na bahagi ng pananalit
a bagama't higit pa itong nahahati sa iba't ibang kaurian sang-ayon na rin sa mg
a pag-aaral ng mga kasalukuyang lingguwistiko. Ito ay ang pangngalan, panghalip,
pandiwa, pang-uri, pang-abay, pangatnig, pang-ukol at pandamdam.

You might also like