You are on page 1of 3

ANO ANG RETORIKA?

Ang RETORIKA ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na


tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagsusulat at pagsasalita
BAKIT MAHALAGA ANG RETORIKA?
Ang RETORIKA ay ang pagpapahayag o pagsasalita sa harap ng isa o
maraming tao, sa makatuwid mahalaga ang retorika upang makapagpahayag
ka ng iyong mga nararamdaman sa mga bagay- bagay. Mahalaga ito sa pang
araw-araw dahil kapag walang retorika magiging napakatahimik ng mundo at
walang komunikasyon at interaksyon ang magaganap sa bawat isa, hindi
magagamit ang wika ng bawat isa at wala nang pagkaka-intindihan sa bawat
indibidwal. Mawawala ang ating pagkakaisa.
ANO ANG BASA?
Ang Pagbabasa ay ang pagbibigay-malay sa proseso ng pag-unawa ng isang
nakasulat na wikang mensahe.
Pagtugon sa damdamin at kaisipan sa mga titik na nasa pahina
PARAAN NG PAGBASA
MASURING PAG BASA
Ito ay pagbabasa nang maingat para maunawaan ang binabasa upang
matugunan ang pangangailangan.
ISKIMING
ito ay mabilisang pag basa upang makuha ang pang kalahatang ideya ng
teksto .
ISKANING O PALAKTAW NA PAG BASA
Ang nag babasa ay tumutunton sa mahalagang salita, mga pamagat at mga
subtitulo.
PREVIEWING
Sinusuri ng mambabasa ang kabuuan, estilo at rehistro ng wika ng
sumusulat
KASWAL NA PAG BABASA
Kadalasang ginagawa bilang pampalipas oras lamang
PAGBASANG MAY PAG TATALA
Pag basang may kaakibat na pag tatala o pagha-highlight ng mahahalagang
impormasyon sa teksto.
PAGBASANG PANG-IMPORMASYON
Layuning malaman ang impormasyon tulad halimbawa ng pagbasa sa
pahayagan kung may bagyo, sa hangarin malaman kung may pasok o wala.
maari rin ang pagbasa ng aklat sa layunin masagot ang takdang aralin.
MULING PAGBASA
Paulit-ulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng
mahirap na talasalitaan o pagkakabuo ng pahayag.
TAHIMIK NA PAGBASA
Ang tahimik na pagbasa ay isinasagawa sa pamamagitan ng mata lamang.
MALAKAS NA PAGBASA
Ay ang proseso ng pag-unawa sa kahulugan ng mga nakalimbag na titik at
pag sasatinig nito upang maihatid sa taga pakinig ang minsahe ng may akda

SAGABAL SA PAGBASA
Kalagayan ng Pag-iisip- Ang mababang kaisipan ay sagabal sa mabisang
pagbasa. Maaring pagmulan ito ng kabiguang mag-ugnay ng mga sagisag sa
mga salitang ginagamit ng may-akda at ng kawalan ng kakayahang tumugon
sa mga bagay na bagasa at mahinag pagsasaulo ng mga bagay na nakita.
Pagbasa nang walang direksyon- Kailangang maunawaan ng isang tao kung
bakit siya bumabasa. Ano ang layunin niya sa pagbasa? Bumabasa ba siya ng
pahayagan upang malaman lamang ang mga balita sa kasalukuyan?
Bumabasa ba siya ngmga aklat sapagkat kinakailangan sa kanyang pagpasok
sa paalaran?
Pagbasa ng mga babasahin at mga aklat na para bang magkatulad ang
kanilang pagkakasulat- mahalagang unawain ang nilalaman, ang bawat
pangngalan, pang-uri, pandiwa, at pang-abay. Mahalagang-mahalaga sa
isang bumabasa ang lubos na kaalaman sa ibat ibang bahagi ng pananalita.
Huwag basahin nang minsanan lamang, manapay ulit-ulitin.
Kawalan ng wastong pamama raan sa pagbasa batay sa layunin- Unahin
muna ang madadali bago tunguhin ang mahihirap . Katulad halimbawa ng
mga aklat. Sagutin muna ang mga katanungang madadali. Ihuli ang
mahihirap.
Hindi paggamit ang mga pananda (marginal notations)- Madaling
maunawaan ang diwa ng binabasa kung isasalin sa sarilng mga pananalita,
mga parirala at bilang ang mahahalagang diwang nais ipahayag.
Kulang sa katatagan ng damdamin- Ang pagkakaroon ng kaba o nerbiyos at
iba pang mga psychiatric ay sagabal sa mabisang pagbabasa. Ang iba pang
maaring maging sanhi ng kakulangan sa katatagan ng damdamin ay pagod,
pag-aalala, kakulangan ng kawilihan,kulang sa pagtitiyaga,kawalan ng sigla
at hindinormal na saloobino hilig sa pagbasa.babasa.
ANO ANG SULAT?
Isang Proseso ng pagtatala ng mga karakter sa isang midyum upang
makabuo ng mga salita. Ang pagsulat ay may letra o mga simbolo na
nakasulat o nakalimbag sa ibabaw ng papel para katawanin ang mga tunog
at mga salita ng isang wika. Ang pagsulat ay gawa ng isang manunulat o
anumang pagpapahayag na gamit ang mga letra ng alpabeto.
PARAAN NG PAGSULAT?
Dapat na marunong ang isang manunulat na tumimpla ng kanyang mga
sinusulat. Nakabaling ito sa tonot himig na hangad ipahiwatig sa katha.
Mgsimula sa pagsulat ng mga diyalogo. Kailangang masalang mabuti kung
ano ang mga gagamiting salita sa diyalogo.
Piliin ang salita na gagamitin depende sa manonood o paksa.

Mahalaga na may nilalaman (content) ang isang kuwento. Ito ang mensahe
ng kuwento, anyo (form) sapagkat mapapailalim sa anyo ang kasiningan ng
pagsusulat. Dito pumapasok ang estilo.
Kailangan sa pagsulat ang disenyo, ang pagbalangakas, ang mga dibisyon
(ang simula, sinulong, at wakas). Dapat rin na pag-aralan ang makatotohanan
at epektibong banghay (plot), karakter (character), tagpuan (location),
paningin (point of view), at iba pang sangkap sa pagkatha. Sa pagsulat ng
iskrip nalrarapat na lakipan ito ng angkop na tunog sapagkat ang iyong
gagawin akda ay pagbabatayan at pinakabuhay ng isang dula.

You might also like