You are on page 1of 1

Mariel Jane D.

Tagaza
2013 15871
February 2, 2016
ANO ANG KABULUHAN AT SILBI NG ARCHAEOLOGY SA BUHAY NG MGA PILIPINO SA
KASALUKUYAN?
Ang archaeology ay ang pag-aaral ng labi ng mga tao, hayop, kagamitan, at lahat ng maaaring
umiral noong mga nakaraang panahon na hindi na naabutan ng mga tao ngayon. Nagkakaroon tayo ng
kaalaman sa mga nangyari noon kagaya ng pag usbong ng mga sibilisasyon, nalaman din natin na ang
mga kasangkapang bato ay ginagamit sa pangangaso na pinagmumulan ng kanilang pagkain at isa ito
sa halimbawa ng teknolohiya noong panahon ng mga sinaunang tao, nalaman din natin na mayroon
ding elepante dito sa ating bansa noong sinaunang panahon, at iba pang mga natuklasan na hindi natin
aakalaing matutuklasan. Ang lahat ng mga materyal, labi, at iba pang nahuhukay ng mga archeologist
ngayon ay mga ebidensiyang makakapagsagot sa mga katanungan kung paano namumuhay ang mga
sinaunang tao.
Ang anthropology, history, at science ay konektado sa archaeology. Ang pag aaral ng
archaeology at anthropology ay sa pamamagitan ng pagtuklas ng kultura sa isang labing material na
isinusuri. Pinag aaralan nito ang gamit o layunin ng material na ito. Sa bahagi naman ng archaeology
at history, pinag aaralan ang mga labing materyal sa pamamagitan ng pag-alam sa written evidences.
Ang archaeology at science naman ay pinag aaralan ang mga nahukay na materyal sa pamamagitan
ng scientific method upang makahanap ng pwedeng ebidensya na makatutulong upang makabuo ng
konklusyon. Ang nais kong iparating kung bakit ko sinabi ang mga ito ay katulad ng history,
anthropology at science, ang archaeology din ay mahalaga sa buhay ng mga Pilipino sa kasalukuyan.
Kung ililipat mo sa National Geographic Channel ang pinapanuod mo, makikita mong ang
ipinapalabas ay mga bansang asa Europa, Africa, etc. Ang hindi madalas naiisip ng lahat ng tao ay ang
lahat ng lugar ay may nakalipas at ang nakalipas ay importante sapagkat unti-unti mong nalalaman
kung saan ka nanggaling. Sinakop tayo dati ng mga Kastila, mga Hapon at Estados Unidos kaya
naman ang mga Pilipino ay naimpluwensiyahan ng mga ito. Ngunit dahil sa tulong ng archaeology,
nasabing ang mga Pilipino ay may sariling komunidad at kultura bago pa dumating ang mga
mananakop. Ito ay inihayag simula noong napag-aralan ng mga archaeologist ang nahukay na Tabon
Skull Cap at Callao MT3. Katulad ng walang katapusang paggamit ng science upang makatuklas
ng bagong impormasyon, nararapat din ang walang katapusang pag halukay sa pamumuhay noong
sinaunang panahon. Hindi man ito bago katulad ng mga ipinapakita ng science sapagkat ang mga ito
ay ilang taon na ang nakalilipas, bago parin naman ito sa mata ng mga tao sapagkat ito ay mga bagay
na umiral na noong hindi pa tayo tao ngunit ngayon lang din natin natuklasan sa pamamagitan ng
archaeology.
Hindi lang naghuhukay at nakakatuklas ang mga archaeologist upang malaman kung anu-ano
ang mga nangyari sa nakaraan, sila rin ay pinag-aaralan kung paano at bakit nagbabago ang human
behavior sa paglipas ng panahon. Naghahanap sila ng pattern sa ebolusyon ng kultura katulad ng pagdevelop ng pagtatanim, pagsasaka, pagbuo at pagkawasak ng sibilisasyon upang magkaroon ng
konklusyon kung paano ang mga ito nangyari. At higit sa lahat, sila ay tuluy-tuloy naghahanap ng
ibat ibang paraan para ma-predict kung paano magbabago ang kultura, pati ang kasalukuyang kultura
upang magkaroon ng plano para sa ikabubuti ng kinabukasan.
Kahit na ang mundo ay patuloy na nagbabago, mabuti parin na ipagpatuloy lang ang pag-aaral
tungkol sa mga nakaraan sa tulong ng archaeology. Hindi na mapapalitan ang mga archaeological
site kapag ito ay nasira kaya naman dapat lang na gamitin na ito. Sa totoo lamang, hindi rin tungkol
lang ito sa mga paso, labi ng mga tao, at kung anu-anong bagay na nahuhukay, ito rin ay para sa mga
tao ngayon, lalo na sa mga Pilipino. Ang mga desisyon tungkol sa ating kinabukasan ay batay sa mga
napag-aralan nating mula sa mga taong umusbong bago satin.

You might also like