You are on page 1of 2

c  

  
 





OLA CHIKKA! MINSAN nang lumabas ang


chikka na kapag itong si Willie Revillame ay
lumipat sa Kapuso Network ay si Joey de Leon
mismo ang magre-resign, dahil ayaw niyang
makasama si Willie na dating kairingan niya sa
magkatapat na shows nila tuwing tanghali.

Ngunit ngayon nga, mukhang hindi na totoo


ang chikkang iyon dahil keber naman daw kung
magkasama sila sa iisang istasyon. Hindi naman
daw µyun big deal kay Joey, dahil ang hirap
kayang maghanap ng trabaho para bigla na lang
niyang

bitiwan ang career dahil kay Willie. Isa pa,


hindi naman daw sila ang bonggang
magkaaway dahil hindi naman siya si Jobert
Sucaldito, µdi ba?

Tama nga naman itong si Joey na ang trabaho dapat ay minamahal at hindi na uso µyang resign-
resign na iyan. Ang iba nga riyan, halos mamatay na sa kahahanap ng trabaho.

Tapos may mga artistang gagawin at handang ibigay ang lahat mabigyan lang ng magandang
break, ngayon nauuso naman ang resign dahil sa pride?

Naku, ha?! Hindi maganda µyan. Isipin n¶yo na lang na maraming naghahangad sa puwestong
kinalalagyan n¶yo ngayon, at kung makapagbigay ka man ng malaking halaga sa istasyon or
magkaroon ka ng milyun-milyong fans ay matutong lumingon sa pinanggalingan at huwag
maging kampante, dahil ang lahat ay may hangganan. Paak!!

SPEAKING OF KASIKATAN na sinasabi ko,tingnan mo na lamang itong bagong show ng labs


na labs kong si Richard Gutierrez sa Siyete. Parang hindi naman ako kumbinsidong Celebrity
Edition ang napapanood ko, dahil halos lahat ng castaways ay kasama na sa listahan ng aking
mga LAOSyana.
Hindi naman sila kasikatan kaya hindi mo maituturing na celebrity to the highest level. Unahin
mo na rito ang assistant ni Piolo Pascual. Sige nga sabihin mo kung artista siya? Malamang
µyung boss niya, oo.

Pangalawa, halos lahat sila ay hindi naman sikat or medyo nalaos na, kaya papaano mong
sasabihing celebrity edition iyon. Sa bagay, mukhang naaaliw naman ang mga tao kaya kahit
palitan na lang nila ng title carry lang!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong napakagaling na singer na hindi lamang
bihasa sa pagbirit ng mga linya ng kanta kundi maging pati ang mga hindi magagandang salita,
number 1 din ang ranking niya?

Ang chikka kasi, isang hairstylist ng kilalang salon ang nag-aayos ng buhok ni singer para sa
isang bonggang production nila sa kanilang noontime variety show.

Ikinakabit na ni hairstylist ang extension ng buhok ni singer at alam ng lahat na masakit ang
procedure na ganu¶n. Basically kapag nasaktan ang isang tao magre-react ito, either sisigaw na
sasabihan ang stylist in a good way or worst is sisigaw siya ng ³ouch!´

Pero naku, µDay! Maloloka ka kung paano nag-react si singer as in exaggerated na over-reacting
talaga ang drama niya. Nagsisisigaw ng bad words na sobrang OA talaga niya. Kung gaano
kaamo ang mukha niya at kaganda ang image sa telebisyon, ganu¶n pala ka-wild ang ugali off-
cam. Tsk, tsk, tsk!

Hindi maganda µyan. Pero marahil sobrang nasaktan lang talaga siya dahil mula naman sila sa
magandang pamilya, lalo na ang kanyang anak ay sobrang talino at well-behaved talaga. Ayan
ha? Given na! Hindi n¶yo pa rin nahuhulaan?

Thank you very much and God bless us all!

Ooola Chika
by Tita Swarding

You might also like