You are on page 1of 3

c   c 


       
 

BLIND ITEM: MONDAY lang ito nangyari.

Isang young actor ang may cameo role sa

isang pelikula. Pinaghandaan ang kanyang

paglabas, dahil siyempre, sikat si young

actor ngayon. Ang role niya sa pelikula ay

isang angel.

Pero dahil hunky-hunky naman at

papalicious namang talaga ang kanyang

dating, kailangang makita ang kanyang

katawan, kaya may pakpak siya, pero

naka-topless. So, naka-pants pa rin siya

no¶n, ha?

µEto na. Nu¶ng malaman ng bagets na

magta-topless siya, tumanggi siya. Puwede

naman daw nakasando, ba¶t kailangang mag-topless? Sa loob-loob ng mga staff, ³Juice ko po, kung

ganyan lang kaganda ang katawan namin, pinagbanduhan namin µyan, µno! Ang ganda-ganda ng

katawan, ba¶t mahihiya?´

Pinilit din ang bagets, pero nakikiusap ito na µwag nang mag-topless. Nakarating ito sa direktor. ³Ah,

ayaw ba niyang mag-topless? Sige, sabihin n¶yo sa kanya, umalis na siya at hindi ko siya kailangan sa

pelikula ko.´
Nakarating din ito sa bida, ³Nako, ha? Ang daming nagkakandarapang mag-guest sa pelikulang ito,

tapos, siya, hindi naman magpapakita ng nota, nag-iinarte nang ganyan? Kumuha na lang tayo ng

iba. Ang daming artistang walang trabaho, µyun na lang ang kunin natin!´

µEto na ang eksena sa tent (µyung pinaka-dressing room), pumuputok na ang labi sa kakakagat sa

tensiyon at hiya ang bagets. Hindi alam kung ano ang gagawin, dahil parang pusang µdi maihi sa

nerbiyos na baka pag nakita pa siya lalo ni directed by ay makarinig siya ng maaanghang na salita.

Kami naman, ang inisip namin, hindi kaya feeling ni bagets ay may konti pa siyang fats or may sugat

siya somewhere sa kanyang body, kaya ayaw niyang mag-topless that time? Kung gano¶n, sana,

inamin na lang niya, kesa umarte pa ng gano¶n, µdi ba?

Hay, naku« kung totoo man ito, positive pa naman ang nangyayari sa kanyang career kahit pa

negative ang kanyang name. Sana lang, makabawi ang bagets na ito bago siya maikasal.

NAKAKALOKAH SA TWITTER. Nabalita kasi na muntik nang magsapakan sina Jake Cuenca at Jason

Abalos, mabuti¶t naawat ni Coco Martin, kaya hindi sila nagpang-abot. Nangyari ito sa isang bar sa

Davao. Ewan kung ano ang pinag-awayan nila.

Pero ang twitter world talaga ay may ³sariling mundo.´ Kung anu-anong ispekulasyon ang

pinalulutang ng dahilan ng kanilang away. Kesyo ang pinag-awayan daw ay ³booking.´ May booking sa

babae. May booking din daw sa bading.

Ha-ha-ha-ha! Anyway, ang importante, nagkaayos na silang dalawa. Iba talaga µpag may espiritu ng

alak, µno? µWag nang iinom kung hindi rin lang kayang dalhin ang sarili.

Alalahanin ng mga artistang ito na meron silang reputasyon at career na dapat alagaan bago sila

gumawa ng mga kagagahan.

MUKHANG PROMISING ANG My Amnesia Girl nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz. Kapag kinabog

nito sa takilya ang Miss You Like Crazy nina Lloydie at Bea o ang A Very Special Love nila ni Sarah

Geronimo, µyun na. Si John Lloyd na talaga ang isang young actor na kahit kanino ay puwede nang

itambal.

Mahirap kasi minsan µyung identified ka sa isang leading lady, eh. Ang tendency, hindi ka na

makakawala. µPag nag-iba ka naman ng leading lady, µyung mga fans naman ang magagalit. Kaya

tama lang ang takbo ng career ni John Lloyd.


At µpag tumabo ito sa takilya starting today, good riddance ang pagkaka-shelve ng movie nina Toni at

Robin Padilla.

Sabi nga ni Mariel Rodriguez, ³Tamaaaa!´

µWag n¶yong kalilimutang makinig palagi sa ³Wow! Ang Showbizz´ sa dwiz 882 sa inyong AM station at

maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn with Ms. F, Rommel Placente and Francis Simeon.

You might also like