Noong ika-12 ng Agosto taong kasalukuyan ay ginanap sa
awditoryum ng Administration building ang taunang selebrasyon ng AcaLitMus sa ating unibersidad. Ang naturang programa ay ang Dance Exhibition na pinangunahan ng mga miyembro ng Dance Company sa pamamagitan ng isang kagila-gilalas na opening performance. Ang Dance exhibition na ito, na isang contest na sinalihan ng iba’t ibang mga dance groups mula sa samu’t saring mga instityut, ay naglalayong magbigay ng opurtunidad sa mga kabataan na maipakita nila ang natatago nilang mga talento sa kabila ng puspusang pag-aaral ng mga ito.
Ang event ay dinaluhan ng maraming istudyante na ikinapuno ng
awditoryum. May mga ilan din na nagpumilit pa rin pumasok sa kabila ng kapunuan ng lugar para lamang masaksihan ang kagila-gilalas na mga dance moves ng mga lumahok. Tilian at magarbong palakpakan ang mga naani ng mga grupo matapos ang kanya-kanya nilang mga performances. Sari-saring mga kasuotang moderno ang isinuot ng mga grupo. Mayroong mga naka-pink ay naka-violet na sadyang nakapupukaw ng paningin ng mga manunuod.
Ang mga taga Institute of Nursing ang naging pangwakas na
performance ng timpalak. At ang nanalo ay nabigyan ng tropeo at Certificate of Recognition. Ang nagwagi sa nasabing Dance Exhibition at umani ng paghanga ng mga tao ay ang grupong mula sa Institute of Education.