You are on page 1of 1

Balangayan sa Unibersidad 2022

Matapos ang halos higit sa dalawang taong pandemya, muling nagbabalik ang
Balangayan sa Unibersidad noong ika-11 ng Nobyembre 2022.

Nakiisa ang iba’t ibang mga organisasyon mula sa Bulacan State University (BulSU) sa
naganap na Gauran at Layag bilang parte ng nasabing programa.

Ang programa at mga aktibidad na ito ay pinangunahan ng BulSU Office of the Student
Organizition and Activities (OSOA) na may temang “EXPEDITION: The Student’s
Redirection Towards thr Route of Brilliance and Excellence” na kung saan ang iba’t
ibang miyembro ng mga organisasyon ay nagsilahok.

Noong umaga ng ika-11 ng Nobyembre, napuno ng pagtitipon-tipon ng mga miyembro


ng mga organisasyon ang Valencia Hall na rito rin nagsimula ang ruta ng Gauran na
tinatawag ring Grand Unity Parade. Dito na rin nag simula ang naturang programa para
sa unang araw ng Balangayan.

Napuno ng ingay ng kasiyahan ang Valencia Hall mula sa mga miyembro ng iba’t ibang
organsisyon na nag papagalingan at magpapahusayan sa kanilang mga inihandang yell
kasama ang mga muse ng bawat isang organisasyon na nakikiisa sa Balangayan.

Itinampok rin sa araw na iyon ang iba’t ibang nilikhang bandera ng bawat organisasyon
para sa Flag Making Competition o Layag.

Sa Harap naman ng Activity Center ay makikita ang iba’t ibang mga booth na maaring
pagbilhan ng mga studyante ng iba’t ibang kagamitan at serbisyo.

You might also like