Professional Documents
Culture Documents
Uri ng Hilot
Comadrona para sa mga kakapanganak pa lang Hilot para sa mga may pilay Acupressurist tiga-linya ng mga ugat (nerves) at taga-balanse ng enerhiya sa katawan Reflexologist tagatanggal ng sobrang enerhiya sa katawan Albularyo - gumagamit ng mga halamanggamot sa panghihilot
Kasaysayan ng Panghihilot
Walang formal na rekord na naitala sa ating kasaysayan ukol sa paglitaw ng hilot sa Pilipinas. Ang tanging labi na nagpapatunay na umiiral na sila dati pa ay ang kanilang mga pendant na gawa sa tanso na may ibat ibang laki, hugis at naka-ukit na marka. Palagay kasi nila na ang mga pendant na ito ay may misteryosong kapangyarihan at ang sinuman na magsuot nito ay binibiyayaan ng supernatural na kakayahan. Sa kadahilanang ito, lubos ang kanilang pagpapahalaga sa mga pendant na ito. Bago sila mamatay, ipinamamana na nila ito sa iba nilang kapamilya na interesado sa hilot. Ang napiling tagapagmana ay daraan sa apprenticeship upang matuto ng sining ng panghihilot. Maraming kadahilanan kung bakit patuloy na umiiral ang hilot sa bansa. Ang unang dahilan ay kahirapan. Sa mahal ng gastusin sa pagpapagamot sa ospital, minamabuti na lang ng ilan sa ating mga kababayan na magpatingin na lamang sa mga tagahilot. Maliit at kung minsan ay hindi na kasi naniningil ang mga tagahilot lalo na kung siyay isang malapit na kaibigan. Bukod dito, madali rin kasi puntahan ang mga tagahilot dahil karaniwan ang panghihilot sa probinsya. Di na kailangang dumayo sa kabayanan o kalungsuran kung mayroon namang tagahilot sa iyong komunidad. Panghuli, itinuturing kasi ng mga taong maysakit na last resort ang hilot kapag wala na talagang lunas na mairerekomenda ang mga doktor.
Paraan ng Panggagamot
Bago simulan ang panghihilot, karaniwang nagsasagawa muna ang manghihilot ng ritwal. Nagdarasal siya sa Maykapal upang bigyan siya ng kapangyarihang magbigay-lunas. Sunod, magsasagawa siya ng orasyon upang tawagin ang mga espiritu sa kapaligiran upang gabayan siya sa panggagamot. Panghuli, tatawagin niya ang maysakit upang pakilusin ang natural na kapangyarihan ng katawan upang gamutin ang kanyang sarili. Upang malaman ang sala (malady), karaniwang sinisimulan ang panghihilot sa pamamagitan ng panghihila. Pagkatapos masahiin ng langis ng niyog ang nananakit na kalamnan at buto, tatapalan ang nananakit na parte ng iyong katawan ng dahon ng saging. Ginagamit ang langis ng niyog upang panatilihing mainit ang kamay ng manghihilot habang ang dahon ng saging ay tinatapal dahil sa astringent at cleansing effect nito sa katawan. SANGGUNIAN:
http://asiapacificuniverse.com/asia_pacific_features3.htm http://www.stuartxchange.org/Albularyo.html http://hilotmassage.com/ http://www.myhomespa.ph/filipinohilotmassage.html http://hilot.interfree.it/Web%20Articles%20English.htm