You are on page 1of 4

MGA URI NG PANDIWA (ayon sa kaukulan) *Pandiwa Bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos o galaw.

. Ito ang nagbibigay diwa sa isang pangungusap. Itoy binubuo ng salitang-ugat at panlaping makadiwa tulad ng mga, um ,in, hin, an, han, mak, maki, ma, magsi, at iba pa.

Pangkat A
1. Bumili ng baging telebisyon ang nanay sa Makati. 2. Ang tubero ay nag-aayos ng tubo sa aming bahay. 3. Nakinig kay Elvis Presley ang mga bata bago sila sumayaw.

Pangkat B
1. Pareho silang naghahanap. 2. Nag-ipon sin sila. 3. Gumagawa sina Mang Ben at Mang Lino.

1. PANDIWANG PALIPAT Sa mga pangungusap sa Pangkat A ay mapapansin ang pandiwa at ang parirala. Ang mga parirala ang mga tuwirang layon at pinangungunahan ng pang-ukol na ng, sa at kay. Kapag ang pandiwa ay may tuwirang layon, ito ay pandiwang palipat. 2. PANDIWANG KATAWANIN Kung ang pandiway hindi na kailangan ng tuwirang layon at nagtataglay ng kahulugang buo sa ganang sarili kayat hindi na kailangan ang tagatanggap ng kilos, ito ay tintawag na pandiwang katawanin. ASPEKTO NG PANDIWA Ang pandiwa ay nagbabanghay sa tatlong aspekto na tumutukoy sa panahong ikinagaganap, ikagaganap, o ikinaganap ng kilos. 1. Aspektong PERPEKTIBO o naganap nagsasaad ng kilos na nasimulan na o ng kalagayang nangyari na. Halimbawa: Napanood ko ang pagsayaw ni Clare kanina. 2. Aspektong IMPERPEKTIBO o nagaganap nagsasaad ng kilos na ginagawa sa kasalukuyan o ng kilos na palagiang ginagawa. Halimbawa: Napapanood ko ang pagsasayaw ni Clare ngayon. 3. Aspektong KONTEMPLATIBO o magaganap- nagpapahayag ng kilos na gagawin o mangyayai pa lamang. Halimbawa: Mapapanood mo ang pagsasayaw ni Clare sa Linggo. TINIG NG PANDIWA Ang tinig ay isang pag-aari ng pandiwa na nagpapakilala kung simuno ang siyang gumaganap o bagay na ginaganap. Uri ng Tinig ng Pandiwa 1. Tukuyan kung ang simuno ay siyang tagaganap ng pandiwa. Ang pandiwang nasa tinig na ito ay karaniwang may isang tagatanggap ng kilos o galaw na tintatawag na tuwirang layon. Ang mga um, mag, mang, magpa, maki, at iba pa, ay karaniwang ginagamit sa tinig na tukuyan. Halimbawa: Nanghiram ka ba ng bilao kina Aling Maria? 2. Balintiyak kapag ang salitang tagaganap ng kilos o galaw ng pandiwa ay hindi ginagamit na simuno at ang nasabing tgagaganap ay nasa hulihan ng pandiwa. Ang karaniwang pinaggamitan ng pandiwang nasa tinig na balintiyak ay ang pangungusap na ang dating tuwirang layon ay ang ginagamit na simuno. Halimbawa: Ang bilao ay hiniram kina Aling Maria.

PONEMANG SUPRASEGMENTAL Ang mga ponema ay tinatawag na ponemang segmental. Ang bawat wika ay may sariling pangkat o takdang dami ng mga ponemang segmental. Ang Filipino ay may 20 ponemang segmental. Ang isang segment o ponema ay hindi maaaring palitan o alisin nang hindi magbabago ang kahulugan. HALIMBAWA: /e/ at /i/ - ewan- iwan /u/ at /o/ - uso-oso May mga pagkakataon na ang isang ponema ay maaaring palitan ng ibang ponema na ang kahulugan ng salita ay hindi magbabago. HALIMBAWA: Ang mga ito ay mga ponemang malayang nagpapalitan: /d/ at /r/ - daw-raw /u/ at /o/ - nuon-noon /i/ at /e/ - lalaki at lalake May apat na ponemang suprasegmental Tinatawag na ponemang suprasegmental ang tono, haba, diin at antala sapagkat ang suprasegmental ay pantulong sa ponemang pantulong o suprasegmental. 1. Tono o pitch Ito ay tumutukoy sa taas-baba ng bigkas ng pantig ng isang salita. HALIMBAWA a. b.

2.. Haba o length ito ay haba ng bigkas ng pantinig ng pantig. 3. Diin o stress ito ay lakas ng bigakas ng pantig. Kailangang talakayin ng magkasama ang haba at diin para sa ikalilinaw ng gampanin ng mga suprasegmental na ito. Halimbawa: Isang tulang Ingles ni Tennyson: "Break, break, break On thy cold, gray stones, O sea! Ang unang linya ng tula ay binubuo ng tatlong pantig. Samantalang ang ikalawang linya naman ay binubuo ng pitong pantig. Sa Ingles, ang binibilang ay hindi pantig kundi ang diin. Ang unang linya ay may tatlong diin. Ito ay break, break break. Ang diin naman sa ikalawang linya ay nasa cold, stones, sea. Dahil stressed-time ang wikang Ingles, ang tagal ng pagbigkas sa unang linya na binubuo lamang ng tatlong pantig ay kasintagal ng pagbigkas sa ikalawang linya na binubuo ng pitong pantig. Sa wikang Ingles, ang mga salita o pantig na walang diin ay nagiging napakabilis ng bigkas na parang kinakain ang salita. Tinatawag itong obscuring. Sa Filipino, hindi maaari ang ganito kung ang pag-uusapan ay ang kumbensyunal na tula na may sukat at tugma. Ang binibilang dito ay hundi dami ng linya kundi ang dami ng pantig. HALIMBAWA: Sa tula ni Francisco Balagtas: Paalam, Bayan kong kasuyo ng araw, Pumanaw na Edeng mutya ng Silangan, Malugod kong hain yaring abang buhay; At kung naging lalong sariwat maringal, Iaalay ko rin, matubos ka lamang.

Sa tulang ito, bawat linya ay may labindalawang pantig. Dito, hindi diin ang ating binibilang kundi pantig. Sa Filipino, higit na mahalaga ang haba kaysa tono at diin. Halimbawa: 1. kasa. ma companion 4. magna. na. kaw will steal 2. kasama- tenant 3. magnana.kaw thief 5. magna.nakaw will go on stealing

Higit na mahalaga sa Filipino ang pagpapahaba sa patinig ng pantig kaysa sa tono at diin. Kapag pinahaba ang bigkas ng patinig, lumalakas ang bigkas at tumataas rin ang tono ng pantog. 5. Antala o juncture ito ay saglit na pagtigil na ating ginagawa sa ating pagsasalita. HALIMBAWA: Hindi malaki Its not big Hindi, malaki No, its big PAGSUSURI O REBYU NG PELIKULA PELIKULA *Isang obrang pansining na kakikitaan ng galling, tradisyon, kultura, kaugalian, saloobin, at pagpapahalaga ng tao/bansang pinagmulan nito. *Salamin ng bayan *Ito ay may responsibilidad sa dimensyong sosyal. *Libangan ng mga tao. *Ito ay isang uri ng media na may malaking epekto sa pag-iisip at pag-uugali ng mga manonood. *Iba iba ang pinapaksa ng pelikula. Ang pagsasagawa ng pelikula ay nangangailangan ng mahabang proseso. Maraming salik o elemento ang isinaalang-alang. Ang mga ito ay ang mga sumusunod. 1. Direksyon: Paano ipinahahatid ng director ang mensahe ng pelikula? Bakit siya tinatawag na kapitan ng barko sa paggawa ng pelikula? 2. Pagganap: Nabigyang lalim at bisa ba ang pagsasabuhay ng mga karakter? Makatarungan ba ang Pagganap ng mga actor at mga aktres? 3. Istoryang Pampelikula: Kapana-panabik ba ang bawat pangyayari sa kwento? Paano binigyang-linaw ang mga pangyayari sa istorya? 4. Disemyong Pamproduksyon: Angkop ba sa istorya at mga tauhan ang mga ginamit na kagamitan, kasuotan, tanawin, set at panahaon? 5. Sinematograpiya: Tiyak at masining ba ang bawat anggulo ng kamera, ang bawat galaw, ang layo o lapit na nais marating, liwanag at dilim sa pag-iilaw, mga hugis, anino at kulay? 6. Editing: Mahusay ba ang pagkakaedit ng pelikula? Hindi ba naapektuhan ang kabuluhang estetiko ng pelikula sa pagkakaedit ng ilang eksena? 7. Musikal Iskoring: Pinatitingkad ba at angkop ang mga musika at mga tunog na ginamit sa ibat ibang emosyon sa bawat eksena ng pelikula? 8. Paglalapat ng tunog: Malinaw ba ang dating ng mga dayalog sa pelikula? Nauuna ba o nahuhuli ang mga tunog sa bawat eksena? PAGGAMIT NG IBAT IBANG SANGGUNIANG AKLAT 1. Diksyunaryo/talatinigan *Nagbibigay ng kahulugan sa mga salita, maging ang wastong baybay at kasingkahulugan ng salita. *Nalalaman din natin sa aklat na ito kung anong bahagi ng pananalita kabilang ang isang salita. *Makikita rin dito kung paano ang isang salita binibigkas, pinapantig at ginigitlingan. *May mga diksyunaryo din na nililista ang kasalungat na kahulugan ng mga salita. 2. Ensayklopidya *Naglalaman ito ng iba-ibang kaalaman hinggil sa lahat halos ng paksa. *Karaniwan itong lumalabas nang isang buong set at nakaayos nang paalpabeto. *Hanggang 24 na bolyum ang kadalasang dami ng isang set ng ensayklopisya. *May index ito at sub-topics. 3. Atlas *Kapag nangangailangan ng impormasyon sa heograpiya, pinakamainam gamitin ang atlas.

*Ito ay aklat ng mga mapa na nagsasabi ng tungkol sa agwat o layo ng mga pook sa buong mundo. *Nakikita rin dito ang mga anyo at pangalan ng mga ilog, dagat, karagatan, lawa, look, mga bulkan, mga highway at iba pang daa. 4. Almanac *Ito ay sangguniang tipong kalendaryo ng naglalaman ng ibat ibang impormasyon gaya ng tungkol sa isport o palakasan, mga gawa o kabatiran sa panahon at mga weather forecast. *Makikita din sito ang kalendaryo ng mga araw, lingo, buwan, at taon na nalalakipan ng mahalagang istadistika. *Ang World Almanac ay aklat ng mga datos, katotohanan na nagbibigay-kaalaman tungkol sa mga bansa sa buong daigdig. *Mababasa din dito ang pinakamahalagang pangyayari sa pulitika, relihiyon, edukasyon, lipunan, pamahalaan, industriya at kalakalan.

You might also like