You are on page 1of 42

LAWAK NG KAALAMAN SA ORTOGRAPIYANG FILIPINO

NG MGA GURO SA MATAAS NA PAARALAN NG GUBAT, DISTRITO NG SORSOGON

CHELO MANANSALA-HOMO

ISANG TESIS NA INIHARAP BILANG BAHAGI


NG PAGTUPAD SA MGA KAILANGAN SA
TITULONG MASTER NG EDUKASYON
MEDYOR SA FILIPINO
SORSOGON STATE COLLEGE
SORSOGON CITY

ABSTRAK

Layunin ng pag-aaral na ito na tiyakin ang lawak ng kaalaman


sa Ortograpiyang Filipino ng mga guro sa Filipino sa Mataas na
Paaralan ng Gubat, Distrito ng Sorsogon.
Ang mga respondent sa pag-aaral na ito ay ang labing siyam
(19) na gurong nagtuturo sa asignaturang Filipino sa Mataas na
Paaralan

ng

Gubat,

Distrito

ng

Sorsogon.

Ginamit

ang

deskriptibong korelesyunal sa paglikom ng mga datos na kailangan


sa

pag-aaral. Isang sarbey ang instrumentong ginamit sa paglikom

ng

datos

upang

malaman

ang

lawak

ng

kaalaman

ng

guro

sa

ortograpiyang Filipino. Ang mga nalikom na datos ay inalisa at


binigyan interpretasyon sa pamamagitan ng paggamit ng nararapat
na istatistika.
Ang mga natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod:
Mas nakararami ang bilang ng mga gurong babae ang nagtuturo sa
asignaturang Filipino kaysa sa mga lalaking guro. Karamihan sa
kanila ay Teacher I at gradweyt sa kursong BSED/AB. Karamihan sa
kanila ay medyor sa Filipino ngunit mga baguhan pa sa serbisyo.
Kakaunti lamang ang kanilang mga dinaluhang seminar at pagsasanay
na lokal, rehiyonal at pambansa. Ang average mean score ng mga
guro sa lawak ng kanilang kaalaman sa ortograpiyang Filipino ay

6.86. Ang computed chi-square sa kasarian, posisyon, pinakamataas


na pinag-aralan, medyor, haba ng panahon sa pagtuturo ng Filipino
at pagsasanay na dinaluhan ay 1.63, 2.74, 2.79, 12.37 at 8.21.
Ang

tatlong

mga

suliraning

kinakaharap

ng

mga

guro

pagpapalawak ng kanilang kaalaman sa ortograpiya ay

sa

kaunti ang

mga dinaluhang seminar at pagsasanay sa Filipino, kulang at kapos


sa panahon sa pagbabasa ukol sa ortograpiya at hindi medyor sa
Filipino. May panukalang solusyon na makapagpapalawak ng kaalaman
ng mga guro sa ortograpiyang Filipino.
Batay sa mga natuklasan, ang mga
nakararami

ang

babaeng

Karamihan

sa

BSED/AB.

Medor

sa

Filipino

baguhan

pa

sa

ngunit

kanila

respondents

ay

nasa

kaysa

Teacher

ang

serbisyo.

kongklusyon ay: Mas

sa
at

karamihan
Kakaunti

mga

kalalakihan.

tapos

sa

mga

lamang

sa

kursong

respondents
ang

kanilang

nadaluhang seminar at pagsasanay sa lokal, rehiyonal at pambansa.


Ang lawak ng kaalaman ng mga guro sa ortograpiyang Filipino ay
di-gaanong

mahusay.

pinakamataas

na

Walang

pinag

kaugnayan

aralan,

ang

medyor,

kasarian,
haba

ng

posisyon,
panahon

sa

pagtuturo ng Filipino at pagsasanay na dinaluhan sa lawak ng


kaalaman

ng

mga

guro

sa

Ortograpiyang

Filipino.

May

mga

suliraning kinakaharap ang mga guro na nagtuturo sa Filipino sa


Ortograpiyang Filipino. Ang panukalang solusyon batay sa resulta
ng pag aaral ay pwedeng ipatupad at gamitin.

Ang rekomendasyon ay: Hikayatin ang mga guro na nagtuturo ng


Filipino na bigyang pagpapahalaga ang ganap na pagkatuto tungkol
sa Ortograpiyang Filipino upang lalong maging kongkreto, tunay,
daynamik at ganap na modelo sa kanilang mag-aaral.Ang lahat ng
guro sa/ng Filipino ay bigyan ng pagkakataong dumalo sa seminar
sa

Filipino

upang

higit

na

mapaunlad

ang

kaalaman

sa

Ortograpiyang Filipino at maging ang kabuuan ng Filipino bilang


asignatura.Magsagawa ng iba pang pag-aaral na may kaugnayan sa
kasalukuyang pag-aaral at magamit ang resulta ng pag-aaral na ito
ng mga susunod na mananaliksik.

KABANATA I

ANG SULIRANIN

Kaligiran ng Pag-aaral
Malaki ang impluwensya ng edukasyon sa hindi mapigilang
pagsulong ng panahon at pag-iiba ng mukha ng mundo. Ito ang
isa sa mga dahilan ng napakaraming pagbabagong nagganap sa
halos lahat ng aspekto ng buhay at hindi maikakailang ito
rin ang tugon at susi sa inaasam na kaunlaran at matatag na
lipunan. Kung gayon, isang hakbang upang matamo ang maunlad
at matatag na edukasyon ay ang pagkakaroon ng mga gurong may
sapat na kahandaan, kaalaman at kasanayan sa pagtuturo.
Isinasaad sa Kautusang Pangkagawaran Blg.10533 s.2013,
Isa sa layunin ng K to 12 Kurikulum, Education for All (EFA)
ang magkaroon ng dekalidad na edukasyon. Ito ay makakamtan
lamang kung malalaman ang mga salik na siyang makatutulong
upang paunlarin ang performans ng mga mag-aaral. Ang gawain
na ito ay obligasyon ng mga guro. Dapat nilang malaman kung
ano-ano ito nang sa ganoon ay makapagplano sila ng mga
estratehiya na makapagbibigay daan tungo sa mas maunlad at
produktibong resulta sa performans ng mga mag- aaral. Isa sa
mga asignatura na kasalukuyang kabilang sa bawat na programa
sa pag-aaral na inilatag ng DepEd ay ang Filipino.

Ayon

sa

Departamento

ng

Edukasyon

Ang

Filipino

ay

isang asignatura na tumatalakay sa mga bagay - bagay na may


kaugnayan sa ating Wikang Pambansa. Ang tao ay nabubuhay sa
paghahanap at pag-alam ng mga bagay-bagay at ang wika ay
nabubuhay kung napag-uukulan ito ng panahon na mapaunlad ng
tao.

Sa

madaling

salita,

magkaagapay

ang

bawat

isa

sa

pagtupad ngisang layuning makabansa.


Ayon
pagbabagong

sa

pahayag

ito

ang

ni
mga

Bautista

(2004),

suliranin

sa

dulot

ng

pagbabaybay

sa

ortograpiya at gramatika at sa patuloy na panghihiram ng mga


salita sa ibang wika, nawawalan ng kakanyahan ang isang wika
dahil sa mga katangiang hinahalaw dito na nagpapabago sa
anyo ng palabaybayan nito.
Pinaluluwag dito ang pagpasok ng mga elemento mula sa
ibang wika nang hindi isinasakripisyo ang simplisidad ng
sistema ng pagbaybay. Ang mga pagbabagong ito ay dahilan
kung bakit ang mga guro ay kailangang maging bukas ang
isipan sa pagtanggap ng mga makabagong paraan sa ibat ibang
pagbabagong panlipunan.
Taong 2012 nang ipatupad ang K to 12 Kurikulum ng
Departamento ng Edukasyon, idinagdag ang Mother Tongue na
sabjek

na

elementarya

kung
sa

saan,
kanilang

ituturo

ang

diyalekto.

mga
Sa

asignatura

kabila

ng

sa

multi-

lengguwaheng dulog ng Kagawaran ng Edukasyon, wala pa ring


mga

bagong

programa

para

sa

pagpaunlad

ng

ating

wikang

Pambansa. At dito masusubok ang tatag at pasensya ng mga


guro sa pagtuturo ng Filipino
Maraming

Filipino

ngayon

ang

hirap

sa

paggamit

ng

Filipino, pasulat o pasalita man.Lumalabas sa obserbasyon na


patuloy ang pagsasawalang-bahala at pagkikibit ng balikat ng
mga mag-aaral at ilang mga guro dahil mas binibigyang
pansin pa rin ang pag-aaral ng ingles dahil mas nagpapakita
ito ng katalinuhan ng isang tao kaysa magpakadalubhasa sa
sariling wika, ayon na rin sa kinasanayan ng ating lipunan.
Ayon kay Reandino (2014), tatlumput anim na bahagdan
(36%)

respondents

ng

mga

mag-aaral

ang

sumagot

na

di-

kalidad na pagtuturo ng Filipino ang isa sa mga suliraning


kinakaharap nila sa akademikong Filipino.
-----Ayon kay Gleason (Baluca et.al, 2006)Ang baryasyon ng
wika ay isang katotohanan sa lipunan na nakabukod sa mga
tradisyon
nakikilala

ng
sa

mga

tao

ibat

etniko.Gayunpaman,

at

ibang

sa

mga

salik

grupong

kinakailangan

panlipunan

sosyal,
na

anumang pagbabagong magaganap sa wika.

kultural

mapaghandaan

na
at
ang

---------Sa pag-aaral na ito mababatid kung gaano kalawak ang


kaalaman sa Ortograpiyang Filipino ng mga guro sa Filipino
sa Mataas na Paaralan ng Gubat, Distrito ng Sorsogon.

Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tiyakin ang Lawak
ng

Kaalaman

Filipino

ng

sa

Ortograpiyang

Mataas

na

Filipino

Paaralan

ng

ng

Gubat,

mga

Guro

sa

Distrito

ng

Sorsogon.
Sasagutin sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na
tanong:
1.Ano ang profile ng mga guro na nagtuturo ng asignaturang
Fiipino

batay sa:

a. kasarian
b.posisyon
c. pinakamataas na natapos
d. medyor
e.haba ng panahon sa pagtuturo ng Filipino

f. pagsasanay na dinaluhan

2. Gaano kalawak ang kaalaman ng mga guro sa Filipino sa


Ortograpiyang Filipino?
3. May mahalagang kaugnayan ba na namagitan sa profile ng
mga guro at lawak ng kanilang kaalaman sa Ortograpiyang
Filipino?
4.Ano ang mga suliraning kinakaharap ng mga guro sa paggamit
ng bagong ortograpiyang Filipino?
5. Ano ang maipapanukalang solusyon batay sa resulta ng pagaaral?

Kahalahagan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay magiging makabuluhan dahil ang
maibibigay na impormasyon ukol sa lawak ng kaalaman ng mga
guro

sa

Ortograpiyang

Filipino

ay

makatutulong

upang

masolusyunan ang mga suliraning kinakaharap nila sa paggamit


nito.
Ang pag-aaral na ito ay maaaring

kapaki- pakinabang sa

mga sumusunod:
Kagawaran

ng

Edukasyon.

Upang

makapagpanukala

ng

pagpapalakas ng pagtuturo ng Filipino sa kabila ng mutilingguwal na pagdulog ng edukasyon.


Superbisor ng Filipino. Upang magsagawa ng mga seminar
at pagsasanay sa mga guro lalong lalo na sa mga di-medyor sa
pagtuturo ng asignaturang Filipino.
Punong-guro. Upang maging batayan sa pagdaos ng mga
pagsasanay sa mga guro ukol sa paglinang ng paggamit ng
wika.
Mga

Guro.

Upang

lalong

mapaghusay

ang

kanilang

pagtuturo sa Filipino sa ibat ibang disiplina.


.Mga Mag-aaral. Upang maging matatas sa paggamit ng
wikang Filipino pasalita man o pasulat.
Risertser. Upang makapagbigay ng kaalaman ukol sa pagaaral ng wika.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral


Aalamin ng pag-aaral na ito ang lawak ng kaalaman ng
mga guro sa Ortograpiyang Filipino.Sasagutin sa pag-aaral na
ito kung ano ang profile ng mga guro sa Mataas na Paaralan
ng Gubat, Distrito ng Sorsogon na nagtuturo ng asignaturang
Filipino

batay

sa:

kasarian,

posisyon,

pinakamataas

na

natapos, medyor, haba ng panahon sa pagtuturo ng Filipino at


pagsasanay na dinaluhan, Gaano kalawak ang kaalaman ng mga
guro sa Ortograpiyang Filipino, May mahalagang kaugnayan ba
na namagitan sa profile ng mga guro at lawak ng kanilang
kaalaman sa Ortograpiyang Filipino, Ano ang mga suliraning
kinakaharap ng mga guro
Filipino

at

ano

ang

sa paggamit ng bagong ortograpiyang


maipapanukalang

solusyon

batay

sa

resulta ng pag-aaral.
Ang mga respondent sa pag-aaral na ito ay ang mga guro
sa

Filipino

Sorsogon.

sa

Lahat

Mataas
ng

na

guro

Paaralan
na

ng

nagtuturo

Gubat,Distrito
sa

Filipino

ng
ang

bibigyan ng talatanungang personal at pagsusulit.


Ang

pag-aaral

na

ito

ay

limitado

sa

mga

guro

na

nagtuturo ng asignaturang Filipino sa Mataas na Paaralan ng


Gubat, Distrito ng Sorsogon.

KATUTURAN ng TALAKAY
Upang lubos na maunawaan ng mga mambabasa ang pag-aaral
na ito, ang sumusunodna salita o lipon ng mga salita ay
binigyang

katuturan

kahulugan

ayon

sa

pagkakagamit

ng

kasalukuyang pag-aaral:

Lawak ng Kaalaman. Ito ay tumutukoy sa kaalaman sa


ortograpiyang Filipino.

Ortograpiyang
tuntunin

ung

Filipino.

paano

sumulat

Ito

gamit

ay
ang

binubuo
wikang

ng

mga

Filipino.

(Marbella)

Profile ng mga Guro. Ito ay tumutukoy sa kasarian,


katayuang sibil, posisyon,pinakamataas na natapos, medyor,
haba ng taon sa pagtututuro ng Filipino at mga pagsasanay na
dinaluhan ng mga guro.

Posisyon.

Ito

ay

tumutukoy

sa

mga

aytem

ng

guro, tulad ng Teacher (I,II,III). Master Teacher


(I, II, III) at Head Teacher (I, II, III).
Filipino.Ito

ay

tumutukoy

sa

Pambansang

Wika

Pilipinas;at Asignaturang pinag-aaralan sa paaralan.

ng

Ispeling. Ito ay tumutukoy sa pagbaybay ng mga salita


sa wikang Filipino alinsunod sa Ortograpiyang Pambansa.

KABANATA II
TEORITIKAL, KONSEPTUWAL at OPERASYONAL na BATAYAN ng PAG-AARAL
Inilalahad

sa

kabanatang

ito

ang

buod

ng

mga

napiling

literatura at pag-aaral. Gayundin ang sintesis ng pag-aaral, gap,


balangkas konseptwal ng pag-aaral at hipotesis.

Kaugnay na Literatura
Ang mga literaturang nabasa ay nakapag-ambag sa konsepto ng
kasalukuyang isinasagawang pag-aaral
Ayon
Filipino

sa
ay

Komisyon
palaging

ng

Wikang

tulad

ng

Filipino

ibang

wika

(KWF),
sa

ang

wikang

pamamagitan

ng

pagsalin ng mga salita galing sa mga katutubo at dayuhang salita


para sa ibat ibang sitwasyon.
Sang-ayon kay Gleason (2006)ang baryasyon ng wika ay isang
katotohanan sa lipunan na nakabukal sa mga tradisyon ng mga tao
at sa mga salik panlipunan na nakakakilala sa ibat ibang grupong
sosyal, kultural at etniko.
Ang

wika

ay

lumalago,

nagbabago

at

nadaragdagan

ang

talasalitaan hanggat ito ay buhay, ito naman ang pahayag ni


Quinto.
Ayon kina Santos at Hufana (2008), ang Filipino ay liberated
variety ng Filipino dahil sa malaya nitong tinatanggap ang mga
salitang katutubo o banyaga man, ito ay mananatiling buhay at
dinamiko.
Gayunpaman, binanggit ni Bautista(2004) na kinakailangan na
mapaghandaan

ang

anumang

pagbabagong

magaganap

sa

wika

dahil

dulot ng pagbabagong ito ang mga suliranin sa pagbabaybay sa

ortograpiya at gramatika.Sa patuloy na panghihiram ng mga salita


sa ibang wika, nawawalan ng kakanyahan ang isang wika dahil sa
mga

katangiang

hinahalaw

dito

na

nagpapabago

sa

anyo

ng

kahalagahan

sa

palabaybayan nito.
Ang

mga

nabanggit

na

literatura

ay

may

kasalukuyang pag-aaral sapagkat may mga konsepto o ideya tulad ng


mga kaisipan sa pagproseso ng mga impormasyon na mababasa sa
kasalukuyang pag-aaral.
Ayon kay Transona Jr., (2002), malaki ang ginagampanan ng
edukasyon sa pag-unlad ng isang bansa. At dahil sa paaralan
nakabatay ang mga inaasahan at mithiin ng mga mamamayan patuloy
na nagbabago ang sistema nito. Ang antas ng kahusayan ng alinmang
paaralan ay nakasalalay sa pagganap ng mga guro sa pagtuturo.
May ibat ibang papel na ginagampanan ang guro. Sa kanilang
pagtuturo

silay

umaakto

bilang

tagapayo,

patnubay,

tagapangasiwa, kapatid, kaibigan, magulang at iba pa. Sa isang


banda,

dahil

sa

ang

pagtuturo

ay

isang

komplikadong

gawain,

mahalaga ang kahandaan ng guro sa propesyong ito. Bagamat, hindi


lamang ang guro ang tanging baryabol sa ekwasyong pagtuturopagkatuto, ang kahandaan ng guro sa pagtuturo ay isang malaking
salik na nakapag-aambag sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ayon kay Bacani (2000), makakamit ang makabagong sistemang


edukasyunal ng ating bansa sa pamamagitan ng kurikulum pangwika
na nakapokus sa mga mag-aaral. Ang pangunahing layon nito ay ang
paglinang ng mga kasanayang komunikatibo na krusyal na tungkulin
ng bawat gurong Filipino.
Dapat tandaan ng guro na ang interaksyon ay magiging mabisa
lamang kung may ugnayan ang guro at ang mga mag-aaral. Higit na
mahalagang maitatak sa isipan ng mga guro na ang pagpapahusay sa
interaktibong pagdulog sa pagtuturo ng komunikasyon ay studentcentered, yaong nakararami ang salitaan ng mga mag-aaral upang
ganap silang matuto sa wika at masanay sa pagsasalita na mahalaga
sa pakikipag-ugnayang sosyal (Villafuerte at Bernales, 2008).
Kaugnay ng mga pagbabago sa kurikulum, sinabi ni San Luis
(2004) na ang tipikal na guro sa kasalukuyang panahon ay bukas sa
mga pangunahing pagbabagong hatid ng mga pagsasanay at muling
pagsasanay. Sa ganitong pananaw, ang pamahalaan at Kagawaran ng
Edukasyon ay dapat lamang na maging katulong at hindi hadlang sa
pag-unlad ng paaralan sa ating bansa sapangunguna ng mga guro.
Samakatwid,

bilang

mga

guro,

kailangang

matugunan

ang

pangangailangan ng isang partikular na pangkat ng mga mag-aaral


na maging makabuluhan sa daigdig na papasukin nila pagkatapos ng

kanilang pag-aaral bilang pagsunod sa pagbabago ng Kurikulum sa


Batayang Edukasyon ng DepEd (Badayos, 2006).
Nakatulong sa kasalukuyang pag- aaral ang mga nabanggit na
literaturadahil isang mahalagang salik ang guro upang mabuo ang
pag-aaral na isasagawa.

Kaugnay na Pag-aaral
Sa

kongklusyon

ng

pag-aaral

nina

Malana

(2013),

ang

kakulangan ng kaalaman ng mag-aaral sa linggwistikong filipino at


maling pagbigkas ay mga dahilan sa maling pagbaybay. Ang kanilang
pag-aaral ay ukol sa mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral
sa sekondarya samantalang ang kasalukuyang pag-aaral ay tungkol
sa lawak ng kaalaman ng mga guro sa ortograpiyang Filipino.
Ang pag-aaral ni Naparan (2001) na may pamagat na Learning
Enhancement and Activity Program of Public Secondary Schools of
the Division of Calbayog City: An Assessment ay nakatuon sa
paghambing ng pananaw ng mga guro at administrador sa pagpatupad
ng LEAP (Learning Enhancement and Activity Program) at pag-alam
sa

kaugnayan

ng

profile

ng

mga

ito

sa

kanilang

pananaw.

Natuklasan sa pag-aaral na ang mga suliraning nakaharap ng mga


guro at administrador sa pagpatupad ng LEAP ay ang parehong hindi
pagtanggap ng mga guro at administrador sa mga pagbabago, ang
pagkakaroon

ng

negatibong

pagtanggap

nito

at

ang

mahinang

pagpaplano

ng

propesyonal

na

LEAP

sessions.sa

pag-unlad

ng

mga

pag-aaral
guro

at

ay

hindi

kulang
sila

ang

gaanong

nahihikayat na magpatuloy ng kanilang pag-aaral sa antas gradwado


sapagkat halos kulang pa ang kanilang sahod na panustos dito
maliban kung mabibigyan sila ng scholarship na iniaalok ng DepEd.
Gayunpaman, halos lahat ng mga guro ay nakadalo ng mga in-service
training na nakatulong upang mapaunlad ang kanilang kakayahan sa
pagtuturo.

Parehong

guro

ang

tuon

ng

unang

pag-aaral

sa

kasalukuyang pag-aaral. Nagkaiba lamang ang mga ito sa layunin


sapagkat ang una ay tungkol sa pagpapaunlad ng kakayahan sa
pagtuturo ngmga guro samantalang ang kasalukuyan ay tungkol sa
pag-alam

sa

lawak

ng

kaalaman

ng

mga

guro

sa

ortograpiyang

Filipino.
Ipinaliwanag ni Gurney (2007) sa kanyang pag-aaral na kung
ang guro ay hindi handa, maaaring hindi niya magampanan ang
responsibilidad ng isang guro. Kung ang guro ay maykahandaan sa
kanyang pagtuturo at handa siyang ibahagi ito sa kanyang mga magaaral, mas makikita ang ganap na epektibong relasyon ng pagtuturo
at pagkatuto.
Sa pag-aaral ni Delima(Baluca et.al, 2006) inalam niya ang
katangian sa pasalita at pasulat na Filipino ng mga guro. Ang mga
naturang pag-aaral ay nagmungkahi ng mga nararapat na katangian
ng mga guro upang maging epektibo ang pagtuturo niya ng wikang

Filipino.Habang pinag-ukulan ng pag-aaral na ito ang lawak ng


kaalaman ng mga guro sa ortograpiyang Filipino.
Sa pag-aaral naman ni Sual (Averilla, 2004) ay hangad niya
malaman ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa mga
pagbabago sa Ortograpiyang Filipino. Habang ang pag-aaral na ito
ay alamin ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa ortograpiyang
Filipino.
Sa pag-aaral nina Baluca at Bilbao (2006) upang magkaroon ng
kalutasan ang mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral ng
Salvacion National High School, kailangang magsanay ng mabuti sa
pagsulat ng mga angkop na salita na batay sa mga tuntuninng
ispeling.
Nakatuon ang naturang pag-aaral sa mga mag-aaral habang guro
naman ang pokus ng kasalukuyang pag-aaral.
Sa pag-aaral ni Bornilla (2011), sinuri ang kahandaan ng mga
guro sa Filipino sa implementasyon ng Kurikulum ng Edukasyong
Pansekundarya,

habang

lawak

ng

kaalaman

sa

ortograpiya

ang

aalamin ng kasalukuyang pag-aaral.


Ang pag-aaral ni Castro(2004) ang pangunahing kaugnay na
pag-aaral ng kasalukuyang pag-aaral.
Ang layon ng pag-aaral ni Castro ay matanto ang lawak ng
kaalaman ng mga guro hinggil sa Makabagong Kalakarang Pangwika sa

Hilagang Distrito ng Gubat, Sorsogon. Natuklasanniyang hindi pa


malawak ang kaalaman ng mga guro ukol dito. Iminungkahi ang
pagdalo ng mga guro sa pagsasanay upang mapalawak ang kaalaman sa
mga makabagong kalakarang pangwika. Ang pag-aaral ni Castro ay
nakapokus

sa

lawak

ng

kaalaman

ng

mga

guro

sa

makabagong

kalakarang pangwika. Ang kasalukuyang pag-aaral ay alamin ang


lawak ng kaalaman ng mga guro sa ortograpiyang Filipino.

Sintesis ng Pag-aaral
Ang mga nasuring literatura ay nagbigay sa risertser ng
mahalagang varyabols na may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral.
Ang

mga

kaugnay

na

pag-aaral

na

tumalakay

sa

ibat

ibang

suliranin ay nagbigay sa risertser ng kaisipan na alamin ang


lawak ng kaalaman ng mga guro tungkol sa ortograpiyang Filipino.
Ang mga kaugnay na literatura galing sa Komisyon ng Wikang
Filipino(KWF), Gleason, Bautista, Santos at Hufana ay ukol sa
wika.
Nakasentro naman sa guro ang literatura nina Transona Jr,
Bacani, Villafuerte at Bernales.
Ang mga kaugnay na pag-aaral nina Naparan, Gurney, Delima at
Castro ay tungkol sa sa guro. Samantalang ang pag-aaral nina
Malana,Sual,Baluca at Bilbao ay nakatuon sa mga mag-aaral.

Gap
Ang kaugnay na literatura ay nagbigay sa risertser ng sapat
na impormasyon at kaalaman tungkol sa suliraning ilalahad. Marami
nang

pag-aaral

ang

isinagawa

ukol

sa

pasulat

at

pasalitang

Filipino. May pag-aaral na ring isinagawa tungkol sa alfabeto at


patnubay ng ispeling pokus ang guro batay sa 2001 Rebisyon nito.
Ang kasalukuyang pag-aaral ay nakatuon sa Bagong Ortograpiya ng
Wikang

Filipino

2013.

Hindi

pa

gaano

ang

pag-aaral

ukol

sa

ortograpiyang Filipino batay sa taong 2013. Wala pa ring pagaaral

na

naisagawa

sa

ortograpiyang

Filipino

sa

Mataas

na

Paaralan ng Gubat, Distrito ng Sorsogon. Ito ang gap na nais


punan ng kasalukuyang pag-aaral.

Batayang Konseptwal ng Pag-aaral


Makikita sa balangkas konseptwal ng pag-aaral na ito na ang
profile ng mga guro ay may mahalagang kaugnayan sa lawak ng
kanilang kaalaman sa ortograpiyang Filipino.
Ang
posisyon,

profile

ay

binubuo

pinakamataas

na

ng

natapos,

kasarian,
medyor,

katayuang
haba

ng

sibil,
taon

sa

pagtuturo ng Filipino at mga pagsasanay na dinaluhan ng mga guro.


Mga

suliraning

kinakaharap

ng

Filipino ay ang input ng pag-aaral.

mga

guro

sa

ortograpiyang

Ang proseso na ginamit upang masukat ang lawak ng kaalaman


ng mga guro sa ortograpiyang Filipino ay pagsusuri ng datos na
makukuha sa talatanungang personal at pagsusulit na sasagutin ng
mga guro. Bukod dito, gagamitin ang sarbey upang malaman ang mga
suliraning kinakaharap ng mga guro sa ortograpiyang Filipino.
Makikitang

ang

fidbak

na

kaugnay

sa

bawat

balangkas

ay

magsisilbing gabay sa pagsasagawa ng mga panukala batay sa pagaaral.

1.PROFILE

*Sarbey

*Kasarian

*Pagkondukta
ng
Pagsusulit

*Katayuang
Sibil

Mga Panukala
batay sa
resulta ng
pag-aaral

*Posisyon
*Pinakamataa
s na natapos
*Medyor
*Haba ng
panahon sa
pagtuturo ng
Filipino
*Pagsasanay
na dinaluhan
2.Mga
Suliraning
kinakaharap
ng mga guro
sa
ortograpiya

FIDBAK

PIGURA I : BATAYANG KONSEPTWAL


Hipotesis
Ang hinuha ng pag-aaral na ito ay sinubok sa .05 na antas ng
pagpapahalaga.

Hinihinuha ng risertser na walang mahalagang kaugnayan na


namamagitan

sa

profile

ng

mga

guro

at

sa

lawak

kaalaman sa ortograpiyang Filipino.

KABANATA III
DISENYO at PAMAMARAAN ng PANANALIKSIK

ng

kanilang

Sa kabanatang ito inilahad ang mga pamamaraang ginamit sa


pananaliksik, ang paglalarawan ng respondents, ang instrumentong
ginamit, paraan ng paglikom ng mga datos at paraan ng pagsusuri
ng mga datos.

DISENYO ng PANANALIKSIK
Layunin ng pag-aaral na ito ay alamin ang lawak ng kaalaman
sa ortograpiyang Filipino ng mga guro sa Mataas na Paaralan ng
Gubat, Distrito ng Sorsogon.
Deskriptibong sarbey ang gagamitin ng risertser sa paglikom
ng mga datos na lubhang kailangan sa pag-aaral. Ang mga
respondent dito ay ang mga guro sa na nagtuturo ng asignaturang
Filipino.
Upang masukat ang lawak ng kaalaman sa ortograpiyang
Filipino, bibigyang pagsusulit ang mga respondent.
Ang mga malilikom na datos ay aanalisahin, susuriin at
bibigyang interpretasyon ng nararapat na estatistika tulad ng
frequency count,iskala at analysis of variance.

Respondents
Ang mga respondent sa pag-aaral na ito ay ang mga guro sa
Mataas na Paaralan ng Gubat,Distrito ng Sorsogon.

Talahanayan I
Respondents
Respondent

f%

Bentuco

Bulacao

Rizal

Bagacay

Jupi

Gubat NHS

TOTAL

19

Instrumento
Gagamit ang risertser ng talatanungan at pagsusulit.

Ang

talatanungang personal at pagsusulit ay sasagutin ng mga guro.Ang


unang bahagi ng pagsusulit ay bubuuhin ng mga katanungan tungkol
sa pagbaybay sa Ortograpiyang Filipino.Ang ikalawang bahagi ng
pagsusulit

ay

isang

tseklist

hinggil

sa

mga

suliraning

kinakaharap ng mga guro at mga mungkahing panukala sa ginagawang


pag-aaral.

Ang

talatanungang

kasarian,katayuang
medyor,

haba

ng

sibil,
panahon

personal
posisyon,
sa

ay

maglalaman

pinakamataas

pagtuturo

ng

na

Filipino

ng

natapos,
at

mga

pagsasanay na dinaluhan ng mga guro.


Ang risertser ay sasangguni sa talatanungan na ginamit ni
Castro (2004) sa kanyang pag-aaral at dadagdagan ng ilang aytem
ukol sa Bagong Ortograpiyang Pambansa

2013.

Paraan ng Paglikom ng mga Datos


Ang mga malilikom na datos sa pag-aaral na ito ay buhat sa
mga naging kasagutan sa pag-aaral buhat sa mga guro sa Mataas na
Paaralan ng Gubat, Distrito ng Sorsogon.
Makakalap ang mga hihinging datos buhat sa resulta ng gagawing
talatanungan

at

pagsusulit

na

ibibigay

ng

risertser

sa

mga

respondent.
Ang pagsusulit ay ikokondukta pagkatapos maipakita at
maipaayos ng risertser sa mga panelista at kanyang tagapayo.
Tatlong linggo ikokondukta ang nasabing pagsusulit.

Paraan ng Pagsusuri ng mga Datos


Ang makakalap na datos at kasagutan ng mga respondent ay
sasailalim sa ibat ibang estatistika upang masuri, maanalisa, at

mabigyan ng intrepretasyon ang mga datos na saklaw sa pag-aaral


na ito.

KABANATA 1V
LAWAK NG KAALAMAN SA ORTOGRAPIYANG FILIPINO NG MGA GURO SA
MATAAS NA PAARALAN NG GUBAT, DISTRITO NG SORSOGON
Inilalahad sa kabanatang ito ang interpretasyon sa mga
nakalap

na

datos

na

makapagbibigay

ng

suliraning inilahad sa pag aaral na ito.

kasagutan

sa

mga

Ang mga nakuhang datos ay nagsilbing kasagutan sa mga


sumusunod na suliranin: 1. Profile ng mga guro na nagtuturo
ng

asignaturang

Filipino

batay

sa

kasarian,

posisyon,

pinakamataas na pinag-aralan, medyor, haba ng panahon sa


pagtuturo ng Filipino at pagsasanay na dinaluhan. 2. Lawak
ng

kaalaman

ng

mga

guro

sa

Ortograpiyang

Filipino.

3.

Mahalagang kaugnayan na namagitan sa profile ng mga guro at


lawak ng kanilang kaalaman sa ortograpiyang Filipino. 4.
Suliraning kinakaharap ng mga guro sa paggamit ng bagong
ortograpiyang

Filipino.

5.

Panukalang

solusyon

batay

sa

resulta ng pag-aaral.
1. Profile ng mga guro na nagtuturo ng asignaturang Filipino
batay sa kasarian, posisyon, pinakamataas na pinagaralan, medyor, haba ng panahon sa pagtuturo ng Filipino
at pagsasanay na dinaluhan.
Sa Talahanayan 2 makikita ang profile ng mga guro.
Ipinapakita na mas marami ang gurong babae na nagtuturo
sa

asignaturang

Filipino

kaysa

sa

mga

lalaking

guro.

Karamihan sa kanila ay nasa Teacher I posisyon na may


labing-apat (14), tatlong (3) Teacher II at dalawa (2)
ang Teacher III.
Samantala,
siyam (9) na guro ang

nakatapos ng BSED

/AB, 3 ang nakatapos ng BSIE at pito (7) ang BSED/AB na


may yunit sa masteral. Siyam (9) ang Filipino medyor,
lima (5) ang English medyor, tatlo (3) ang TLE medyor,

isa (1) ang Science medyor at isa (1)

ang walang medyor.

Makikita rin dito na mas maraming guro ang

baguhan pa

lamang sa serbisyo at nakadalo rin sila sa pagsasanay sa


pansangay, panrehiyon at pambansa.
Talahanayan 2
Profile ng mga Guro na Nagtuturo ng Asignaturang Filipino

A
B

Kasarian
Bilang
Babae
14
Lalaki
5
Posisyon
Teacher 1
14
Teacher 2
3
Teacher 3
2
Pinakamataas na Pinag-aralan
BSED/AB
9
BSIE
3
BSED/AB with MA Units
7
Medyor
Filipino
9
English
3
TLE
3
Science
3
Walang Medyor
1
Haba ng panahon sa
Pagtuturo ng Filipino
1-5
10
6-10
1
11-15
3
16-20
5
Pagsasanay na dinaluhan
Beses
Pambansa
Panrehiyon
6-10
5
0
1-5
0
12
Wala
14
7

Pansangay
4
8
7

2. Lawak ng kaalaman ng mga guro sa Ortograpiyang Filipino

Makikita sa talahanayan 3 na ang mga respondent ng pagaaral ay di-gaanong sanay ang kaalaman sa kasaysayan na may
mean score na 5.63, panghihiram na 6.63 at ispeling na may
6.58.

Nangangahulugan

na

ang

mga

guro

ay

di

sapat

ang

kaalaman sa pag-aaral ng ortograpiyang Filipino. Maaari ring


hindi

pa

ganap

na

alam

ng

mga

guro

ang

kasaysayan

at

pagbabagong nagaganap sa ortograpiyang Filipino. Ipinapakita


rin

na

nahihirapan

silang

tukuyin

ang

tuntunin

ng

panghihiram ng mga salita mula sa mga katutubo at wikang


banyaga at kung paano ito babaybayin sa Filipino.
Subalit ang mga guro na sumagot sa bahagi ng pagsusulit
sa wastong gamit ng mga salita ay nakakuha ng 8.63 na mean.
Itoy nangangahulugan na mahusay sila sa tamang paggamit ng
mga salita. Nangangahulugan din ito na ang mga guro ay
maalaman sa gabay sa pagsulat at maging sa tuntunin kung
paano gagamit ang mga salita.
Sa kabuuan, makikitang di-gaanong malawak ang kaalaman
ng mga guro sa Ortograpiyang Filipino.
Talahanayan 3
Lawak ng Kaalaman ng mga Guro sa Ortograpiyang Filipino.

Mga Batayan

Mean Score

Deskripsyon

Kasaysayan

5.63

di-gaanong mahusay

Panghihiram

6.63

di-gaanong mahusay

Ispeling

6.58

di-gaanong mahusay

Wastong Gamit ng Salita

8.63

Mahusay

Kabuuang Mean Score

6.86

di-gaanong mahusay

3. Mahalagang kaugnayan na namagitan sa profile ng mga guro


at lawak ng kanilang kaalaman sa ortograpiyang Fili pino
Makikita sa talahanayan 4 na ang valyu ng computed
chi-square sa kasarian ay 1.63 na mas mababa sa tabular
value na 5.991 kapag ang degree of freedom ay 2 at .05
ang antas ng pagpapahalaga. Nangangahulugan ito ang
hipotesis ay hindi rejek at nangangahulugang walang
kaugnayan na namagitan sa profile ng mga guro lalo na
ang

kasarian

sa

lawak

ng

kanilang

kaalaman

sa

ortograpiyang Filipino. Ibig sabihin nito na walang


koneksyon kung ang guro ay babae o lalaki sa lawak ng
kaalaman sa ortograpiyang Filipino.
Talahanayan 4
Kaugnayan na Namagitan sa Profile ng mga Guro at Lawak ng
Kanilang Kaalaman sa Ortograpiyang Filipino.

Statistical Bases

Df

Statistical Analysis

Kasarian

Posisyon

Pinakamataas
Medyor Haba ng
Na pinagaralan
panahon sa
pagtuturo
4

Tabular
Value

5.991

Level of
Sig.

.05

.05

Computed X2

1.63

15.507

12.592

.05

.05

.05

2.74

2.79

12.37

8.21

do not
Reject

do not
reject

do not
reject

do not
reject

do not
reject

C Coefficient

.28

.36

.36

.63

.55

Relationship

low

low

low

moderate

Decision
on Ho

Interpretation

9.488

not
Sig

9.488

not
sig

not
sig

moderate

not
sig

not
sig

Makikita rin na ang valyu ng chi-square sa posisyon o


katungkulan ay 2.71 na mas mababa sa tabular value na 9.488 kapag
ang degree of freedom ay 4 kapag ang antas ng pagpapahalaga ay .
05.

Ayon

sa

resulta,

ang

hipotesis

ay

hindi

rejek

at

nangangahulugang walang kaugnayan ang posisyon o katungkulan sa


lawak

ng

sabihin

kanilang

na

ito

na

kaalaman
walang

sa

ortograpiyang

kaugnayan

sa

lawak

Filipino.
ng

Ibig

kaalaman

sa

ortograpiyang Filipino ang kung anong katungkulan mayroon ang


isang

guro.

Hindi

dito

tinitingan

kung

siya

ay

Teacher

I,

Teaacher II, Teacher III o Master Teacher ang katungkulan ng


isang guro.
Mapapansin din sa talahanayan na ang valyu ng chi-square sa
pinakamataas na pinag-aralan ay 2.79 na mas mababa sa tabular

value na 9.488 kapag ang degree of freedom ay 4 kapag ang antas


ng pagpapahalaga ay .05. Nangangahulugan ito na ang hipotesis ay
hindi rejek, samaktuwid walang kaugnayan

na namagitan sa profile

ng mga guro sa kanilang pinag-aralan at ang lawak ng kanilang


kaalaman sa ortograpiyang Filipino. Ibig sabihin nito na ang
natapos na digri ng isang guro ay walang kaugnayan sa lawak ng
kaalaman sa ortograpiyang Filipino
Mapapansin din na ang valyu ng chi-square sa medyor ay 12.37
na mas mababa sa tabular value na 15.507 kapag ang degree of
freedom ay 8 kapag ang antas ng pagpapahalaga ay .05. Ang ibig
sabihin nito, na walang kaugnayan na namagitan sa profile ng mga
guro sa medyor at ang lawak ng kanilang kaalaman sa ortograpiyang
Filipino. Nangangahulugan ito na ---Mapapansin pa rin na ang valyu ng chi-square sa haba ng
panahon sa pagtuturo ay 8.21 na mas mababa sa tabular value na
12.592 kapag ang degree of freedom ay 6 kapag ang antas ng
pagpapahalaga ay .05. Ibig sabihin nito na walang kaugnayan na
namagitan sa profile ng mga guro sa haba ng panahon sa pagtuturo
at

lawak

ng

kanilang

kaalaman

sa

ortograpiyang

Filipino.

Nangangahulugan lamang ito na walang kinalaman kung ilang taon na


sa pagtuturo ang isang guro sa kaalaman nito sa ortograpiyang
Filipino.

Ang implikasyon nito ay upang ganap na maging maalam ang


isang guro sa ortograpiyang Filipino kinakailangan na ----

4. Suliraning kinakaharap
ortograpiyang Filipino

ng

mga

guro

sa

paggamit

ng

bagong

Talahanayan 5
Suliraning kinakaharap ng mga Guro at Mag-aaral sa Paggamit ng
Binagong Ortograpiyang Filipino
Mga Suliraning kinakaharap sa
ortograpiyang Filipino

Ranggo

Hindi ako medyor

2.5

Kaunti ang aking dinaluhang


Seminar at pagsasanay sa Filipino

Kulang at kapos ang aking panahon


Sa pagbabasa ukol sa ortograpiya

2.5

Walang badyet para makadalo


Sa mga seminar at pagsasanay
Sa Filipino

Marami ang gawaing pampaaralan

3
4

Ipinapakita

sa

talahanayan

na

ang

nangunguna

sa

mga

problemang kinakaharap ng mga guro sa ortograpiyang Filipino ay


ang kaunti ang dinaluhang seminar sa pagsasanay sa Filipino.
Marahil hindi nabibigyan ng pagkakataon ang mga gurong nagtuturo
sa

asignaturang

Filipino

na

makadalo

sa

mga

seminar

at

sa-

lingkurang pagsasanay na may kaugnayan sa Filipino. Maaari rin


na ang mga salik na humahadlang tulad ng pinansyal, oras, walang
imbitasyon na nakukuha ang dahilan sa hindi makadalo sa mga
seminar.
Ang

kulang

at

kapos

sa

panahon

sa

pagbabasa

ukol

sa

ortograpiya at hindi medyor ang Filipino naman ang sumunod na


problemang kinakaharap ng mga guro. Ibig sabihin nito kakaunti pa
rin

ang

kumukuha

kakaklangan
pinapaturo

ng
na

ng

medyor
lamang

Filipino
sa
ng

bilang

Filipino
asignaturang

medyor.

kahit

At

anong

Filipino.

dahil

sa

medyor

ay

Kung

kayat

masasabi natin na sila ay kapos o kulang ng kaalaman sa paksang


Filipino. Ang walang sapat na panahon upang magbasa ukol sa
ortograpiya ay isa pa ring dahilan. Maaaring walang panahon sa
pagbabasa dahil sa maraming mga gawaing pampaaralan. At maaari
ring may mga iba pa silang katungkulang ginagampanan sa loob ng
paaralan.
Ang mga suliraning tulad ng walang badyet para makadalo sa
mga seminar at pagsasanay sa Filipino at ang marami ang gawaing
pampaaralang ginagampanan ay ilan din sa mga balakid na kinaharap
ng mga guro sa pagpapaunlad ng kanilang kaalaman sa ortograpiya.
6 Ano ang maipapanukalang solusyon batay sa resulta ng pagaaral?

Ang panukalang solusyon ay makatutulong upang mapalawak


ang kaalaman ng mga guro tungkol sa ortograpiyang Filipino.

KABANATA V
PAGLALAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng paglalagom, kongklusyon


at rekomendasyon batay sa resulta ng pag-aaral na ito.

Paglalagom
Layunin ng pag-aaral na ito na tiyakin ang lawak ng kaalaman
sa Ortograpiyang Filipino ng mga guro sa Filipino sa Mataas na
Paaralan ng Gubat, Distrito ng Sorsogon.
Sinagot ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang profile ng mga guro na nagtuturo ng asignaturang
Filipino batay sa:
a. kasarian
b. posisyon
c. pinakamataas na pinag-aralan
d. medyor
e. haba ng panahon sa pagtuturo ng Filipino
f. pagsasanay na dinaluhan
2. Lawak ng kaalaman ng mga guro sa Ortograpiyang Filipino?
3. Mahalagang kaugnayan na namagitan sa profile ng mga guro
at lawak ng kanilang kaalaman sa ortograpiyang Filipino?

4. Suliraning kinakaharap ng mga guro sa paggamit ng Bagong


Ortograpiyang Filipino?
5. Ano ang mga panukalang solusyon batay sa resulta ng pagaaral?
Ang mga respondent sa pag-aaral na ito ay ang labing
siyam (19) na gurong nagtuturo sa asignaturang Filipino
sa Mataas na Paaralan ng Gubat, Distrito ng Sorsogon.
Ginamit ang

deskriptibong korelesyunal sa paglikom ng

mga datos na kailangan sa


instrumentong

ginamit

sa

pag-aaral. Isang sarbey ang


paglikom

ng

datos

upang

malaman ang lawak ng kaalaman ng guro sa ortograpiyang


Filipino.

Ang

mga

nalikom

na

datos

ay

inalisa

at

binigyan interpretasyon sa pamamagitan ng paggamit ng


nararapat na istatistika.

Mga Natuklasan
Batay sa mga nalikom na datos natuklasan ang mga sumusunod:
1. Mas

nakararami

ang

bilang

ng

mga

gurong

babae

ang

nagtuturo sa asignaturang Filipino kaysa sa mga lalaking


guro. Karamihan sa kanila ay Teacher I at gradweyt sa
kursong

BSED/AB.

Filipino

ngunit

Karamihan
mga

baguhan

sa

kanila

pa

sa

ay

medyor

serbisyo.

sa

Kakaunti

lamang ang kanilang mga dinaluhang seminar at pagsasanay


na lokal, rehiyonal at pambansa.

2. Ang average mean score ng mga guro sa lawak ng kanilang


kaalaman sa ortograpiyang Filipino ay 6.86.
3. Ang
computed
chi-square
sa
kasarian,

posisyon,

pinakamataas na pinag-aralan, medyor, haba ng panahon sa


pagtuturo ng Filipino at pagsasanay na dinaluhan ay 1.63,
2.74, 2.79, 12.37 at 8.21.
4. Ang tatlong mga suliraning kinakaharap ng mga guro sa
pagpapalawak
kaunti

ang

ng
mga

kanilang

kaalaman

dinaluhang

sa

seminar

at

ortograpiya

ay

pagsasanay

sa

Filipino, kulang at kapos sa panahon sa pagbabasa ukol sa


ortograpiya at hindi medyor sa Filipino.
5. May panukalang solusyon na makapagpapalawak ng kaalaman
ng mga guro sa ortograpiyang Filipino.

Kongklusyon
Batay sa mga natuklasan, inilalahad ang mga sumusunod
na kongklusyon:
1. Mas nakararami ang babaeng respondents kaysa sa mga
kalalakihan. Karamihan sa kanila ay nasa Teacher I at
tapos

sa

kursong

karamihan

sa

mga

serbisyo.

Kakaunti

BSED/AB.

Medor

respondents
lamang

sa

ngunit

ang

Filipino
baguhan

kanilang

pa

ang
sa

nadaluhang

seminar at pagsasanay sa lokal, rehiyonal at pambansa.


2. Ang lawak ng kaalaman ng mga guro sa ortograpiyang
Filipino ay di-gaanong mahusay.

3. Walang kaugnayan ang kasarian, posisyon, pinakamataas


na pinag aralan, medyor, haba ng panahon sa pagtuturo
ng Filipino at pagsasanay na dinaluhan sa lawak ng
kaalaman ng mga guro sa Ortograpiyang Filipino.
4. May mga suliraning kinakaharap ang mga guro

na

nagtuturo sa Filipino sa Ortograpiyang Filipino.


5. Ang panukalang solusyon batay sa resulta ng pag aaral
ay pwedeng ipatupad at gamitin.
Rekomendasyon
Batay
sa

mga

natuklasan

at

kongklusyon,

inirerekomenda ang mga sumusunod:


1. Hikayatin ang mga guro na nagtuturo ng Filipino na bigyang
pagpapahalaga

ang

ganap

na

pagkatuto

tungkol

sa

Ortograpiyang Filipino upang lalong maging kongkreto, tunay,


daynamik at ganap na modelo sa kanilang mag-aaral.
2. Ang lahat ng guro sa/ng Filipino ay bigyan ng pagkakataong
dumalo sa seminar sa Filipino upang higit na mapaunlad ang
kaalaman sa Ortograpiyang Filipino at maging ang kabuuan ng
Filipino bilang asignatura.
3. Magsagawa ng iba pang pag-aaral

na

may

kaugnayan

sa

kasalukuyang pag-aaral at magamit ang resulta ng pag-aaral


na ito ng mga susunod na mananaliksik.

You might also like