Professional Documents
Culture Documents
Inay Patawad
Inay Patawad
Saan dito? Ano ba, hindi ko makita, saan mo ba talaga nilagay? (Naiinis) Ano ba
nay. sumagot ka naman! (Lalapit sa ina) Tingnan mo nga naman o, tinulugan ako
ng loko. Psst! Hoy! Gumising ka nga muna! Psst! (Tatapik-tapikin) Nay! (Yuyugyugin)
Inay! Ano ba! Inay, bakit parang ang putla niyo? Gising nay! Huwag niyo akong
lokohin ng ganyan! Inay? Inay? Bakit po? Ang nanay ko! Tulong! Tulong! Inay!!!
(Umiiyak)
Ang nanay ko Pinabayaan ko siya. Mahal na mahal niya ako e. Tapos (Naluluha)
Tapos ganun lang ang isinukli ko sa kanya. Puro sakit ng ulo. Hindi ko na siya
ginagalang. Hindi ko na siya sinusunod. Kaya iyan, iniwan na niya ako. Mag-isa na
lang ako ngayon. (Humihikbi)
Wala nang kakanta sa akin tuwing gabi. Wala nang magpapabaon sa akin ng tinapay.
Mangingialam. Hindi na ako makakatikim ng adobo ni Inay. Yung adobong manok na
may halong patatas, at, at, nanunuot ang lasa ng sabaw sa loob ng manok! (Yuyuko
at iiyak)
(Maya-maya ay may parang may maririnig sa bandang kaliwa).
(Titingin sa kaliwa) Inay? Inay? (Sasaya) Bumalik kayo inay! (Pupunasan ang luha)
Ano pong gusto niyo? Gusto niyo bang imasahe ko kayo? Gusto niyo po bang
ipagluto ko kayo? Dito po kayo (Biglang lulungkot) Bakit po? Ayaw niyo na po ba sa
akin? Nay, huwag niyo po akong iwan! Saan po kayo pupunta? Inay!!!
(Nakatingin sa kaliwa) Patawarin niyo na po ako Parang awa niyo na po
(Kukunin ang larawan ng ina sa may sahig at kakanta habang nakaupo) Mama, I miss
the days when you were here beside me. Mama, those happy days when you were
here to guide me Safe in the glow of your love, sent from the heaven above.
Nothing can ever replace the warmth of your tender embrace Oh mama
(Sa manonood) Pakisabi naman sa Inay ko nagsisisi na ako. Pakiusap