You are on page 1of 4

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF EDUCATION
DIVISION OF LAGUNA
SAN PEDRO RELOCATION CENTER NATIONAL HIGH SCHOOL
Panuto: Basahin ang mga pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Aling yugto ng pagka-sino ng tao ang nagpapakita ng pagkamit ng kaniyang
kabuuan, kaya hindi siya naiimpluwensyahan ng pananaw ng nakararami dahil sa
kaniyang matibay na paninindigan?
a. Persona
c. Pagme-meron
b. Personalidad
d. Indibidwal
2. Alin ang dapat paunlarin ng tao upang maisagawa ang kaniyang misyon sa buhay
na siyang magiging daan tungo sa kaniyang kaligayahan?
a. Mga katangian ng pagpapakatao.
b. Mga pangarap at mithiin.
c. Mga talent at kakayahan.
d. Kasipagan at katapatan.
3. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at
makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan?
a. Mag-isip
b. makaunawa
c. maghusga
d.
mangatwiran
4. Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang
maimpluwensiyahan ang kilos loob. Ano ang kahulugan nito?
a. Walang sariling paninindigan ang kilos loob.
b. Nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
c. Kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang
mabuti.
d. Hindi maaaring maghiwalay ang isip at ang kilos-loob dahil magkakaugnay ang
mga ito.
5. Kung ang pandama ay depektibo nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama ba o
mali ang pahayag?
a. Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama.
b. Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay ng kaalaman sa isip.
c. Mali, dahil magkahiwalay ang pandama na kakayahan at isip.
d. Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyon na
naihahatid dito.
6. Ang sumusunod ay katangian ng Likas na Batas Moral maliban sa:
a. Ito ay sukatan ng kilos
b. Ito ay nauunawaan ng kaisipan.
c. Ito ay pinalalaganap para sa kabutihang panlahat.
d. Ito ay personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao.
7. Alin sa sumusunod ang maituturing na kamangmangan na di madadaig?
a. Pagbili sa inaalok na cellular phone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito ay
galing sa masama.
b. Pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye dahil sa awa ngunit ipinambili lamang
ng rugby.
c. Pagpapainom ng gamut sa kapatid na may sakit kahit di tiyak kung makakabut
ito.
d. Pagtawid sa maling tawiran dahil walang paalala o babala na bawal tumawid.
8. Ano ang itunuturing na kakambal ng kalayaan?
a. Kilos-loob
b. Konsensiya
c. Pagmamahal d.
Responsibilidad
9. Ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas ng tao
kundi nagmumula mismo sa loob ng tao. Ano ang nais ipakahulugan nito?
a. Ang kalayaan ay matatagpuan sa sarili.
b. Nakahahadlang ang kapwa sa pagkamit ng kalayaan.
c. Niloob ng tao ang antas ng kaniyang pagiging malaya.
d. Ang hadlang sa pagiging malaya ay ang sarili niyang pag-uugali.
10.
Alin sa mga ito ang hindi maituturing na gawi?
a. Paglilinis ng ilong
b. Pagpasok nang maaga

c. Pagsusugal
d. Maalimpungatan sa gabi.
11.
Ito ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.
a. Pasiya
b. Kilos
c. Kakayahan
d. Damdamin
12.
Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano
naman ang papel ng kilos loob?
a. Umunawa at magsuri ng impormasyon.
b. Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip.
c. Tumulong sa kilos ng isang tao.
d. Gumagabay sa pagsasagawa ng kilos.
13.
Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Layunin?
a. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos.
b. Ito ang pinakatunguhin ng kilos.
c. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos.
d. Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.
14.
Alin sa mga kilos sa ibaba ang tumutugon sa tunay na tawag ng tungkulin?
a. Ang pagbibigay ng regalo tuwing may okasyon.
b. Ang pagtulong sa kapuwa ng may hinihintay na kapalit.
c. Ang pagtakbo sa halalan upang maglingkod sa bayan.
d. Ang pagbabayad ng tamang buwis sa takdang panahon.
15.
Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?
a. Upang magsilbing gabay sa buhay.
b. Upang magsilbing paalala sa mga gagawin.
c. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.
d. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.
16.
Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang
na iyong gagawin?
a. Isaisip ang mga posibilidad.
b. Maghanap ng ibang kaalaman.
c. Umasa at magtiwala sa Diyos.
d. Tingnan ang kalooban.
17.
Alin sa mga sumusunod ang tinaguriang ina ng mga birtud?
a. Prudentia
b. Katarungan
c. Kahinahunan d. Katapangan.
18.
Ang sumusunod ay maling pagtrato sa kalikasan, maliban sa isa:
a. Hindi maayos na pagtatapon ng basura.
b. Paghiwa-hiwalay ng basura bilang nabubulok at di nabubulok.
c. Pagtatapon ng basura sa anyong tubig.
d. Pagsusunog ng basura.
19.
Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng aral ng Budismo?
a. Pag-aayuno.
b. Pagmamahal at Pagpapatawad sa isat isa.
c. Pagdarasal ng limang beses sa isang araw.
d. Pagpapahalaga sa kabutihang panloob at mataas na antas ng moralidad.
20.
Anong proseso ang isinasagawa sa modernong medisina upang wakasan ang
buhay ng taong may malubhang sakit na kailanman ay hindi na gagaling pa?
a. Suicide
c. Euthanasia
b. Abortion
d. Lethal Injection
II. Basahin ang mga pahayag, mula sa mga pagpipilian tukuyin ang salitang bubuo sa
bawat pahayag.
21.
Ang patriyotismo ay nagmula sa salitang Latin na _______________ na ang ibig
sabihin ay ama na karaniwang iniuugnay sa salitang pinagmulan o
pinananggalingan.
22.
Nakasaad sa mga aral ni ________________ na kinikilalang Buddha o
naliwanagan, na ang paghihirap ng tao ay bunga ng kanyang kasakiman.
23.
Huwag mong gawin sa iba, ang ayaw mong gawin sa iyo, ito ang sakit na
turo ni Confucius na kilala sa tawag na ____________________.
24.
Isa sa mga isyung moral na tumutukoy sa sadyang pagkitil ng tao sa sariling
buhay at naayon sa kagustuhan dahil sa kawalan ng pag-asa. ________________
25.
Ito ay tumutukoy sa gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa
sa wastong edad o nasa edad na subalit hindi pa kasal. _____________________

26.
Ang ______________ ay tumutukoy sa mga mahahalay na paglalarawan
(babasahin, larawan o palabas) na may layuning pukawin ang sesksuwal na
pagnanasa ng nanonood o nagbabasa.
27.
Ang ______________ ang sinasabing pinakamatandang propesyon o gawain na
nagbibigay ng panandaliang aliw kapalit ng pera.
28.
Ito ay tumutukoy sa paghirang o pagkiling ng kawani sa pamahalaan maging
pambansa at sa alin mang sangay ng ahensiya na igagawad sa kamag-anak na
hindi dumaraan sa tamang proseso. ___________
29.
Tumutukoy sa pagbibigay ng kaloob o handog sa anyo ng salapi o regalo
pamalit sa pabor na ibinigay ng tumanggap. ____________________
30.
Ang _____________ ay bahaging napupunta sa isang opisyal mula sa mga
ponding itinalaga sa kanya.
III. Unawain at basahin ang mga pahayag, isaayos ito ayon sa tamang pagkakasunodsunod.
Apat na Yugto ng Konsensya
______31. Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon.
______32. Pagsusuri ng Sarili/Pagninilay
______33. Alamin at naisin ang mabuti
______34. Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos.
Mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya
______35. Maghanap ng ibang kaalaman.
______36. Magsagawa ng pasiya
______37. Tingnan ang kalooban
______38. Magkalap ng patunay
______39. Isaisip ang mga posibilidad
______40. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos.
IV. Tukuyin ang mga salik na nakakaapekto sa pananagutan ng tao na maaaring
nagiging dahilan kung bakit naging mahina ang
tauhan sa pagpili ng mabuting opsiyon.
41. Si Fatima ay laging nahuhuli sa klase dahil tumatawid pa siya sa main highway sa
kanilang lugar papunta sa paaralan.
42. Nakasanayan ni Edgardo ang mag-inat at humikab. Isang araw, nagalit ang
kanilang guro dahil napalakas ang paghikab niya
Habang nagtuturo ito.
43. Papauwi na si Princess nang hinarang siya ng mga tambay at sapilitang kinuha
ang kaniyang pera. Sa sobrang nerbiyos ay
Naibigay din niya ang perang nasingil mula sa kontribusyon nila sa proyekto.
44. Isang fitness instructress ang naglalakad pauwi. Tinangkang kunin ng snatcher
ang bag niya. Hindi niya ito ibinigay at siyay
nanlaban. Bigla niyang naisip na sumigaw upang humingi ng saklolo habang
nakikipag-agawan ng bag sa snatcher.
V. Tama o Mali
45. Ang depektibong pandama ay nakakaapekto sa pagpoproseso ng impormasyon sa
ating isipan.
46.Ang tao ay binubuo ng dalawang dimension, espiritwal at materyal.
47. Ang makataong kilos ay isinagawa ng walang kayaan at pagkukusa.
48. Ang konsensiya ay maaaring maging gabay sa paghuhusga at pagsasagawa ng
tama at mabuting desiyon.
49. Malaki ang kaugnayang ng pamilya sa paghubog ng ating konsensiya.
50. Ang tao ay nilikhang may taglay na kabutihan.

You might also like