You are on page 1of 3

BARAYTI NG WIKA

Constantino mula sa aklat ni Bernales et. Al (2008)


-

Ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay ipinaliliwanag ng teoryang sosyolinggwistik.

TEORYANG SOSYOLINGGWISTIK :
-

Nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo ,


maging ang kanilang mga interes , tirahan , gawain , pinag-aralan at iba pa.
Bahagi ng metalinggwistikong pag-aaral ng wika ang pagkilala sa mga barayti nito.
Ang pagkakaroon ng barayti ng wika na pinagbabatayan ng ideya ng pagiging
heterogenous at pagiging dinamiko nito.

Aysoglos :
-

Ito ang tawag na nagpapakita ng hangganan ng pagbabago , inobasyon o variant.

Sociolect :
-

Ang baryasyon ng wika batay sa katayuan ng speaker sa lipunan o sa lupon na kanyang


kinabibilangan.
Mahalagang pansinin na ito ay nakaugnay sa social grouping na makikita sa lipunan.

Heograpiko:
-

Ang heografikal na varayti ay dahilan lamang na kung saan ang grupo ng mga tao na
nagsasalita at gumagamit ng wika ay napaghihiwalay at napagwawatak-watak ng mga
pulo, maging mga kabundukan at tubigan.

BARYASYON NG WIKA
1. Dayalekto
- Barayting tawag ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko.
- Wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon , lalawigan o pook , malaki man o
maliit.
- Tinatayang may higit sa 400 na raan ang dayalektong ginagamit sa Pilipinas.
(Renato Constantino)
- Halimbawa ng ibat ibang dayalekto ay batay sa punto/tono at istraktura.
Halimbawa :
-

Luzon
Ibanag ( Isabela at Cagayan)
Ilocano (Ilocos)
Pampango (Pampanga)
Pangasinense (Pangasinan)
Bicolano (Kabikulan)

Visayas
Aklanon (Aklan)
Kiniray-a (Ilo-ilo)
Antique (Kanlurang Panay)
Capiznon (Hilaga-Silangang Panay)
Cebuano (Negros,Cebu,Bohol)

Mindanao
Surigaonon (Surigao)
TBoli (Cotabato)

2. Sosyolek
- Tawag sa barayti na nabubuo batay sa dimensyong sosyal o panlipunan.
- Nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan.
Halimbawa :

Wikang gamit ng mga estudyante


Wika ng matatanda
Wika ng kababaihan
Wika ng preso sa kulungan
Wika ng bakla , kabataan at iba pa.

3. Pidgin :
- Tinatawag sa ingles na nobodys native language.
- Nagkakaroon nito kapag ang dalawa (2) taal na tagapagsalita ng dalawa(2) magkaibang
wika na walang komong wika ay nagtatangkang magkaroon ng kumbersasyong
makeshift.
Halimbawa :

Ang pananagalog ng mga instik sa Binondo (Suki , ikaw bili tikoy. Sarap, mura.)

4. Creole:
- Isang wika na unang naging pidgin ngunit kalaunan ay naging likas na wika (nativized)
- Nagkaroon nito sapagkat may mga komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-aangkin
dito bilang kanilang unang wika.
Halimbawa :

Chavacano na hindi masasabing purong Kastila dahil sa impluwensiya ng ating


katutubong wika sa istraktura nito.

5. Idyolek :
- Kahit may kanya-kanyang barayti ng wikang ginagamit ang mga pangkat sa idimensyong
heograpikal at sosyal, indibidwal pa rin ang paggamit ng wika.

Tumutukoy sa nakasanayang pamamaraan sa pagsasalita ng tao o maging sa ilang


matatanda ang paggamit ng (siya).
Ang indibidwal na katangian ng bawat tao pa rin ang nakakaimpluwensiya sa paggamit
ng wika
May kanya-kanyang paraan ng paggamit ng wika ang bawat tao (Bernales, et.al., 2009)
Ang tawag sa indibidwalidad na ekspresyon na gamit lamang ng isang tao sa kabila ng
pagkakatulad ng dayalekto nito.

Halimbawa:

laki ng buka ng bibig o tono ng boses bukod sa pisikal na katangian ng bawat


tao (Paz,et.al.,2003)

6. Jargons :
- Tumutukoy sa mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain.
Halimbawa :
Halimbawa nito ang terminolohiyang ginagamit lamang sa partikular na propesyon.
Talasanggunian :
http://maestroaeious101.blogspot.com/ Batayang Kaalaman sa Akademikong Filipino:
METALINGGWISTIKONG PAGTALAKAY SA WIKA
Languagelinks.org/Linggwistiks Para sa mga Mag-aaral ng AGHAM PANLIPUNAN 1

You might also like