You are on page 1of 21

Eleksyon 2016

(Pagkapangulo)

TROPANG ASSORTED
Mga Miyembro:
Aguilar, Chloe
Espiritu, Carlo
Fuentes, Robilyn
Gonzales, Christopher
Lacsamana, Miguel
Pagsanjan, Rostum
Suarez, John Paul
Umacob, Saulo Jr.
Kabanata I
Ang Suliranin at Saligan nito

Panimula
Sa loob ng mahabang panahon, mula ng maging demokrasya ang bansa, ay napakaraming
beses nang naisagawa ang eleksyon. Sa lahat ng naganap na eleksyon sa mga nakalipas sadyang
ang eleksyon sa pagkapresidente ang pinaka inaabangan at pinaghahandaan.

Sadyang napaka importante ng isang presidente sa isang bansang demokrasya at nang


dahil diyan ang parating naglalarong tanong sa isipan ng bawat bumuboto ay kung sino nga ba
ang karapat-dapat sa napakahalangang posisyon na ito.

Napakaraming panahong dumaan at napasakamay nang ibat ibang uri ng presidente ang
kapalaran ng bansa. Ngunit bawat isa sa kanila ay nagkakaroon lamang ng kasalanan sa huli. Sa
panahon ni Marcos siya ay masyadong malupit samantalang masyadong mabait naman si
Aquino. Silang dalawa ay isa sa mga pinakasikat na naging pangulo ng bansa.

Ang mga sumunod pang mga pangulo ay kagaya din ng dalawa na halos perpekto nang
pangulo ngunit may isang pagkukulang. Ang ilan naman ay mga nakasuhan kagaya na lamang
nila Erap at Arroyo.

Ngayong eleksyon 2016 ay marami nanamang bagong uri ng mga kandidato na nais
magpatakbo sa bansa. Mula sa kamay na bakal na si Duterte hanggang sa napakalambot at
mauunawain na si Poe. Nariyan din ang laki sa yaman na si Roxas at laki sa hirap daw na si
Binay. Utak naman ang siyang inilalaban ni Miriam. At eto nanaman ang tanong na sino ba ang
karapatdapat.
Saligan ng Pag-aaral
Natutungkol ang pag-aaral na ito sa pagsusuri ng mga kandidatong tatakbo sa
pagkapangulo sa eleksyon 2016. Isinagawa ang pag-aaral na ito sa tulong ng mga mag-aaral sa
kolehiyo na kapwang kumukuha ng asignaturangFilipino sa pamantasan ng Perpetual Help, Las
Pinas noong panahon ng ikalawang semester.

Layunin
Ang pangunahing layunin ng paksa ay magsagawa ng mga pananaliksik ukol sa mga
nagawa ng mga kandidato sa mga nakalipas na panahon. Sa ganoong paraan makikita kung may
karapatan silang pamunuan ang bansa o tumatakbo lamang sila dahil sa pansariling interes.

Bukod roon, layunin din ng paksa na masagot sa huli ang mga katanungan tungkol sa
kung sino dapat ang alayan nila ng suporta. At higit sa lahat ay makita kung sino sa mga
tumatakbo sa pagkapangulo ang pinakanakakuha ng pabor mula sa publiko.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Mahalaga ang pag-aaral na ito upang mabatid kung sino ang dapat iboto sa darating na
eleksyon. Madaragdagan ang kanilang nalalaman at mas makakapili sila ng kanilang
pinapaboran.

Magiging mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga sumusunod:

Mag-aaral. Magiging mas mautak sila kaysa mga nakalipas na henerasyon.


Madaragdagan ang kaalaman nila sa mga bagay gaya ng eleksyon na kadalasan ay wala lamang
para sa kanila.

Guro. Bilang maimpluwensyang tao lalo na kung patungkol sa kabataan, kailangan na


higit na maalam sila sa mga bagay na patungkol sa eleksyon. Higit na pinaniniwalaan ng mga
mag-aaral ang mga salitang nanggagaling sa kanilang mga guro kung kaya mahalagang nasa
tama ang kanilang opinyon patungkol sa mga mahahalagang bagay gaya ng eleksyon.
Kabataan. Kagaya ng mga mag-aaral, ang madagdagan ang kaalaman ay isang
napakahalagang sandata sa mga panahon kagaya ng eleksyon.

Mayayaman. Malalaman nila kung sino ang higit na may kakayahan na magpaunlad ng
ekonomiya ng bansa. Na siyang mahalaga sa mga kagaya nilang karaniwang mga negosyante.

Ordinaryong mamamayan. Malalaman nila kung sino ang siyang may puso upang sila
ay kampihan at panindigan ito.

Saklaw at Delimitasyon
Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang pagsusuri sa mga nakaraang nagawa ng mga
kandidato at mga naging kaso nila sa mga nakaraang panahon. Layunin nitong mabatid ang mga
mabubuting nagawa ng mga kandidato at mga pagkukulang nila bilang mga politiko.Ginamit sa
pag-aaral ang mga mag-aaral na kumukuha ng asignaturang Pilipino ng Perpetual Help, Las
Pinas noong ikalawang semester taong 2015-2016.

Kahulugan ng mga Katawagan


Binibigyang-katuturan ang mga sumusunod na katawagan ayon sa pagkakagamit sa pag-
aaral at pananaliksik na ito.

Pangulo. Isang taong namumuno o may hawak ng mga desisyon sa isang bansa.

Kandidato. Isang politoko o mamamayanan na nagnananaisa magkaroon ng posisyon sa


gobyerno upang mamuno.

Eleksyon. Isang kilalang panahon kung saan may pagkakataong mamili ang mga
mamamayan kung sino ang kanilang pinapaboran na kandidato.
Demokrasya. Estado ng isang bansa kung saan ang desisyon ng karamihan ang siyang
pinapanigan.
Kabanata II
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Binubuo ng kabanatang ito ng mga kaugnay na literature at mga isinagawang pag-aaral


tungkol sa mga kandidato sa pagkapangulo sa eleksyon 2016.

Natuklasan ng mga mananaliksik na bagamat maraming mga artikulong nakaugnay sa


mga pangalan ng mga kandidato ay sadyang magulo pa rin ang pulitika sa bansa. Karamihan ng
mga artikulong patungkol sa eleksyon ay makikita lamang sa mga balita at karamihan sa kanila
ay mayroong pinapanigan. Isang pagpapatunay lamang ito na marahil ay hindi ganong kalinaw
ang mga nakukuhang impormasyon ng mga mamamayan.

Kaugnay na Literatura
Ngayong nalalapit na ang eleksyon ay higit na dumadalas ang mga balita patungkol sa
nasabing kaganapan. Maraming opinsyon ang umiikot ngayon sa mga pahayagan kung kaya
kailangan munang magsuri bago magsalita o isang matibay na paninindigan.

Bukod sa mga pahayagan ay walang mga libro o kung ano mang literature ang nauugnay
sa eleksyon. Kung kaya ang pag-aaral na ito ay umiikot sa mga pahayag ng mga kandidato at ng
media.

Sa isang pananaliksik na ginawa ng Pulse Asia (Pebrero 2016) nasa apat sa bawat
sampung rehistradong bumubuto ang naniniwalang may pandarayang magaganap sa eleksyon.
Gayun pa man sinabi din nila na halos kalahati sa mga Pilipino ay inaasahang magiging malinis
ang darating na eleksyon sapagkat ang pagbibilang ng boto sa panahong ito ay automated. Ang
pananaliksik na naganap ay isinagawa noong Enero 24-28 sa pamamagitan ng harapang
pakikipanayam.

Sa naganap na Pilipinas Debate (Pebrero 2016) nagsagawa ng pananaliksik ang GMA


news sa pamamagitang ng twitter. Dito ipinakita nila kung sino ang pinakapinaburan ng mga
mamamayan habang sinasagawa ang naturang debate. Ang naging pamantayan ay ang bilang ng
twits na nakuha ng bawat kandidato. Sa naging resulta ay ipinakitang nanguna si Duterte na
mayroong isang daan at dalawangpung libong twits at ito ay pinakamataas noong mga ika-lima
at kalahati ng hapon. Ang sumunod naman sa kanya ay si Binay na nakakuha ng kalahati ng
nakuha ni Duterte. Tumaas naman ang sa kanya noong mag-aalasais na ng gabi. Magkadikit
naman ang kanila Miriam at Poe na ang pagitan ay isang libo lamang at ang nasa huling posisyon
naman ay ang kay Roxas.

Lalong umiingay ang pangalan ng bawat kandidato at sa mga nakaraang mga


pananaliksik at pakikipanayam ay nakikitang nagiging maliit na ang pagbabago ng bawat resulta
ng mga ito kumpara sa nakaraan. Patunay ito na marami na sa mga bumuboto ang nakapili na ng
mga susuportahang kandidato sa darating na eleksyon

Kaugnay na Pag-aaral
Sa ginawang pag-aaral ng isang pahina na Pinoy Real Talk sa kilalang social media site
na facebook (Pebrero 2016) inilahad nila na si Poe ay isang kandidatong handa, si Santiago ay
napakamatalino, si Roxas ay mautak, Sa Duterte ay malakas ang dating at si Binay ay galing
Makati. Ang huling pahayag ay sa kadahilanang parating pinagmamalaki ni Binay ang kanyang
nagawa sa Makati kaysa sa panahong siya ay naging bise president.

Sa pahayag na ginawa ni Duterte bago ang simula ng debate (Pebrero 2016) isinaad
niyang mahal niya ang bansang Pilipinas at ang mga mamamayanan nito. Isinaad niya sa
pahayag niya na napakaraming krimen at korupsyon ang nagaganap ngunit walang maypakielam
tungkol dito. Idinagdag niya rin na kung siya ay bibigyan ng pagkakataon ay siya ang aayos nito.

Nagbigay din ng pahayag si Miriam bago magsimula ang debate (Pebrero 2016) ditto
pinahayag niya na dapat magkaroon ng magandang edukasyon at pangalawa ay magandang
trabaho at huli ay magandang pag uugali. Inilahad niya rin na sa pagboto, ang dapat pinapanigan
ay ang taong walang bahid sa kanyang mga nagawa. Sinabi niya rin na nais niyang maging
maunlad at masayang bansa ang Pilipinas.

Sa naganap na debate nitong pebrero ay napakarami, kung di man lahat, ang tumutok sa
palabas. Maraming mga panayam ang naganap at nagsimula nang manindigan ang mga botante
sa kung sino ang kanilang manok sa magaganap na halalan. Maaring ang debateng ito ang siya
pinakanag impluwensya sa magaganap na botohan. Hindi makakailang napukaw nito ang interes
ng mga mamamayanan.
Sintesis
Ang mga nabanggit na pag-aaral sa kabanatang ito ay kaugnay sa mga kasalukuyang pag-
aaral: (1) Sa pag-aaral na ito ay ipinakita ang pinakamakabagong pananaliksik na naganap bago
ang halalan. (2) Sa pag-aaral na ito ay ipinahayag ang mga pinakanag ingay na panayam ng ilang
kandidato na siya ngayong umiikot sa bawat social media site. (3) Ang mga ginamit na
pananaliksik at talumpati sa pag-aaral na ito ay limitado lamang sa kung ano ang pinakabago at
pinag uusapan ng mga mamamayanan.
Kabanata III
Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay nagtataglay ng disenyo ng pananaliksik, teknik ng pagsusuri,


paraan ng pagbibigay halaga sa mga datos tungo sa masusing pag-aaral. Ipinaliliwanag nito ang
pamantayan sa pagsusuri at pagbibigay ng interpretasyon.

Paraan ng Pananaliksik
Sa pag-aaral na ito, ginamit ang disenyong palarawan at pasuri. Naniniwala ang
nagsagawa ng pag-aaral na ito na higit mabibigyan diin ang bawat punto sa ganitong
pamamaraan. Sa pamamagitan nito, higit na muunawaan kahit ng isang bata ang pag-aaral na ito.

Nag-ipon ang mananaliksik ng mga isinagawang pagsusuri at datos ng media at gobyerno


sa mga nakaraang panahon at ginamit ang pinakabago at pinakakapanipaniwalang datos. Ang
mga datos na ito ay ikinumpara at ginamit upang makapagbigay ng opinyon sa mga katanungan
sa pag-aaral na ito.

Teknik sa Pagsusuri
Binibigyang-kalutasan sa pag-aaral na ito ang suliranin sa pamamagitan ng pagtitipon ng
mga kaisipang iniuugnay sa mga datos na natuklasan.

Gumawa ang mananaliksik ng mga angkop na pamantayan upang makabuo ng isang


pangkalahatang anyo na maaaring sundin sa mga gagawin pang pag-aaral hinggil sa magaganap
na eleksyon ngayong taon.

Bukod sa mga nabanggit na, ginamit din ang mga sumusunod na paraan:

Naglikom ng ibat ibang mga balita patungkol sa mga nangyayari sa paghahanda para sa
eleksyon. Maging patungkol man sa kandidato o sa gobyerno.
Paglilikom ng mga datos na nakolekta ng mga pribadong sektor.
Pagtingin sa mga graph na nagpapakita ng takbo ng mga datos sa kung sino ang
pinakapinapaboran na kandidato.
Pakikinig ng mga panayam na ginagawa ng media.
Paraan ng Pagbibigay-halaga sa mga Datos
Ang pagngangalap ng mga datos ay hindi naging makabuluhan kung hindi pinag-uukulan
ng sapat na pagpapahalaga ang mga ito.

Masusing hinimay at lubos na inunawa ang mga nakalap na datos nang sa gayon ay
makabuo ng pinaka malapit sa katotohanan na resulta mula sa mga ito.

Inaasahan na pagtapos ng pag-aaral na ito, higit na maipapakita kung sino ang nalalapit
sa puwesto ng pagkapangulo bago dumating ang halalan.

Paksa sa Pag-aaral
Sa kapanahunang ito ang pinaka pinag uusapang isyu ay tungkol sa eleksyon. Ang mga
radyo at telebisyon ay puno ng mga komentaryo patungkol rito. Kaliwat kanan na rin ang
pangangampanya ng mga kandidato. Isa itong isyu na lahat ng tao ay nakakaalam at
nakakaintindi.
Kabanata IV
Paglalahad at Pagsusuri ng Datos

Mula sa ibat ibang dyaryo at pahayagan ay nakapagkalap ang mga mananaliksik ng


maraming artikulo patungkol sa magaganap na eleksyon. Patunay lamang ito na tinututukan ng
sambayanang Pilipino ang nalalapit na kaganapang ito. Kaliwat kanan ang mga lumalabas na
opinyon at salaysay galing sa mga mamahayag at mga propesyonal sa ating bansa sa mga radio
at telebisyon. Ang mga komentaryong ito ay patungkol lahat sa mga kandidatong kanilang
napupusuan.

Ang mga mananaliksik ay nagpokus sa mga opinyon at komentaryo na ipinapahayag sa


telebisyon. Karamihan sa mga ito ay komentaryo mula sa kandidato mismo at ang iba naman ay
galing sa mga naghahayag o mamamayan. Ito ay sa kadahilanang ang pinakamahalaga sa
darating na eleksyon ay ang tingin ng mga mamamayan sa kandidato, na basehan ng mga botante
sa pagboto.

Kahandaan sa Eleksyon 2016


Ayon sa pag-uulat mula sa National Printing Office, ipinapakita na nasa 5.1 milyon
lamang ang balotang nabelripika, na kalahati lamang ng 12.3 milyon na balotang naimprenta na.
Sinabi ni Bautista na magdaragdag pa sila ng higit limangpong makina upang mapabilis ang
pagbeberipika.

"We need to add more machines and add more verifiers, so that the verification can catch
up with the printing," saad ni COMELEC Chairman Andres Bautista sa isa sa mga panayam na
naganap noong ika-2 ng marso.

"I told you before that the printing was going to be quicker because of the shorter ballot
that we are producing," Sinabi pa ni Bautista sa mga mamamahayag. "But because of this, the
verification process has a difficult time to catch up."

Nasa 55.7 na balota ang kakakailangin sa eleksyon sa mayo. Karamihan sa mga ito ay
gagamitin sa Pilipinas. Samantalang nais ng COMELEC na mapamahagi ang mga materyal na
gagamitin sa ibang bansa bago matapos ang marso.
Matapos ilang ulit na pagkahuli at pag-urong ng deadline ng halos isang buwan mula sa
orihinal planong Enero 26, isinaad pa rin nila na kampante silang matatapos bago ang eleksyon.

Mga nangungunang kandidato sa pagkapresidente

Jejomar Jojo Binay

Nagtapos si Jejomar Binay sa kursong Political Science at Abogasya sa Unibersidad ng


Pilipinas at siya rin lamang ang nag pa aral sa kanyang sarili. Ayon sa internet na malayang
ensiklopedia ay, Matapos ang EDSA Revolution, inatasan ni Cory Aquino si Binay na tumayong
pansamantalang alkalde ng Makati, hanggang sa ganap siyang inihalal bilang alkalde noong
1988. Noong 1987 naman ay inatasan siyang maging gobernador ng Kalakhang Maynila, at di-
naglaon ay naging tagapangulo ng Metro Manila Development Authority. Muli siyang nahalal
bilang alkalde noong 1992 at 1995.

Bilang alkalde ng Makati, ang unang prayoridad na binigyan pansin niya ay ang
edukasyon. Namimigay rin siya ng mga health card--ang "yellow card"--para lamang sa mga
residente ng Makati, at ito ay nakakatulong sa mga gastusin sa hospital. Mayroon din siyang
programma na nagsasaad na libre ang panonood ng sine sa mga mall ang mga matatanda(senior
citizen).

Grace Poe

Si Mary Grace Sonora Poe Llamanzares kilala bilang Grace Poe ay ipinanganak sa Iloilo
subalit inabandona siya nang kanyang tunay na ina. Kinupkop at inalagaan siya bilang anak ni
Fernando Poe Jr. at ang kanyang asawa na si Susan Roces. Lumaki si Grace Poe sa Estados
Unidos, kung saan siya nakapagtapos sa Boston College at bago siya bumalik sa pilipinas noong
2004. Siya ay isa sa mga senador bago tumakbo bilang pagkapangulo ngayong eleksiyon 2016.
Mar Roxas

Si Mar roxas ay ipinanganak sa Maynila. Nakapagtapos siya sa ng elementarya at hayskul


sa Pamantasang Ateneo de Manila noong 1970 at 1974 at nakakuha siya ng antas sa Economics
mula sa Wharton School of Economics ng Unibersidad ng Pennsylvania noong 1979. Bago pa
siya magsimulang pumasok sa politika ay nasinimulan na niya ang pagtataguyod sa mga isyu ng
edukasyon, kabuhayan, kalusugan, at katapatan sa gobyerno. Nagsimula na pumasok siya sa
politika matapos ang kanyang pagtakbo billang kongresista noon 1993 kung saan niya ginawa na
panukala ang karapatan sa mura at dekalidad na mga gamot at pagtatanggol sa mamimili .

Miriam Santiago

Si Miriam Defensor Santiago ay isang politiko at kasalukuyang Senador ng Pilipinas.


Siya ay isang abogado, dating hukom, at guro ng saligatang batas at batas internasyunal.
Naglingkod siya bilang komisyonado ng Kawanihan ng Pandarayuhan at Deportasyon ng
Pilipinas noong 1988 at naging kalihim ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan mula 1989
hanggang 1991. Nakatanggap siya ng Gawad Magsaysay (Magsaysay Award) nang siya ay
komisyonado ng Kawanihan ng Pandarayuhan at Deportasyon.

Tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas si Defensor Santiago noong 1992; siya ang
nangunguna sa mga panahong iyon ayon sa mga datos na nakalap subalit siya ay natalo ng ilang
daang libo sa bilangan. Naiulat na sa panahong pawala wala ang kuryente ay nagkaroon ng
malawak na dayaan na siyang nagging dahilan upang matalo si Miriam. Siya ay nagsampa ng
protesta ngunit sa huli ay napawalang bisa itong noong tumakbo siyang mula bilang senador
noong 1995.

Rodrigo Duterte

Si Rodrigo Roa Duterte ay ang alkalde ng Lungsod ng Davao sa Mindanao at isang


abogado. Siya ay unang inihalal noong 1987 at dalawang beses muling nahalal. Siya ay umalis sa
opisina dahil sa limitasyon sa termino at naging isang kinatawan para sa unang distrito
ng Lungsod ng Davao sa Maynila mula 1998 hanggang 2001. Nang taong iyon, siya ay tumakbo
muli sa pagka-alkalde sa Davao at matagumpay na nakuhang muli ang puwesto. Noong 2004,
siya ay muling nanalo bilang alkalde sa panibagong termino.
Sa ilalim ng pamamahala ni Duterte, ang antas ng krimen sa Davao ay sukdulang
bumaba, sa punto na ang pulong ng lokal na turismo ay maaaring ipahayag ang lungsod bilang
"pinaka-mapayapang lungsod sa Timog-silangang Asya." Binansagang"The Punisher" ng Time
Magazine, paulit-ulit na kinundena ang alkalde ng ilang lokal na mamamayan at ng Amnesty
International dahil sa pagkakaroon at maging pagpapahintulot sa mga maliliit na kriminal
(madalas ay kabataan na nadadawit sa krimen tulad ng paggamit ng bawal na gamot at
pagnanakaw) na patayin ng death squads.

Plataporma ng Bawat Kandidato


Kadikit nang bawat kandidato ang kanilang mga plataporma. Dito tinitignan ng mga
botante kung ang hanay ng pag iisip ng isang kandidato ay sang-ayon sa pangangailangan ng
bansa. Sa dinami dami ng mga naging halalan, maraming plataporma ang nauulit at hindi naman
nagawa dahilan para maging gasgas na sa pandinig ng karamihan kahit gaano pa kaganda ang
tunog nito.

Lalabanan natin ang korapsyon!,Tutulungan ko ang mahihirap!,Papataasin ko ang


ekonomiya! at marami pang iba. Mga platapormang kailangan natin ngunit hindi naman
natutupad. Gasgas na at tila hindi na pinag iisipan.

Napakahalaga ng isang plataporma sa isang kandidato. Sa limang maiinit na kandidato sa


pagkapresedente, sino kaya ang talagang pinag isipan ang sasabihin sa mamamayan?

Igaya sa Makati ang Buong Bansa


Kilala bilang mayor ng Makati si Jojo Binay bago pa man siya maging bise presidente. Sa
katotohanan ay ito ang naging daan niya upang makuha ang mataas na posisyon. Higit na mas
matunog ang kanyang pangalan kaysa nang naging bise presedente siya.

Maayos ang ekonomiya at natutugunan ang pangangailangan ng mga mamamayanan sa


Makati. Ang kagandahang ito ang inilalaban ni Jojo Binay. Bilang mayor ng mga panahong
papaunlad pa lang ang Makati may karapatan siyang angkinin ang mga papuring natatanggap ng
lungsod na ito. At ngayon na tatakbo siya bilang presedente ay dala niya pa din ang karangyaan
ng pangalan ng Makati na siyang binabandera niya.

Ang sabi nila wala raw akong magagawa. Pero naipakita ko naman po. Wala pong
makapagsasabing hindi namin napaganda ang buhay sa Makati, saad ni Binay sa isa sa mga
pahayag niya.

Sa bawat pahayag na ginagawa ni Binay ay hindi maaring hindi niya babanggitin ang
Makati, patunay kung gaano niya pinagmamalaki ang nagawa niya sa lungsod.

Parati niyang isinasaad kung papaanong igagaya niya ang buong bansa sa lungsod na
pinagmamalaki niya kapag siya ay naging presidente. Naririto at sinasabi niya na ipapatupad
niya ang mga batas na mayroon sa Makati sa iba pang lungsod. Gaya ng libreng edukasyon mula
elementarya hanggang sekondarya at nakakapag aral sa state university ang mga residente.
Mayroon din tinatawag na yellow card health program kung saan natatamasan ng mga taga-
makati ang libreng gamutan. Ang care program ang siya namang napapakinabangan ng mga
senior citizen kung saan sila ay naproprotektahan at naalagaan.

Korapsyon, Kahirapan at Patas na Karapatan


Si Grace Poe ay isa sa mga matagumpay na naupo sa posisyon sa unang pagtakbo
lamang. Siya ay anak ng kilalang personalidad na si FPJ. Ito na rin marahil ang naging dahilan
upang makilala at magustuhan siya ng mga mamayanan. Sa katunayan ay dala dala niya ang
pangalan nito sa bawat panayam na kanyang ginagawa.

Bilang anak ni FPJ ay nakahanay ang kanyang plataporma sa mga naging plataporma din
ng ama nang ito ay tumakbo sa eleksyon.

Sa mga panayam niya ay naikwekwento niya ang mga turo ng ama at mga hangarin nito.
Tila ay malapit siya sa mga mahihirap sapagkat ang kanyang plataporma ay umiikot sa pagtulong
at pagbigay ng mga pangangailangan ng mga mamamayan na mahihirap ng bansa.
Marahil bilang isang taong lumaki sa alaga ng hindi tunay na pamilya, ninanais niya
matulungan ang mga kabataan. Bigyan ng oportunidad ang mga batang ninanais na umunlad.
Katulad ng kanyang imaheng simple ay simple lang din ang kanyang plataporma. Deretsahan at
walang paligoy ligoy, madali mo ding maiintindihan ang nais niya.

Isang malinis na pamahalaan, patas na karapatan at oportunidad para sa mahihirap.

Pagpapatuloy ng Tuwid na Daan


Narahil ay si Mar Roxas ang may pinakamatunog na pangalan ngayong eleksyon. Ang
ating president, Nonoy PNoy Aquino, ang siya mismong nagdeklarang sinusuportahan niya ang
pagtakbo bilang presidente ni Roxas.

Noong nakaraang eleksyon ay tumakbo si Roxas bilang bise president ngunit siya ay
natalo ni Binay na siya ring tumatakbo sa kaparehas na posisyon. Ngayong eleksyon ay muling
magtatapat ang dalawa para naman sa posisyon ng presedente.

Nang tumakbo bulang kaparehas ni Aquino si Roxas noon ay kinakampanya nila ang
tuwid na daan. Kung saan ang mamamayan ang boss ng bansa. Hindi nabigyan ng pagkakataon
si Roxas na isagawa ito sapagkat siya ay natalo. Ngayong tumatakbo ulit siya sa eleksyon ay
ninanais niyang ipagpatuloy ang nasimulan ni Aquino sa kanilang plataporma.

Simesentro ang Tuwid na Daan sa paglaban sa katiwalian at pagsugpo ng korapsyon na


siyang maaring sumira sa ating pamahalaan. Sinasabi na ginagaya lamang ni Roxas ang
plataporma ni PNoy noon na siya rin namang naging plataporma niya nang siya ay tumatakbong
bise presidente pa lamang. Hindi nakakagulat na may hangarin siyang ituloy ito.

Paglilinis ng Kurapsyon
Kilala si Miriam Santiago bilang Depensor. Marahil ay dahil sa galing niya sa
pakikipagtalastasan at malawak na kaalaman sa batas. Walang hindi sasang-ayon pagsinabing
siya ay mayroong matalas na dila. Maraming kabataan ang siyang sumusuporta sa kanya at
ninanais siyang manalo. Ito ay dahil sa paghanga nila sa kagalingan at katalinuhan nito.

Isa na ata si Depensor sa pinakakilala ngunit napakatahimik na pangalan sa listahan ng


mga tatakbo.

Siguro dahil ang batas ang kanyang espesyalista kung kaya napakaraming batas ang nais
niyang ipatupad sa oras na maupo siya bilang presidente. Kung hindi batas na ang layunin ay
mapaunlad ang ating mga probinsya, karamihan ay batas upang mahuli ang mga mandaraya sa
senado.

Kamay na Bakal
Kung si Binay ay kilala nang dahil sa Makati, si Duterte naman ay dahil sa Davao.
Marami ang nakasaksi sa kapayapayaan na mayroon ang lungsod ng Davao kung kaya
napakaraming sumusuporta sa pagtakbong ito ni Duterte kahit pa na mayroon siya kamay na
bakal.

Ordinaryo na lamang ang mga pagmumura niya sa harap ng kamera sa sobrang dalas na
niyang ginagawa ito. Isunusulong niya ang paghuli sa lahat ng mga nagkakasala sa batas. Sa
bawat pagkakataong mayroon siya ay binabantaan niya ang mga ito.

Marahil ay kailangan natin ang kanyang tapang. Ngunit walang makapagsabi kung sapat
na nga ba iyon upang masugpo ang krimen sa bansa.

Kontrobersiyang Nakadikit sa mga Kandidato


Kasungalingan ni Binay
Sa mga naganap na pakikipanayam kay Binay at sa mga naganap na pagbisita niya sa
mga paaralan bilang isang panauhan, mapapansin na sa bawat komentaryong ginagawa niya ay
sinisisi niya ang gobyerno sa lalong paghihirap ng mga mamamayan at ang pinakakinukutsa niya
ay ang kasalukuyang gobyerno.
Ngunit hindi ba at siya ang bise presedente ng kasalukuyang gobyerno? Kung ganong
nakikita niya ang pagkukulang n gating pamahalaan bakit hindi siya kumilos at ayusin ito? Siya
ang bise presedente na pangalawa lamang sa pangulo, hindi ba at kadamay siya n gating
presedente sa mga responsibilidad.

"He continues to attack the president because he refuses to answer convincingly all
allegations of corruption and ill gotten wealth against him," pahayag ni Lacierda noong June
2015.

"We have yet to hear a response other than 'pulitika lang 'yan.' So we say to his camp in
dishing out lies against the president - Bring it on," dagdag niya.

Nitong pebrero lamang, sa naganap na debate sa telebisyon ay napag-usapan ang tungkol


sa lupain ni Binay. Ang kanyang sagot ay hindi mo makukunan ng kahit katiting na
kasiguraduhan dahil maski siya ay paiba iba ang sinasabi.

Si Binay ay nasabihang pinakasinungaling ni Cayetano. Ito ay sinabi niya noong post-


debate rally na inorganisa ng mga tagasuporta ni Duterte sa Cagayan de Oro.

"Nong tanungin sya sa debate kung paano niya nakuha ang kanyang lupa, ang sabi n'ya
minana daw niya ito, mula sa kanyang nanay at tatay. Pero kung matatandaan natin, sa kanyang
patalastas, sinabi ni Binay na namatay ang kanyang nanay na wala silang pera para pampa-
ospital. May lupa pala ang nanay niya. Hindi man lang nila ito isinanla o ibenta para maipagamot
ang kanyang nanay?"

Paglalahad ni Cayetano noong ika-21 ng Pebrero, linggo.

Pagkatao ni Poe
Napakatagal nang pinag-uusapan ang pagiging Pilipino ni Poe. Ang kanyang kaso ay
patuloy na tumatakbo sa husgado at ito ay wala pa ring konklusyon.

Sinasabing wala siyang karapatang tumakbo sa mataas na posisyon sapagkat walang


kasiguraduhan na siya ay purong Pilipino. Para sa isang taong walang tunay na magulang ang
isyung ito ay hindi lamang patungkol sa kanya kundi sa iba pang mga batang walang
kasiguraduhan ang pinanggalingan.

Ang isyu ng residency na-define na iyan ng SC, ang pinagbabatayan ay ang domicile.
palagay ko hindi isyung malaki ang residency. Tingin ko ang mas magiging isyu ay citizenship
Kasi para masabing Pinoy ka, dapat ang isa sa magulang mo ay Filipino, dapat madetermine
kung ang biological parents niya ay Pinoy talaga, ayon kay Brillantes na isinaad niya noong
nakaraang Hunyo 2015.

Katayuan ni Mar Roxas

Isa sa Roxas sa may pinakatahimik na isyu sa lahat ng kandidato. Bukod sa mga


nagaganap na siraan at pakikipagbangayan sa ibang kandidato ay wala kang makikitang isyu
patungkol sa kanya.

Ligtas na sabihing malinis ang mga nakaraan na record ni Roxas. Ngunit kasing tahimik
din ng mga isyu niya ang mga kanyang nagawa. Wala ka halos marinig patungkol sa kanya at
nagsisimula lamang mag-ingay ang kanyang pangalan tuwing may eleksyong nagaganap. Ito
marahil ang naging dahilan kung bakit siya natalo noong tumakbo siya bilang bise presedente.

Ang tanging pinagkaiba lamang niya sa lahat ay hindi siya lumaki sa hirap kung kaya
hindi siya gumagawa ng mgaa gasgas na komentaryo na naiintindihan niya ang mahihirap o
galing lamang siya sa mahirap. Sinasabi ng mga botante na wala siyang pakeelam sa mahihirap.
Ngunit sa totoo lamang ay walang mga isyu patungkol sa kanya yaman at karangyaan. Hindi bat
simple lamang din siya.

Kalusugan ni Defensor
Bago opisyal na magsimula ang eleksyon ay napabalita ang pagkakaron ng stage 4 lung
cancer ni Miriam. Sa una ay naging sagabal ito sa pagdedesisyon niyang tumakbo. Ngunit sa huli
ay deneklara niyang kaya niyang maging presedente at ang kalusugan niya ay hindi hadlang
kung kaya siya ay tutuloy sa planong pagtakbo sa eleksyon.

When they were doing this they discovered that I have a very rare condition which is
called behavioral mutants or mutancy by themselves. My cells in my left lung have developed a
genetic mutation that makes them impermeable to cancer and which gives them the energy to
fight off cancer nearby, pahayag ni Santiago.

Hanggang ngayon na malapit na ang eleksyon, kinukwesyon pa rin ng mga mamamayan


ang kanyang kalusugan. Ngunit matigas ang senadora at itinangging ilalabas niya ang
kasalukuyang nangyayari sa kanyang kalusugan.

"No, because that is my right to privacy. Now if she wants to, she can go to St Lukes
Global [City in Taguig] and she can formally ask them in writing, then St. Luke's will follow
their protocol and abide by it," Sabi ni Santiago sa isang tawag sa telepono sa isa sa mga
mamamahayag noong October 20, 2015.

Pagpatay ni Duterte

Kilala si Duterte bilang napakatapang na kandidato ngayong eleksyon. Marami ang


humahanga sa kanya dahil sa nagawa niya sa davao. Matalim ang dila niya gaya ni Defensor
ngunit sa ibang aspeto.

Hindi niya itinanggi na gusto niyang patayin ang mga criminal at hindi siya
nagdadalawang isip na isagawa iyon.

Kanya ring ideneklara na susupag-in niya ang korupsyon sa loob lamang ng anim na
buwan simula sa oras na maupo siya bilang presedente.
Makailang beses na rin na inamin ni Duterte na siya ay pumatay ng mga krimenal. Isa
rito ang ikinuwento niya sa DZMM radio noong nakaraang disyembre patungkol sa tinangay at
ginahasang babae. Anamin niya na pinagbabaril niya ang mga krimenal nang ito ay nagpakita at
nanghihingi ng pera sa pamilya ng babae.

"Hindi crime 'yun. They were committing a crime in my presence and I was the person in
authority under the law." Komentaryo ni Duterte nang siya ay tinanong kung siya ay hindi ba
natatakot sa human rights.

Pakikipanayam

1. Para po sa inyo, ano ang katangian ng isang president na kailangan tignan o pagbasihan
ng mga botante ngayong 2016 sa darating na halalan?
Ang unang dapat pagtaunan ng pansin ay kung may nagawa ba siya sa mga panahong siya ay
nasa politika. Dapat din pagtuunan ng pansin ang mga isyu na kinasangkutan niya lalo na kung
ito ay malaking kontobersya. Dapat din isipin ay kung totoo ang mga sinasabi at pinapakita niya
sa telebisyon. Eto ba talaga ang pagkatao niya o nagpapabango lang siya. Yun ganun.
2. Para po sa inyo, ano ang dapat pagtuunan ng pansin ng susunod na pangulo nga
Pilipinas?
Kahirapan at korapsyon. Yun naman talaga ang pinakanagpapanget sa gobyerno natin. Kung
gagawan nila ng paraaan ang korupsyon mas magkakaron ng pera ang gobyerno para
pangsuporta sa mga programma para sa mahihirap. Kung mangyayari iyon magiging mas
maginhawa ang buhay ng mga Pilipino.
3. Naniniwala po ba kayo na kayang baguhin ng susunod na president ang Pilipinas? Bakit?
Kailangan kong magtiwala sa taong pinili ng karamihan. Mas mabuti ang opinyon ng karamihan
diba? Maliban na lang kung may dayaan na mangyayari. Pero tingin ko kailangan mo magtiwala
sa presidente ng bansa kahit sino pa yan. Kasi presidente mo yan.
4. Sino ang inyong pambato sa darating na eleksyon?
Si Duterte sana. Kaso masyadong mabigat ang pagkatao niya. Baka mauwi siyang diktator. Si
Roxas naman tahimik lang wala masyadong isyu kaso hindi ko din talaga alam mga nagawa
niya. Masyadong tahimik eh. Yun, silang dalawa lang ang naiisip ko. Tignan na lang natin pag
eleksyon na.

Pakikipanayam kay Ginang Rosario Ausan. Isang may bahay at mahigit labing limang
taon nang botante na aktibong bumoboto.

You might also like