You are on page 1of 5

Ang Bangsamoro ay ipinapanukala sa ilang bahagi ng Mindanao sa

kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng (MILF). Ito ay


sa pamamagitan ng pagdedesentralisa ng ilang pulitikal at ekonomikong
kapangyarihan at ang pagpalit sa (ARMM) na itinatag noong 1990. Mabuti man ang
layunin ng Bangsamoro, may mga grupong pabor at mayroon ding hindi pabor sa
pagtatag nito. Sa isang nasyonal na pag-aaral, napag-alamang positibo ang opinyon sa
mga Pilipinong nakatira sa kung saan ito itinatag, samantalang negatibo naman ito sa
karamihan ng iba pa sa Pilipinas. Ang higit na naapektuhan ng panukalang
Bangsamoro ay ang mga residente ng Mindanao, mahalaga ring alamin kung ano ang
mga pananaw tungkol dito ng mga Pilipinong wala sa Mindanao. Ang kasalukuyang
pananaliksik ay tumutukoy sa kung paanong ang mga impormasyon sa mass media ay
nakakaapekto sa atityud ng mga mag-aaral sa Kamaynilaan tungkol sa Bangsamoro.
Kumalat ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral ng isang pampublikong unibersidad sa
Kamaynilaan. May animnapu't dalawang mag-aaral ang nagboluntaryong makilahok
sa pag-aaral, kung saan may dalawampu't siyam na nagresulta. Ang katampatang
gulang ay nasa 19.55, labinlima ay mga kababaihan at labing-apat ang mga
kalalakihan. Karamihan ay mga Romano Katoliko. Ang bawat panukat ay may
labintatlong aytem na sinagutan ng mga kalahok gamit ang 7-puntong iskala. Ang
katapatan ng mga panukat ay napatunayan gamit ang Cronbach's Alpha. Upang mas
mapalawak, gumamit ng repeated-measures experiment kung saan inuulit ang
pagsusukat ng mga baryabol upang maging mas reliable at mas konkretong ang
pananaliksik at hot cognition hypothesis kung saan malaking parte ng naging resulta
ng naging pananaliksik ang emosyon ng mga kalahok sa atityud na ipinaktia nila na
may kaugnayan sa Bangsamoro na nakabase at may kaugnayan din sa ipinakita sa
kanila na nagmula sa mass media.  Iprinesenta ang isang powerpoint presentation na
may pamagat na “Research on People’s Views about Current Social Issues”,
inilimbag, at ipinamigay. Ibinigay ang mahalagang detalye ng pag aaral. Ipinasagot
nila sa kalahok ang unang panukat ng atityud sa Bangsamoro at pagkatapos basahin
ay pangalawang panukat naman. Ang sumunod ay awdyo-biswal na para sa
emosyonal na aspeto tungkol sa pagtutol ng MNLF at hirap na dinanas ng mga
residente ng Zamboanga. Pagkatapos ay isinagawa ang huling pagsukat ng aityud..
Tatlong beses sinukat ang atityud sa panukalang bangsamoro ng dalawampu’t siyam
na kalahok. Sa unang pagsusukat, nyutral ang kanilang atityud. Sa sumunod,
bahagyang bumaba ang kanilang atityud. Bumaba man ay nyutral pa rin ang
kabuoang atityud nila. Sa ikatlong pagsusukat kung saan nasa emosyonal na aspeto,
bumaba at naging negatibo ang atityud. Naipakita sa pauna at eksploratoryong
pananaliksik na malaks ang impluwensiya ng mass media  sa pananaw ng mga tao sa
ipinanukalang  bangsamoro. Lumalabas din na ang emosyonal na uri ng presentasyon
kumpara sa hindi emosyonal  ay may malaking epekto sa atityud. Inirekomenda na sa
hinaharap ay imbestigahan din ang mga bagay sa paligid at kopgnitibong
pagpoproseso ng mga taong direktang nasasangkot jna nakakaapekto sa pagbuo ng
atityud sa ipinanukalang Bangsamoro. 
Panimula

Ang Bangsamoro ay ipinapanukala sa ilang bahagi ng Mindanao sa kasunduang


pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng (MILF). Ito ay sa
pamamagitan ng pagdedesentralisa ng ilang pulitikal at ekonomikong kapangyarihan
at ang pagpalit sa (ARMM) na itinatag noong 1990. Mabuti man ang layunin ng
Bangsamoro, may mga grupong pabor at mayroon ding hindi pabor sa pagtatag nito.
Sa isang nasyonal na pag-aaral, napag-alamang positibo ang opinyon sa mga
Pilipinong nakatira sa kung saan ito itinatag, samantalang negatibo naman ito sa
karamihan ng iba pa sa Pilipinas. Ang higit na naapektuhan ng panukalang
Bangsamoro ay ang mga residente ng Mindanao, mahalaga ring alamin kung ano ang
mga pananaw tungkol dito ng mga Pilipinong wala sa Mindanao. Ang kasalukuyang
pananaliksik ay tumutukoy sa kung paanong ang mga impormasyon sa mass media ay
nakakaapekto sa atityud ng mga mag-aaral sa Kamaynilaan tungkol sa Bangsamoro. 

Mga Atityud

Ang atityud ay isa sa mga pangunahing inaaral sa sikolohiyang panlarangan. Ito ay


maaaring binubuo ng mga elementong kognitibo, apektibo, at pagkilos. Sa
ebalwasyon sa Bangsamoro, ang mga sumasang-ayon sa pagpapatupad nito ay may
positibong atityud tungkol dito, samantalang ang mga tumututol dito ay may maigting
na negatibong atityud.

Mga Silbi ng mga Atityud

Kinokonsidera ang mga atityud bilang sentral na konstrak sa sikolohiyang


panlarangan dahil sa mga silbi nito sa pagkilos ng mga indibidwal sa iba’t ibang
konteksto. Maaaring ang positibong atityud sa Bangsamoro ay repleksyon sa
pagpapahalaga sa kapayapaan. Marahil dahil sa positibong atityud sa Bangsamoro,
isang kasapi ng MILF ay nagiging tulay upang ito ay tanggapin sa kanilang grupo.
Mahalagang alamin ang pagbuo ng atityud. Maraming paraan ang paghubog sa
atityud ngunit ang lahat ng ito ay sa pamamagitan ng unibersal na pagproseso ng mga
impormasyon sa isip ng tao

Pagbuo ng Atityud sa Pamamagitan ng mga Proseso ng Pag-impluwensya at


Kognitibong Panlipunang Pagproseso ng Impormasyon

Nabuo ang atityud ng mga mamamayan sa Mindanao mula sa mga naging karanasan
nila. Para naman sa residente ng Maynila, nabuo ang kanilang atityud mula sa mga
pananaw at impormasyong kanilang nasagap. Ang  mga impormasyong
nakakaimpluwensya sa pagbuo ng atityud ito ay dumaraan sa pundamental na mga
prosesong kognitibo. Kung anumang impormasyon ang pumasok sa atensyon, ang
mga ito ay itinatala sa komplikadong sistemang pangmemorya. Kapag nabuo na ang
kognitibong representasyon ng bagay, maaaring masinagan ito sa mga pagkilos at
pag-uugali ng indibidwal. Maiipaliwanag na ang pagbuo ng atityud sa Bangsamoro ng
mga taga-Kamaynilaan ay sa pamamagitan ng sentral at periperal na mga proseso.
Sinasabing nabuo ang mga atityud sa pamamagitan ng heuristikong proseso.
Nakabase ang indibidwal sa impormasyong matagal nang nasa isipan na konektado sa
Bangsamoro. Sa sitwasyon ng mga taga-Kamaynilaan sa pagbuo ng atityud sa
Bangsamoro, mas lamang na periperal at heuristiko ang pagproseso sa kanilang
isipan. 
Pagbuo ng Atityud sa Bangsamoro sa Paraan ng Malamig at Mainit na Kognisyon
Tungkol sa Impormasyong Galing sa Mass Media

Ang pagbubuo ng atityud tungkol sa Bangsamoro ay madalas na nagmumula sa


impormasyon na galing sa mass media - pahayagan, telebisyon, at Internet. Ang
pagbubuo nito ay mabilis na proseso, depende sa kung ano ang agad na nakukuha.
Ang pagkakadebelop ng atityud ay maaaring tingnan sa pamamagitan ng malamig at
mainit na kognisyon tungkol sa impormasyong galing sa mass media. Ang malamig
na kognisyon ay walang emosyonal na bigat, samantalang ang mainit ay mayroon.
Maraming ebidensya ang nakapagpatunay na ang impluwensiya ng mainit na
kognisyon ay malaki sa pagbubuo at paghahayag ng atityud. Madalas na
nagpapatrolya ang mga tao sa pagpoproseso ng impormasyon sa pamamaraan ng
awtomatiko at emosyonal.

Atityud Bilang Resulta ng Motivated Social Cognition

Ang atityud tungkol sa Bangsamoro ay bunga ng motivated social cognition. Ang


mga proseso ng pag-iisip at produkto nito ay nagbubunga ng pagnanais ng mga tao na
mapamahalaan ang pagtingin nila sa sarili at makontrol ang kanilang kapaligiran. Ang
mga atityud ay bunga ng mga representasyon at iskima na nalilikha ng indibidwal
mula sa mga impormasyong nasa paligid nila. Sa pananaliksik na ito, ang mga
kabataang Pilipinong mula sa Kamaynilaan ay tinitingnan kung paano ang
impormasyon mula sa mass media ay nakakaapekto sa pagbuo ng atityud nila tungkol
sa Bangsamoro. Inaasahang ang atityud na mabubuo ay daraan sa mas awtomatikong
pagpoproseso, dahil sa impluwensiya ng mga heuristiko, periperal, at emosyonal na
mga impormasyon. Ang motivated social cognition ang nagpapaliwanag kung bakit
ang mga tao ay may pagnanais na makitang maging konsistent ang pagtingin sa sarili.

Metodo

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isang repeated-measures experiment na nagmumungkahi na


ang mga palabas na may emosyonal na nilalaman ay maaaring magkaroon ng epekto
sa ating mga atitud sa Bangsamoro. Ginamit ang tradisyonal na null hypothesis testing
at ang practical significance testing upang talakayin ang kinasapitan ng pag-aaral.

Mga Kalahok

Kumalat ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral ng isang pampublikong unibersidad sa


Kamaynilaan. May animnapu't dalawang mag-aaral ang nagboluntaryong makilahok
sa pag-aaral, kung saan may dalawampu't siyam na nagresulta. Ang katampatang
gulang ay nasa 19.55, labinlima ay mga kababaihan at labing-apat ang mga
kalalakihan. Karamihan ay mga Romano Katoliko.

Mga Instrumento

Ang artikulong ito ay tungkol sa pag-desisyon ng mga mananaliksik na magdagdag ng


tatlong panukat ng atityud tungkol sa Bangsamoro upang masuri ang kanilang
opinyon at suporta para rito. Ang bawat panukat ay may labintatlong aytem na
sinagutan ng mga kalahok gamit ang 7-puntong iskala. Ang katapatan ng mga panukat
ay napatunayan gamit ang Cronbach's Alpha. 

Mga Estimulo o Impormasyong Ipinresenta

Ang artikulong ito ay naglalarawan sa dalawang mga impormasyon na ipinakita sa


mga kalahok tungkol sa Bangsamoro. Una, walang pinapanig na impormasyon
tungkol sa mga pundamental na saligan at gobyerno na kasagutan sa panukalang
Bangsamoro. Pangalawa, emosyonal na impormasyon tungkol sa marahas na pagtutol
ng Moro National Liberation Front sa plano ng gobyerno. Ang mga karanasan ng mga
residente ng Zamboanga ay ipinakita sa pamamagitan ng mga pagbabalita at awdyo-
biswal na presentasyon.

Proseso ng Pananaliksik

 Iprinesenta ang isang powerpoint presentation na may pamagat na “Research on


People’s Views about Current Social Issues”, inilimbag, at ipinamigay. Ibinigay ang
mahalagang detalye ng pag aaral. Ipinasagot nila sa kalahok ang unang panukat ng
atityud sa Bangsamoro at pagkatapos basahin ay pangalawang panukat naman. Ang
sumunod ay awdyo-biswal na para sa emosyonal na aspeto tungkol sa pagtutol ng
MNLF at hirap na dinanas ng mga residente ng Zamboanga. Pagkatapos ay isinagawa
ang huling pagsukat ng aityud.

Kinasapitan at Pagtalakay

Tatlong beses sinukat ang atityud sa panukalang bangsamoro ng dalawampu’t


siyam na kalahok. Sa unang pagsusukat, nyutral ang kanilang atityud. Sa sumunod,
bahagyang bumaba ang kanilang atityud. Bumaba man ay nyutral pa rin ang
kabuoang atityud nila. Sa ikatlong pagsusukat kung saan nasa emosyonal na aspeto,
bumaba at naging negatibo ang atityud.

Kongklusyon at Rekomendasyon

Naipakita sa pauna at eksploratoryong pananaliksik na malaks ang


impluwensiya ng mass media  sa pananaw ng mga tao sa ipinanukalang  bangsamoro.
Lumalabas din na ang emosyonal na uri ng presentasyon kumpara sa hindi
emosyonal  ay may malaking epekto sa atityud. Inirekomenda na sa hinaharap ay
imbestigahan din ang mga bagay sa paligid at kopgnitibong pagpoproseso ng mga
taong direktang nasasangkot jna nakakaapekto sa pagbuo ng atityud sa ipinanukalang
Bangsamoro. 
Base sa pananaliksik, ang atityud ng mga kalahok ay naimpluwensiyahan ng
mga impormasyon tungkol sa paksang ipinresenta. Ang mass media ay may
impluwensiya sa atityud na nabuo dahil ito ay isang medium na umaabot at nagiging
source of information ng mga tao.

Sa pananaliksik na ito, gumagana ang tatlong panukat na ginamit sa mga


kalahok. Nagpresenta ang mga mananaliksik ng mga impormasyon tungkol sa
Bangsamoro. Makikita ang epekto sa atityud ng unang panukat kung saan nyutral ang
naging resulta. Sa ikalawang panukat naman ay nakita ang pagbaba ng atityud ng
kalahok. Sa ikatlong panukat naman ay emosyonal na impormasyon ang iprinesenta
kung saan naging sanhi na maging mas negatibo ang resulta.

You might also like