You are on page 1of 8

Southern Luzon State University

College of Teacher Education

Lucban,Quezon

Banghay na Aralin sa Edukasyong Pantahanan


at Pangkabuhayan VI

Mga Gawaing Pang-industriya

Inihanda ni:

Randell A. Coladilla

BSEd-IIID/TLE
I. Layunin

II. Paksang Aralin

Paksa: Mga Gawaing Pang-industriya


Antas: Ikaanim na antas
Materyal: Libro, Papel at panulat, Kartolina/Manila paper
Reperensya: Batayan at Sanayang Aklat sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 6
ni Leonora D. Basbas

III. Gawaing Pagkatuto

A. Panubaybay na Gawain

Magandang araw sa inyong lahat

Magandang araw din po

Pambungad na Panalangin

Tayo ay magsitayo para sa ating

pambungad na panalangin

(Simula nang Dasal)

Muli magandang araw sa inyong

lahat

Wala bang lumiban sa inyong mga

kaklase ngayong araw Wala po

B. Panlinang na Gawain

Bago tayo mag simula ng ating tatalakayin

ay mayroon muna akong pasasagutan sa inyo


Itaas lang ang inyong kamay kung mayroon

kayong ideya o kung nais ninyong sumagot

tungkol sa ating gagawin

(Pumili ng apat na mag-aaral)

Pumunta na sa unahan ang mga napili kong

sumagot

(Motibasyon)

Gawain:

1.) GAWAING K_H_ _ KAHOY

2.) GAWAING _E_A_ METAL

3.) GAWAING E_EK_ R_SI_AD ELEKTRISIDAD

4.) GAWAING PANG G_AP_K_ GRAPIKA

Base sa ginawa ninyo may ideya ba kayo kung

tungkol saan ang ating aralin na tatalakayin Mga Gawaing Pang-Industriya

C. Aralin

Ngayon talakayin naman natin ang bago nating aralin,

kanina tama ang lahat ng mga kasagutan ninyo ang

mga ito ay mga Gawaing Pang- industriya.

Muli ito ay ang mga 1.) Gawaing Kahoy

2.) Gawaing Metal 3.) Gawaing Elektrisidad


4.) Gawaing Pang- Grapika

(Pagtalakay ng Aralin)

May ideya ba kayo kung ano ang mga gawain

o trabaho na makukuha sa Gawaing Pang-

Industriya?

Elektrisyan,Karpintero atbp.

Tama ang iyong kasagutan.

Mga Kahalagahan ng Ibat-Ibang Gawaing Industriya

1.) Nagkakaroon ng kasanayan sa ibat- ibang gawain

2.) Nagagamit ang mga kasanayang ito sa tahanan, halimbawa ay ang pagkukumpuni ng
mga sirang kasangkapan sa tahanan

3.) Nakatitipid ng salapi dahil sa pagkukumpuni ng sariling kasangkapan

4.) Nagkakaroon ng hanapbuhay na gumagamit ng sarling kasanayan

5.) Maaaring magtatag ng tindahan pagawaan o repair shop na ginagamit ang kasanayan
bilang puhunan

6.) Nagpapaunlad ng ekonomiya ng pamayanan dahil sa kita ng mga tindahan,pagawaan


repair shop at iba pa

7.) Nakapagbibigayng hanapbuhay sa iba

8.) Maaaring gawing isang uri ng libangan

Ngayon dumako naman tayo sa ibat- ibang uri ng

mapagkikitaang gawain

Maari ba ninyong basahin.


(GAWAING KAHOY)

Gawaing Kahoy

1.)Pagkukumpuni ng sirang upuan

2.)Pagbuo ng proyekto gawa sa kahoy

3.)Paggawa ng mga kagamitang pambahay


na kaya mong gawin

4.)Pagpalit ng sirang bisagra

(GAWAING METAL)

Gawaing Metal

1.) Pag aayos ng sirang screen ng bahay

2.)Paggawa ng dust pan

3.) Paggawa ng napkin holder

4.) Paggawa ng lalagyan ng lapis na yari sa


metal

5.) Paggawa ng book ends


(GAWAING ELEKTRISIDAD)

Gawaing Elektrisidad

1.) Pagpapalit ng sirang switch

2.) Pagpapalit ng sirang plug

3.) Paggawa ng extension line

4.) Pag-aayos ng sirang kagamitang de

kuryente

5.) Pagpapalit ng sirang ilaw/bombilya

6.) Pagpapalit ng sirang fuse

GAWAING PANG GRAPIKA

Gawaing Pang-grapika

1.) Paggawa ng simpleng plano


2.) Paggawa ng ibat-ibang uri ng lettering

IV. Pagsasanay ng Aralin o Pagsusulit

Naintindihan niyo ba ang ating aralin na

tinalakay ngayong araw?Ngayon may inihanda Opo Sir

Naman akong maiksing pagsusulit na inyong

sasagutan base sa ating tinalakay.

(Pamamahagi ng sagutang papel)

Bago ninyo sagutan ay basahin muna ang panuto ng mabuti

Sagutang papel

Isulat sa patlang ang letra ng angkop na sagot.

A. Gawaing Elektrisidad C. Gawaing Metal

B. Gawaing Kahoy D. Gawaing Pang-Grapika

___1.) Paggawa ng lalagyan ng lapis na yari sa metal

___2.) Paggawa ng simpleng plano

___3.) Paggawa ng sirang ilaw/bombilya

___4.) Pagkukumpuni ng sirang silya at upuan

___5.) Paggawa ng mga ibat-ibang uri ng lettering


Tapos na ba ang lahat magsagot? Makipagpalit sa inyong katabi at ito ay tse tsekan

Kasagutan:

1.) C. Gawaing Metal

2.) D. Gawaing Pang- Grapika

3.) A. Gawaing Elektrisidad

4.) B. Gawaing Kahoy

5.) D. Gawaing Pang- Grapika

Pakipasa na ng sagutang papel

V. Takdang Aralin

Humanap ng larawan ng gawaing-kamay at idikit ito sa inyong kwaderno.

VI. Pangwakas na Panalangin

Magsitayo nap o ang lahat para sa ating

Pangwakas na panalangin

(Dasal)

Paalam sa inyo. Maraming Salamat

You might also like