You are on page 1of 2

Pangalan:________________________________________________

Pagsusulit sa Filipino 8

A. Basahin ang mga bahagi ng tula na ginagamitan ng salawikain. Sagutin ang


tanong sa ibaba nito.

Nakikita ang butas ng karayom,


Hindi ang butas ng palakol

Mayroon pang taong


Sobrang palapuna at palapintasin,
Sa mukha ng kapway
Nakikita agad ang dumi at dusing;
Munting kapintasan
Ng kapwa niya taong lagging pinapansin
Ang kamalian niyat
Mga kasamaan ay ayaw aminin.
Dungis sa mukha moy pahirin mo muna
Bago ka mamintas ng mukha ng iba.
Bumuo ng maikling talata na mgpapalawak sa iyong sagot sa tanong na
Bilang kabataan, paano mo isasabuhay ang mga salawikain na ginamit sa tula?
(10 puntos)

B. Bigyan mo ng pansin ang sawikain na ginamit sa usapan. Pagkatapos, sagutin


ang gawain sa ibaba.

Lef: Hoy! Joan kumusta ka na? Ibang-iba ka na ngayon.


Halos di kita makilala para kang hinipang lobo.
Joan: Mabuti nman. Naku, Oo nga eh, napabayaan na kasi ako sa kusina. Aba!
iba na rin naman ang hitsura mo. Ang tingin ko sa iyo ngayon tila ka
ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Ang lakas ng dating mo.

Lef: Naku ha, pamporma lang ang mga ito. Anong balita sayo? Ipinagpatuloy
mob ang kursong Medisina? Ikaw ang may utak sa klase natin noong High
School tayo di ba? Malamang kayang-kaya mo ang kursong pinangarap mo.
Joan: Heto ngat patuloy akong nagsusunog ng kilay para matapos ang
kursong noon pay hinangad ko na.

Lef: Masaya akong malaman yan. Talaga nman, sa buhay ng tao bago mo,
makamtan ang iyong pangarap kailangan mo talagang dumaan sa butas ng
karayom sa dami ng pagsubok na iyong mararanasan.

Joan: Ganyan talaga ang buhay. Matamis ang bunga kapag pinaghirapan.

I. Isulat ang mga sawikain na ginamit sa usapan.

1.______________________________________
2.______________________________________
3.______________________________________
4.______________________________________
5._______________________________________
6.______________________________________
7.______________________________________
8.______________________________________

II. Sa iyong palagay, paano nakatulong ang sawikain upang maging magaan
ang mga pahayag ng mga tauhan? Isulat mo ang iyong sagot sa patalata.
Maaari kang bumuo ng iyong pamagat para sa talata. (10 puntos)

You might also like