You are on page 1of 5

KAMPUPOT - Halimbawa ng Awiting Bayan

AKO'Y KAMPUPOT
Lyrics by Maning P. Velez

Ako'y kampupot
Na bagong sikat
Ang halimuyak
Sadyang laganap
Kaligayahan sa bawa't oras
Man din ang nais
Tanging paglingap

Kaya't noong minsan


Ay napakinggan
Isang binatang
Nananambitan
Puso kong taglay
Lubhang pihikan
Ay narahuyo sa panawagan.

Refrain:

Nasaan yung pangarap


Ng paglalambingan
Tangan na ng aking hirang
Alay ay kaligayahan
Kay tamis nga naman
Mabuhay 'ta sa pagmamahal
Kung ang ligaya ay makakamtam
Sa habang buhay.
Bakya Mo Neneng -
Halimbawa ng Awiting
Bayan
Levi Celerio

Lyrics:

Bakya mo, Neneng, luma at kupas na


Ngunit may bakas pa ng luha mo, Sinta;
Sa alaala'y muling nagbalik pa
Ang dating kahapong tigib ng ligaya.

Ngunit, irog ko, bakit isang araw


Hindi mo ginamit ang bakya kong inalay?
Sa wari ko ba'y di mo kailangan
Pagkat kinupasan ng ganda at kulay.

Ang aking pag-asa'y saglit na pumanaw


Sa bakya mo, Neneng, na di pa nasilayan.
Kung inaakalang 'yan ang munting bagay,
Huwag itapon, aking hirang,
Ang aliw ko kailan man.
Ang dalagang Pilipina -
Halimbawa ng Awiting
Bayan
Ang dalagang Pilipina
by Jose Corazon de Jesus

Music by Jose G. Santos

Ang dalagang Pilipina, parang tala sa umaga


Kung tanawin ay nakaliligaya
May ningning na tangi at dakilang ganda
Maging sa ugali, maging kumilos
mayumi, mahinhin, mabini ang lahat ng
ayos
Malinis ang puso maging sa pag-irog
may tibay at tining ng loob

Bulaklak na tanging marilag, ang bango


ay humahalimuyak
Sa mundo'y dakilang panghiyas,
pang-aliw sa pusong may hirap.
Batis ng ligaya at galak, hantungan ng
madlang pangarap.
Iyan ang dalagang Pilipina, karapat-dapat
sa isang tunay na pagsinta.
Bangkay ng lalaki sa Iloilo sinapian ng
Kapre?




HALOS dalawang linggo nang patay ang isang lalaki dahil sa bangungot ngunit sa halip na maagnas
ang kanyang bangkay ay lumalaki pa ang katawan nito na pinaniniwalaan ng mga residente sa Iloilo
na sinapian ng Kapre.
Bukod sa paglaki ng katawan, nagbago rin umano ang kulay ng balat ng bangkay ni Elvis Tamagos,
31, ng Barangay Bato, Tubungan na naging sobrang maitim.

Ipinagtataka rin ng tatay ni Elvis na si Silvino, 63, kung bakit nagtayuan ang buhok ng biktima sa
kanyang ulo.

Namatay dahil sa bangungot ang kanyang anak noong Setyembre 25, 2011 pero dahil malayo sila
sa kabisera ng bayan ay hindi na nila nadala ang bangkay nito at sa halip ay ibinurol na lamang sa
kanilang bahay.

Ngunit simula umano noon ay napansin na nila ang ilang pagbabago sa anyo ng kanyang anak.

Dahil walang maibigay na paliwanag ang health officials sa nabanggit na bayan, naniniwala naman
si Mang Silvino na kinuha ng isang Kapre ang kaluluwa ng kanyang anak at ginamit ang katawan
para sa hindi pa malamang dahilan.

Habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy pa ring lumalaki ang katawan ni Tamagos at wala pa
ring paliwanag ang lokal na pamahalan sa nabanggit na kababalaghan.

You might also like