You are on page 1of 1

Panimula

Mayroon ba kayong alam tungkol sa panitikan? Nakabasa na ba kayo ng mga akda ng ibat ibang bansa?
May gusto pa ba kayong malaman tungkol dito?

Ang pag-aaral ng panitikan ay mahalaga sapagkat ditto nasasalamin ang mga tradisyon o kaugalian at
nababatid ang mga pangyayari sa nakaraan dahil itoy hindi maihihiwalay sa kasaysayan.

Katulad ngwika, ito rin ay patuloy na nagbabago sa paglipas ng mga panahon. Malalaman ito kung
babasahin ang mga ibat ibang akda na nasulat sa ibat ibang lugar at kapanahunan.

Kadugtong nito, layunin ngayon ng librong ito na ipabatid sa mga mambabasa ang mga tanyag na obra
maestro hindi lamang sa Pilipinas bagkus sa iba pang umuunlad na bansa sa Asya. amakatwid, binubuo ng aklat
na ito ang mga piling akda na nanggaling sa ibat ibang bansang umuunblad sa Asya.

Bukod sa mayamang paglinang sa mga nilalaman, ang librong ito ay naglalaman ng mga sumusunod:

- Mga akda ng ibat ibang bansa. Ang sakop nito ay may kalakihan sapagkat ang mga itoy nagmula pa sa ibang
bansa. Isa pa, sinasalamin ng bawat akda ang kultura ng bansa;
-Salin sa Filipino ang mga akda para madaling maunawaan;
-Mga pagsusuri sa piling akdang pampanitikan. Ang pagkakasuri ay malinaw upang madaling maunawaan. Iba-
iba ang istilong ginamit ayon sa sistema ng pagkakasulat at uri ng akda. Kalakip dito ang mga teoryang
pampanitikan na naging basehan ng pagsusuri;
-Mga pagsasanay sa bawat akda. Layunin nito na idevelop ang mga mambabasa sa pagbasa nang
komprehensivo, kritikal na pag-iisip at mga valyung nakapaloob sa bawat akda at;
-Ang wikang ginamit sa mga pagusuri ay nasa antas-kolehiyo kung saan gumamit ang mga tagasuri ng mga
salitang hiram sa Ingles.

Inaasahang ang librong ito ay makakatulong at makapagpapayaman sa kaisipan at valyu ng mga mag-aaral.

You might also like