You are on page 1of 16

Pagbalik ng Dating Likas Yaman

Ni: Aira Cagampang


SHS Grade 11-Aquino

Ipinasara na ni Department of Environment and Natural Resources (DENR)

Secretary Gina Lopez. Ang mga kompanyang minahan upang maibalik sa dating ayos

ang mga nasirang likas na yaman .

Ang pagkawala ng dating ayos ng kalikasan ay maraming naapektohan dahil sa

pagsira ng bundok,pagguho ng lupa at pagbaha. Kaya naman maraming naapektohan mga

hayop at mga tao naninirahan dito kung saan unti-unting nasisira ang ating likas yaman.

Maraming natawa sa utos na itinalaga ni Secretary Lopez na isara na ang mga

kumpanyang minahan upang maisaayos ang likas yaman sa pamamagitan ng pagtanim ng

mga puno at pagsasaayos ng mga nasirang bundok sa pamamagitan ng paglunsad ng

proyekto.

Death Penalty: Kailangan Nga Ba?


Ni:Rodelyn A. De Guzman
SHS Grade 11-Aquino

Makatarungan ba ang Death Penalty? Tuluyan na nga bang maibabalik ang

death penalty? Paano na lang ang ating dignidad at karapatang pantao? Oh tuluyan na

tayong matatakot, dahil sa ipinatutupad ng death penalty!

Ang mga Liberal Party ay nagkakaisa para hindi maibalik ang death

penalty, dahil hindi makatarungan ang death penalty at kasalanan sa Diyos ang pag patay

nang kapwa tao. Nawawala rin dito ang ating karapatang pantao, kasi tinatapakan nila

ang ating dignidad. Maraming tao ang nangangamba para sa kanilang kaligtasan dahil

kahit anong oras ay pwede tayong mamatay ng walang kalaban laban.

Para sa akin hindi kabayaran ang death penalty, para sa mga kasalanang

nagawa ng isang tao, sapagkat hindi naman natin alam kung pinagbibintangan o

binabaliktad lang sila. Oo kasalanan sa Diyos ang pag patay, ngunit hindi pwede ang isa

pang buhay ang kabayaran para sa buhay ng isang taong inosente.


Death Penalty: Makakatulong Nga Ba?
Ni:Sarah Jane B. Garcia
SHS Grade 11-Aquino

Death Penalty, matagal ng gustong isulong ito, Ngunit hanggang

ngayon hindi pa din naipapasa , Nakapatagal nang prosesong pinag dadaanan nang

naturang isyu sa pag pataw nang kamatayan, Bakit nga ba? Dahil din ba sa madaming

tutol o kontra sa death penalty na ito.

Kung gayon tuluyan na ba itong maibabasura ng Gobyerno? Sa

akin palagay, Kung ako ang tatanungin, huwag na lang sanang ipatupad ang death penalty

sa bansa o sa buong mundo, dahil maraming buhay na masasawi sa krimen na hindi

naman nila nagawa, sa ganitong paraan, makakamit ba ng ibang pamilya ang hustiya?

Kung gayon huwag na lang ipasa nang gobyerno ang death penalty na ito.
Hindi Lang Ikaw Ang Nilalang Sa Mundo
Ni: Markie D. Ramirez
SHS Grade 11-Aquino

Ang ating kalikasan ay isang yaman na dapat nating ingatan ngunit dahil sa mga

kompanyang minahan ay napipinsala ang ating likas yaman kaya ipinasara ng

Department of Environment and Natural Resources (DENR) na si Sekretarya Gina

Lopez ang kompanyang minahan.

Ang ating kalikasan ay maraming natutulongan sapagkat ito ay nagiging tirahan ng

mga hayop at ating din pinagkukuhanan ng ating mga pangangailangan.

Ating alagaan at protektahan ang ating likas yaman dahil dito tayo kumukuha ng

pangangailangan at tirahan ng mga hayop ang ating kalikasan dahil ang kalikasan ay

ating yaman na ating dapat alagaan.


Parusang Kamatayan: Hatulan Na Ito?
Ni: Demay Janolan
SHS Grade 11-Aquino

Death penalty, ito ay isa pang isyong kinakaharap ng mga politiko. Dapat pabang

ipatupad o ibalik ang Death penalty? Makakatulong ba ito upang masugpo ang mga

krimen sa ating bansa?

Para saakin dapat ng ipatupad ang Death penalty ng krimen sa ating bansa. Hindi

man makakatulong ang Death penalty para masugpo ng krimen sa ating bansa pero ito

naman ay unti-unti ng mababawasan ang mga maling Gawain at matatakot na silang

gumawa ng isang krimen sapagkat maari na silang hatulan ng kamatayan.

Minsan kailangan nating maging mahigpit para narin ito sa ikabubuti ng maraming

tao. Sa madaling salita kailangan ng Gobyerno ng ngipin ng isang Dragon upang

madisiplina ang taong bayan at maaring ito ay ang Death penalty.


Kailangan Ba Talaga ng Death Penalty?
Ni: Laliane Ereso
SHS Grade 11-Aquino

Simula ng mailagay si Gng. Gina Lopez bilang Secretary ng Department

Enviroment and Natural Resources (DENR) ay may banta na ito sa mga ilang

minahan sa bansa. Isa na dito ang minahan sa mga probinsya sa Caraga region. Sa

kadahilanang ito ay nakakasira ng mga water shed at nakaka-epekto sa kabuhayan

ng Rehiyon.

Sa ngayon nanganganib si Secretary Lopez na hindi ikumpirma ng

Kongreso sa Commission on Appointment (CA). Pero supportado ng Presidente ang

pinaglalaban ni Secretary `Lopez na ipasara ang mga minahan sa rehiyon.

Sa mga taong nagpapatakbo ng mga minahan, Ang aking

Rekomendasyon ay huwag abusuhin ang likas na yaman para lamang sa ating mga

sariling interest upang yumaman. Pahalagahan natin ang inang kalikasan at

pagyamanin pa ito.
Extra Judicial Killing: Nanlaban Patay!
Ni: Mikka Ella Dela Cruz
SHS Grade 11- Ramos

Tama bang pumatay ng kapwa mo kapag napatunayan mong adik ito? Tama
bang pumatay nang walang kalabanlaban? Makatarungan ba ito?
Ito iyong kaso na pinakatututukan ng mga pulis dahil sa marami parin ang

gumagamit ng ipingbabawal na gamot . Pero dapat bang patayin ang mga taong gumagamit ng

ipinagbabawal na gamot o adik na mga nahuhuli nila hindi ba pweding ikulong nalang, may

papatay rin na mga inosente hindinaman tama iyon, hindi ba? Hindi makatarungan ang pumatay,

tao lang tayo nagkakamali at lahat tayo pwedeng mag bago, mag umpisa at mag bagong buhay

dahil hindi tayo diyos para kumitil ng buhay ng tao kahit adik man yan o napagkamalan lang

hindi parin dapat pumatay lalo na sa mga taong walang kalaban-laban sa mga taong akala mo

adik yun pala inosente.

Kaya bilang mag aaral ang kailangan ko lang gawin ay magmasid at sa mga pulis

naman kailangan gampanan ang kanilang tungkolin kailangan nilang gawin ng maayos upang

walang mamatay na inosente.


Magandang tanawin: Sinira ng mga Minahan
Ni: Mary Joy G. Obra
SHS Grade 11-Ramos

Bakit ipinapasara ng DENR na si Sekretarya Gina Lopez ang mga malalaking

kompanya ng Minahan? Ayon sa mga napabalita ito ay nagdudulot ng pagkasira ng ating

bansa lalo na ang ating mga yamang lupa.

Ang dulot na pagkasira ng ating Bansa at yamang lupa ay ang mga maling proseso

na ginagawa ng malalaking kompanya ng Minahan, dahil dito ay nagdudulot ng

pagkatuyot at pagkawala ng mga punong kahoy, gayon pa man ang magkaroon ng pagka

guho at maraming kapwa tao ang nasasawi ng dahil sa maling pagpapatakbo ng

malalaking kompanya.

Paano natin masusulusyonan ang problemang ating hinaharap? Sa aking palagay

dapat na itigil ang maling proseso ng malalaking kompanya ng minahan upang ang

pagkasira at pagkawala ng magagandang tanawin ay mawakasan na, sapagkat hindi na

maganda ang naidudulot nito sa ating Kalikasan.

Bilang isang mag-aaral ako ay sumasang-ayon sa desisyong ipasara ng DENR na si

Sekretarya Gina Lopez ang malalaking kompanya ng Minahan, upang maibalik ang

kagandahan at kaayusan ng ating mga yamang lupa, at muli nating mapaunlad ang ating

Bansa na walang masasawi,walang naaargabyado at higit sa lahat ay walang kalikasang

nasisira sa ating mundo.*


Illegal na Droga : Sanhi ng patayan
Ni:Trina B. Mejia
SHS Grade: 11-Aquino

Simula ng kampanya ng president ng pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte ay ang

Kaniyang kampanya para sa paggamit ng bawal na gamot o illegal na droga ang

nakapagpanalo sa kaniya.

Tatlo hanggang anim na buwan sabi niya mapipigilan niya daw ang kaniyang

administrasyon ang korupsiyon, kriminalidad at ang sikat ngayon illegal na droga.

Sa kaniyang pagkaupo ay unang araw may pinapatay na dahil sa illegal na droga.

Ang rekomendasyon ko dito, ang pagpatay ay masama para sa tao at sa tingin ng

Diyos. Mayroon namang ibang paraan para magkaroon ng hustisya sa kamay ng batas.

Sa huli. Maapektuhan nito ang kabataan na hindi sa patayan ang susi para makamit ang

kapayapaan sa mundong ito.


Pagpatay Kontra Droga Nararapat Nga ba?
Ni:Andrew H.Jintalan
SHS Grade 11-Ramos

Sa umpisa pa lamang malaking problema nang ating gobyerno sa pagsugpo sa

Illegal na Droga sa ating bansa.Ngunit isang tao ang hindi nating,natakot labanan at

Sugpuin ito.Siya ay ang kasalukuyang pangulo na si President Rodrigo Duterte.

Maraming pagbabagong nangyari at ginawa an gating pangulong Rodrigo Duterte.Isa

na rito ay ang pagpapaigting ng Oplan Tokhang na naglalayong sugpuin ang malawak

na paglaganap ng illegal na Droga.Ngunit sa kabilang banda maraming tao ang hindi

sangayon sa programang ito.Sa kadahilanang ang mga kapulisan pa mismo ang nagiging

protector ng Droga.

Sa aking palagay, bilang isang estudyante,maganda ang pamamalakad at plataporma

ng ating Pangulong Rodrigo Duterte.Susuportahan ko ang bawat programa ng ating

Pangulo.Ang aking suwestiyon ay maging pantay at wasto ang pamamalakad sa naturang

programa.pantay na batas sa bawat mamamayan.


Parusang kamatayan
Ni:Jocelyn H.Osis
SHS Grade 11-Ramos

Parusang kamatayan ay ipinapataw sa taong gumagawa ng krimen.Ngayon sa ating

bansa nasa ikatlong pagbasa ng parusang pagpatay,sa makatuwid malapit na itong

maibatas.Ano ang positibong at negatibong epekto ng death penalty.

Ang positibong dulot ng parusang kamatayan ay natatakot gumawa ng krimen ang

masasamang tao at hindi na rin nila napagtatangkang gumawa ng illegal na

bagay.Malaking pag-asang lumiit ang bilang o pursyento ng krimen sa Pilipino. Uapng

ang mga inosenting tao ay hindi nadadamay sa kasalan na hindi nila alam.

Naway mawala na ang illegal na droga sa ating bansa at ang mga ganap na

patayan.Bilang kabataan Pilipino nasasaktan ako sa mga katulad kung napapariwara

ngunit sisikapin kung maging huwaran sa maliit na paraan.


Death Penalty: Ang batas na bakal
Ni: Mary Grace P. Sumang
SHS Grade: 11-Aquino

Makakatulong ba ang death penalty?

Masusugpo ba ang krimen sa pilipinas ? Pwede bang pumatay ng isang tao sa

pamamagitan ng batas ?

Ang death penalty o pagpatay sa pamamagitan ng batas ay legal na paraan.

Ang kasaysayan nito ay ipinasa noong administasyon ni Fidel Ramos at nagtapos nung

manungkulan si Gloria Arroyo. Kasi mas malupit ang pagpatay ng batas kaya pinatigil

ang batas na ito. Ngayon binubuhay ito dahil sa pagkalugmok ng bansa sa krimen. Ito ang

legal daw na paraan para hindi gawin ang extra judicial killings.

Hindi ko alam ang death penalty pero ngayon masasabi ko ay ibitay ang dapat ibitay.

At hindi susi ang hindi pagpatay sa kapwa sapagkat matatakot ito.Ang opiniyon ko ay

papayag ako magkaroon ng death penalty kasi ito ang magiging solusyon sa problema ng

bansa sa kriminalidad.
Death Penalty
Makatarungan Nga Ba?
ni: Jerico Gonzales
SHS Grade:11-Aquino

Ang death penalty ay isa sa isyu na talagang pinagusapan ng sambayanan ngayon

Ito na nga ba ang sagot sa maayos at mapayapang pamumuhay ng taong bayan may mga

taong ayaw itong mapatupad dahil maniniwala silang magbabago pa ang mga tao

nakakagawa ng mga krimen bilang isang kabataang katoliko .

Ako ay hindi sumasang ayon sa Death Penalty dahil naniniwala akong hindi sagot ang

pag patay para sa mas matiwasay na pamumuhay hindi kalianman naging maka tarungan

ang pag patay lalo na sa mata ng Diyos ayun sa Bibliya.

Wag kang papatay. Nakakalungkot isipin na ispin na may mga taong namamatay dahil

sa hirap ng buhay.
Ang paggamit ng bawal na gamot
Ni:Crisca M.Claveria
SHS Grade 11-Ramos

Karamihan nang kabataan ngayon inuuna nila ang kanilang kaligayahan kaysa sa

kanilang edukasyon.minsan sa magulang din ang pagkukulang nang pagaaruga sa

kanilang anak.Sa kabataan nagyon nagagawa nila ang hindi nagagawa tulad ng

paninigarilyo pagkat ito ang kaligayahan nito nabibiktima din ang ibang taong walang

kalaban-laban tulad ng epekto ng droga.Ayon kay pangulong Rodrigo Duterte patayin

ang drug addict kaya kung isa ka sa Drug addict umiwas ka na upang gusto mo pang

mabuhay sa mundo ito kaya magbago ka na upang matulungan ang ibang kabataan tulad

mo,may pangarap sa buhay umpisahan muna ang disiplinahin ang sarili bago ka

maghusga ng ibang tao.


Death Penalty
Ni:Mark john C.Querrer
SHS Grade 11-Aquino

Bakit merong death penalty sa ating bansa? Bakit para lang sa mga gumagamit

Nang droga ang death penalty?Tama bang pumatay nang tao nang walang ka laban

laban?

Sa madaling salita ayun sa ating kabataan/mamamayan kaya naitala ito sa ating

bansa para matakot tayo sa ating bansa,para ding malinisan o mapayapa ang ating

kapaligiran na puno ng masasamang Gawain mga kababayan na hinding-hindi dapat

nating gawin sa ating bansa.

Bakit pa sa mga gumagamit ng droga ang death penalty?Bakit hindi na lang ilipat sa

ibang kaso?Karamihan sa ating mga kabataan na gumagamit ng ipinagbabawal na

inuming gamot o droga ating bansa,at padami ng padami ring namamatay noong naging

pangulo ang ating bansa si pres.duterte nang initala niya ang kanyang batas karamihan

din sa ating kababayan na natatakot na ng mabiktima ng salitang nan-laban.Karamihan

din sa mga gumagamit ng droga ay ilan sa kanila ay sumuko na rin para hindi dapat

silang mapatay.

Ayun sa aking naisip ay dapat lang na bigyan ito ng matinding parusa na kung sinong

lalabag sa ating batas.marami pa rin sa ating kababayan ay ang matitigas ang ulo para sa

kung ganon madali nating maitigil ang masasamang Gawain nating Pilipino,para kung

sa ganon madali rin nating irerespeto ang ating buhay,pamilya,at syempre ang ating

bansa.
..-

You might also like