You are on page 1of 2

Inay Patawad

Inay? Inay? Nandito na po ako! (Magkakamot) Nasaan na kaya yun?

(Sa mga manonood) Nakita niyo ba siya? Hindi? Teka lang, anong araw ba ngayon? Ha? Kaya pala
eh! Araw ng kanyang pamamalengke!

Sana, sana ipagluto niya ako ulit ng paborito kong adobo. Yung adobong manok na may halong
patatas at, at, nanunuot ang lasa ng sabaw sa loob ng laman ng manok! Hmmm Parang
naglalaway tuloy ako!

(Sa mga manonood) Alam niyo ba na napakabait ng nanay ko? Naaalala ko pa nung bata pa ako,
lagi niya akong kinakantahan bago matulog. Yung kantang, O tulog n, bunsong maganda; o
tulog na, hanggang sa umaga

Haaynung nag-umpisa naman na akong pumasok ay lagi niya akong pinagbabaunan ng


napakasarap na tinapay. Hanggang sa lumaki na nga ako. Pero, parang naging masyado na siyang
pakialamera. Tapos nakakahiya dahil kahit sa harap ng mga kaklase ko binebeybi niya ako.
Minsan nga, nasabi ko sa kanya, Ano ba yan nay, malaki na ako, hindi na ako bata! Nakakasakal
na kayo a! Tapos sabi niya, Anak gusto ko lang namang alagaan ka e Isinagot ko, Sobra ka
na kasi e, nakakahiya na!

Pagkatapos nun umalis ako at nang umuwi ako, gabing-gabi na. Anak san ka ba galing? Gabi na
a, delikado sa labas. Akala ko kung ano nang nangyari sa yo. Ang O.A. niyo naman nay. O,
kain ka na anak Tapos na, inaantok na ako. (Hihikab) Nang mga sumunod na araw ay hindi
ko na namalayang napapabayaan ko na pala ang aking pag-aaral. Nabarkada ako, nasubukan ko
ang manigarilyo, uminom ng alak, at tumikim ng droga. Masaya, laging may party, gimik at iba
pa. Minsan hindi na ako umuuwi ng bahay. Nakikitulog na lang ako sa mga kabarkada ko. At
minsan nang umuwi ako

Nandiyan ka na pala anak. Oo, may pagkain ba? Gutom na ako e. Sandukan mo naman ako.
Anak ikaw na lang. Nasa kusina yung pagkain. Nahihilo kasi ako e, ikaw na lang muna ang
magsandok. Ang arte naman nito, nahihilo pa kunwari.

Hayun. Napansin ko si Inay na hindi niya na ako laging inaasikaso. Naisip ko, nagsawa na rin
siguro. Lagi na lang nakahilata sa higaan, kain, tulog, linis, ewan. Nanibago ako bigla.

Isang araw humingi ako sa kanya ng pera. Inay pahingi nga ng isangdaan, may bibilhin lang
ako. Do-on sa may nakasabit kong palda. Kunin mo na lang doon. Saan dito? Ano ba, hindi ko
makita, saan mo ba talaga nilagay? (Naiinis) Ano ba nay. sumagot ka naman! (Lalapit sa ina)
Tingnan mo nga naman o, tinulugan ako ng loko. Psst! Hoy! Gumising ka nga muna! Psst!
(Tatapik-tapikin) Nay! (Yuyugyugin) Inay! Ano ba! Inay, bakit parang ang putla niyo? Gising nay!
Huwag niyo akong lokohin ng ganyan! Inay? Inay? Bakit po? Ang nanay ko! Tulong! Tulong! Inay!!!
(Umiiyak)

Ang nanay ko Pinabayaan ko siya. Mahal na mahal niya ako e. Tapos (Naluluha) Tapos ganun
lang ang isinukli ko sa kanya. Puro sakit ng ulo. Hindi ko na siya ginagalang. Hindi ko na siya
sinusunod. Kaya iyan, iniwan na niya ako. Mag-isa na lang ako ngayon. (Humihikbi)

Wala nang kakanta sa akin tuwing gabi. Wala nang magpapabaon sa akin ng tinapay.
Mangingialam. Hindi na ako makakatikim ng adobo ni Inay. Yung adobong manok na may halong
patatas, at, at, nanunuot ang lasa ng sabaw sa loob ng manok! (Yuyuko at iiyak)

(Maya-maya ay may parang may maririnig sa bandang kaliwa).

(Titingin sa kaliwa) Inay? Inay? (Sasaya) Bumalik kayo inay! (Pupunasan ang luha) Ano pong gusto
niyo? Gusto niyo bang imasahe ko kayo? Gusto niyo po bang ipagluto ko kayo? Dito po kayo
(Biglang lulungkot) Bakit po? Ayaw niyo na po ba sa akin? Nay, huwag niyo po akong iwan! Saan
po kayo pupunta? Inay!!!

(Nakatingin sa kaliwa) Patawarin niyo na po ako Parang awa niyo na po

(Kukunin ang larawan ng ina sa may sahig at kakanta habang nakaupo) Mama, I miss the days
when you were here beside me. Mama, those happy days when you were here to guide me Safe
in the glow of your love, sent from the heaven above. Nothing can ever replace the warmth of
your tender embrace Oh mama

(Sa manonood) Pakisabi naman sa Inay ko nagsisisi na ako. Pakiusap

You might also like